Kabanata 17: Sarili

102 7 1
                                    

Kabanata 17: Sarili

Faber Drive ft. Jessie Farrell - I'll Be There

///

Senior Year
High School

"Ayun na si kuya!" sigaw ng dalagitang nasa tabi ko. Nandito kami sa labas ng gate ng high school, naghihintay sa kuya ng babaeng kasama ko.

     Sa isang iglap, bigla akong kinabahan. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung bakit.

     Masyadong maraming tao 'yung papatawid sa kabilang banda lalo na at uwian ng mga estudyante. Hindi ko alam kung sino ro'n ang kuya niya.

     Sa pagpito ng traffic enforcer, maglalakad na sana ako pero may tumawag sa 'king isang lalaki. "Selina!"

     Napalingon ako sa likod ko at nakita si Adrian na mabilis na naglalakad palapit sa 'kin. Kumaway naman ako saka ngumiti.

     Nang nakarating siya sa harap ko, ni hindi na 'ko nakapagsalita nang bigla niya 'kong niyakap! Sa sobrang gulat ko, ilang segundo rin bago ko siya bahagyang tinulak.

     "Please... D-don't leave me," sabi niya.

     Lumayo ako ng ilang hakbang. "What?" tanong ko at hindi siya maintindihan.

     Napansin kong sumaglit ang tingin niya sa likod ko, parang may galit sa mga mata. Pero nagbago agad ilang segundo lang nang pilit siyang ngumiti pagkalingon sa 'kin. "Wala... Hatid na kita," sabi niya.

     Napakunot ang noo ko nang ma-realize na wala naman pala'ng malalim na meaning sa ginawa at sinabi niya kanina. Tinalikuran ko siya nang maalala 'yung dalagitang kasama ko kanina! Nasaan na 'yon?

     "Tara na, Selina..."

     Inikot ko agad 'yung paningin ko at sa wakas nakita ang hinahanap. Naglalakad na palayo 'yung babae habang nakakapit sa braso ng isang matangkad na lalaking naka-cap. Nakatalikod sila kaya hindi ko makita ang itsura pero siguro naman 'yun na 'yung kuya niya? Base na rin sa paraan niya ng pakikitungo sa lalaking katabi.

     I then wonder... Nakita ba 'ko ng kuya niya? At sumaya nga kaya 'yon? Napailing na lang ako sa naisip.

     "Makikipagkita ka ba dapat sa kung sino?" tanong ni Adrian.

     Napalingon ako sa kanya. "Parang gano'n, pero mukhang hindi na tuloy." Bahagya pa 'kong natawa sa sagot ko.

     Nakita kong napayuko siya at saka ko lang napansin na may sukbit siyang gitara. Mukhang galing siya ng practice at dumiretso rito sa school pagtapos.

     "Hindi ka nagsabi na bibisita ka a?" tanong ko. I tilted my head a little to see his face more. He seemed tired and worried about something.

     "Sorry. Na-miss lang talaga kita... Tara, hatid na kita," sabi niya nang mag-angat ng tingin. Sinubukan niyang ngumiti.

     "Family problem? Or band?" I asked.

     "Love problem," he answered and laughed a bit, no humor though.

     Napangisi na lang ako. Naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep. Nagsimula naman siyang magkwento ng mga nangyari sa araw niya. Random conversations... 'Dyan ko siya mas naa-appreciate.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon