Kabanata 19: Kaibigan

123 6 7
                                    

Note: Thank you for reading this story and hi NoimieAstoveza.

CamsAnn

Kabanata 19: Kaibigan

The Script - It's Not Right For You

///

'Mga mahal kong nilalang, may resulta na 'yung exam.'

     Napatitig ulit ako sa message ni Jun. Parang nanlamig 'yung buong katawan ko. Lumakas din 'yung tibok ng puso ko. May result na. Malalaman na namin kung pasado kami o hindi.

     Nakatanggap pa 'ko ng isang message.

Chase:

I heard from Jun. May result na raw. Samahan kita?

     Sa totoo lang una 'kong naisip 'yung pamilya ko. Gusto ko silang sabihan kung ga'no ako kinakabahan kahit hindi naman sila makakauwi agad para samahan ako. Pero parang guminhawa 'yung feeling ko kahit papa'no nang mabasa ko 'yon, na for the first time may kasama 'kong haharap sa result, bukod sa mga kaibigan ko, at siya 'yon.

You:

Sige kung oks lang. Nakakakaba haha. Pagdasal mo kami.


Chase:

Sige. Pagdadasal ko kayo.

     May emoji pa na kindat. I smiled. Sinabi ko sa kanya 'tong address ng coffee shop at sabi niya, alam na niya kasi nasabi raw ng kapatid niya, si Shena.

     "Si kuya po 'yung ka-text or chat mo?" tanong ni Shena na nakatitig sa 'kin.

     Tumango ako saka itinago na 'yung phone ko. Ngayon ko lang napansin na mukhang kanina pa nila 'ko tinitignan.

     "Don't tell me may boyfriend ka na? Kuya ni Shena? Pinag-uusapan pa natin 'yun nung birthday ni Jack a. Wala akong kaalam-alam!" malakas na sabi ni Elaine.

     Natawa na lang ako sa reaksyon niya at sumenyas na maging tahimik lang.

     "Hindi. Wala pa. Okay?" sagot ko.

     "Pero mukhang malapit na," pang-aasar ni Jack, nakangiti.

     "Ang supportive mo yata Jackson? Approve na sa 'yo?" Si Elaine.

     Pasimpleng itinuro lang ni Jack 'yung nililigawan niya na napansin naman ng huli.

     "Okay lang ba na magkwento ka tungkol sa kuya mo? Para mas makilala namin siya," panghihikayat ni Elaine.

     Tumango naman si Shena. "Hindi perfect si kuya pero hanga ako sa kanya," nakangiting sabi niya. Napahinto siya saglit, tila may naalala, bago nagpatuloy. "Responsable siya saka maraming pangarap noon pa man... Pero nang humiwalay siya sa banda niya noon, nahirapan siya nang sobra. Kasi mga kaibigan niya 'yon pero hinayaan siyang umalis para sa bago nilang bokalista. Tapos unti-unti pang lumala 'yung sakit ni Mama nung time na 'yon. Mula no'n, nagbago siya. Nahirapan na siya sa pag-aaral at sa paghanap ng mga totoong kaibigan. Napalapit siya sa mga maloloko kaya madalas silang mag-away ni Papa noon. At kahit inaalagaan niya pa rin ako at si Mama, alam kong sa loob niya, hirap na hirap siya sa mga responsibilidad, sa sitwasyon."

     Natahimik kami. Naalala ko 'yung mga dating usapan namin ni Chase sa phone. Hindi ko akalain na gano'n kalaki 'yung epekto sa kanya ng mga problema niya noon. Sa mga pag-uusap kasi namin dati, nagkukwento siya pero hindi niya pinaparamdam na sobra siyang nahihirapan.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon