Kabanata 9: Kahinaan
Miley Cyrus - Butterfly Fly Away
///
Sophomore Year
High SchoolI grew up to be a pretty good observer. At hindi ko alam kung mabuti ba ang gano'n o hindi.
I knew there's something wrong with my father. Kung paano siya pinag-uusapan ng mga kamag-anak namin at kung paano siya ipagtanggol ni Lola. Hindi ko lang masabi kung ano dahil sa tuwing kaharap ko si Papa, hindi ko magawang itanong, gusto ko masaya lang kapag nandyan siya.
May idea ako pero hindi ko pa 'yon nakukumpirma kahit kailan. Or maybe I want them to trust me and say it to me.
Hindi naman nagsasabi sa 'kin ang kahit na sino. Sina kuya at ate parang balewala lang sa kanila kahit parang may mali, may respeto pa rin sila sa Papa ko.
Naglalakad ako sa may hallway yakap ang notebook kong may Iron Man na design na pinasadya ko pa.
Ilang sandali, bigla akong natulak ng mga nagtatakbuhang estudyante. Useless ang umiwas kaya sumabay na lang ako sa agos.
"May binu-bully na naman sina Ben! Damn sophomores!" sabi ng kung sino.
"Talamak talaga ang bullying sa high school. Hays, gusto ko na mag-college para cool lang," dinig ko ring sabi ng kung sino man ang malapit sa 'kin.
Huminto sila sa tapat ng isang room. Ibang section 'yon pero pareho ng year level ko. Sophomore.
Nakita kong may isang estudyanteng babae na nakaupo sa sahig at nakayuko. Umangat ang tingin niya at nilingon ang paligid na dumami ang tao. Umiiyak siya at natatakot.
"Tama na 'yan Ben!" sigaw ng tanda ko ay class president nila.
Pero hindi nagpaawat 'yung lalaking tinawag na Ben at nagpatuloy sa paglapit sa babae.
"Ano? Ang hina naman. Inasar ka lang, umiyak ka na?"
"Akala ko gusto mo ng kaibigan? Dapat masabayan mo kami. E ang tanga mo masyado e," sabi naman ng isang babae at tumawa pa. Si Georgina.
Madalas ma-guidance ang Georgina na 'yon kaya kilala siya sa rito sa school. Ito pala ang section niya.
Biglang tumayo ang isa pang lalaki pero hindi naman siya dumagdag sa gulo, hinatak niya lang si Georgina papunta sa likod para hindi na 'yon makisali. Nakangisi pa rin siya kahit nagpahatak na.
"Tama na... A-akala ko seryoso kayo," mahinang sabi ng nakaupong babae. "Gusto ko lang naman ng totoong k-kaibigan... Pero bakit..." Halos mapaos siya sa hirap sa pagsasalita.
Magulo ang buhok niya na parang sinabunutan. May papel din sa likod niya pero hindi ko mabasa ang nakasulat.
"Transferee 'yan," dinig kong sabi ng isang malapit sa 'kin sa kausap niya.
"Kakalipat pa lang, na-bully na agad. Pinag-uusapan nila na na-bully rin daw 'yan sa previous school," sabi pa ng kung sino.
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong masaksihan 'to at manood pero nanatili ako ro'n.
Sinubukang tumayo ng babae pero parang wala na siyang lakas. Nanginginig sa galit o sa matinding lungkot? Bago siya matumba, pumasok ako sa loob ng room at inalalayan siya. Hindi ko kayang manood lang.
"Woah! Pilot section 'yan. It's a pleasure!" natatawang sigaw ng isang lalaki.
Walang malapit na bakanteng upuan kaya sa upuan ng teacher sa harap ko muna siya inakay.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."