Kabanata 12: Huminto

145 8 4
                                    

Note: Gusto kong mag-thank you sa 'yo  DorothyCordial, napapasaya 'ko ng comments at suporta mo. :) Sa mga nagbabasa at nakaka-appreciate ng kwento na 'to, enjoy reading. Sana kahit papano, na-reach ko kayo through this story.

CamsAnn

Kabanata 12: Huminto

A Rocket To The Moon - Somebody Out There

///

What I appreciate the most in being alone is having freedom. Pero hindi ko kinakalimutan 'yung limitasyon ng kalayaan na 'yon.

     Pagkagising kinabukasan, bumangon agad ako para maglinis ng bahay. Sunod ang labas. Nagdilig ako ng mga halaman at nagwalis ng bakuran.

     Inikot ko 'yung tingin ko sa buong sulok. Kung titignan mula sa pinto ng bahay, 'yung kanang bahagi lang na pader ang may mga painting, kung saan nandoon 'yung wooden table at upuan na tambayan namin. Nahahati sa apat na malalaking painting ang diretsong 'yon.

     Sa kaliwang part naman, walang nasimulang painting. Kasya rin ang apat do'n. Kaya 'yon ang nilinis ko. Hinawi ko 'yung mga nakakapit na halaman do'n na nakaharang.

     Napaupo ako sa damuhan nang matapos kong malinis 'yon. Tinitigan ko 'yung buong pader at in-imagine 'yung gusto kong makita ro'n.

     Pagtapos, naligo na 'ko at nagbihis ng pambahay pa rin dahil wala kaming pasok ngayon.

Chase: Kumusta?

     Napangiti naman ako nang mabasa 'yung message na 'yon nang mag-internet ako sa laptop ko.

     Nag-uumagahan ako sa garden.

'Chill lang. Alang klase.' I replied.

Chase: Sa 'min, Finals, kaya medyo busy.

'Next week naman sa 'min. Puyatan sa review.'

Chase: Sabi ni Kelvin, hindi na raw niya makausap si Jun. Nagre-review siguro.

     I laughed before typing my reply.

'Hahahaha. May qualifying exam pa kasi next next week. Baka ganyan na rin ako sa mga susunod na araw.'

Chase: So magiging busy kayo ng dalawang linggong puro exams. Sabihan mo 'ko kung magfu-foodtrip kayo haha. Kung pwede akong sumama.

     Naaalala pa kaya niya na birthday ko bukas?

'Sige. Ano namang ginagawa mo ngayon? Tapos ka nang mag-review?'

Chase: Katatapos lang. Ngayon, kumakain. Hapon pa exam. Ikaw?

'Kumakain saka nagse-search ng magandang bilihan ng art materials.'

Chase: I know a place. Mag-a-Art major si Shena kaya nagpa-practice na, inuutusan niya 'ko bumili minsan.

'Really? Saan?'

Chase: Sa katabing bayan. Pwede kitang samahan ngayong umaga o kung kailan pwede.

     Hindi agad ako nakapag-reply at nakapag-send naman agad siya ng isa pang message.

Chase: Kung okay lang.

     Nag-isip ako ng ilang saglit. Kilala ko na siya noon pero malaking misteryo pa rin 'yung pagkatao niya para sa 'kin. Pero masaya akong mas makilala siya.

'Kung okay sa 'yo, edi okay. Ngayong umaga, okay ba? Para chill ka lang muna bago exam mo. :)'

     Chase: Sure. ;) Walang problema. Punta ko dyan. Mag-aayos lang ako.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon