"I finally meet you iho!" My mother stated as she approach Rick. Ni hindi pa nga ito nakakapasok sa bahay ay sinalubong na agad ito ng mommy ko. Agad namang nagmano si Rick na ikinatuwa ko. Magalang na lalaki. Yie!
"Tara na at lumabas para kumain" aya ko sa kanila. Alam ko namang pagod ang mommy ko at hindi pa nakakakain kaya naman nagpasya kaming sa labas nalang kumain.
Si Rick ang nagmamaneho habang ako naman ang nasa shotgun seat. Si mommy naman ay nasa likod at todo ngiti ang ibinibigay sa aming dalawa. Paano ba naman kasi, simula pa kaninang tumungtong kami dito sa kotse ko ay nakahawak na ng kamay itong isang to. Magaling talagang umarte ang mokong.
"Alam mo iho itong anak ko ay masyadong pihikan sa kahit ano pagpapasensyahan mo na ha." sabi ng nanay kong magaling. Natawa naman si Rick.
"Alam ko naman po iyon. What I like about her is she's still simple kahit pa sabihin nating may narating na siya sa buhay." he casually said na parang alam na alam niya ang mga pinagdaanan ko sa buhay ko. Why I have this feeling na alam niya ang background ko?
I mouthed him "what was that" he just shrugged.
We settled on a restaurant near Eiffel Tower because thats what my mom wants. Hopeless romantic din kasi ito, silang dalawa ng daddy ko. Ewan ko nga ba sa dalawang ito kung bakit ako ang naging anak na ubod ng bitter. Hahahaha
I ordered us pizza and pasta. Wala naman akong masabi dahil hindi ako kasama sa usapan ng dalawa kong kasama. Tangin ngiti na lamang ang ibinibigay ko sa kanila kapag natitingin ang isa sa kanila sa akin. Nagtatampo tuloy ako pero at the same time natutuwa dahil nagkakasundo ang mommy ko at si Rick.
"So ano ng plano niyong dalawa ngayon? May wedsing bells na ba?" Muntik na akong mabulunan sa narinig ko sa nanay ko samantalang si Rick naman ay napaubo na lamang. He's not even my boyfriend we are just faking it, gusto ko sanang sabihin sa nanay ko kaso hindi pwede.
"Mom, let us savor this moment pwede po ba?" I said facing here. Naramdaman kong may humawak sa kamay kong nasa ibabaw ng table. Tinignan ko ito at nakita kong ngumiti sa akin si Rick. He is assuring me that he can handle this.
"Hindi naman po kami nagmamadali Ma'am". Sabi nito.
"Nako! Hindi ba at sabi ko sayo ay Tita Hail nalang. Tiyak na matutuwa si Danilo kapag nakilala ka niya sa ugaling mayroon ka" napapalakpak ang mommy ko sa sinabi niya. Napailing nalang ako at tinignan si Rick na parang nanghihingi ng sorry.
After that lunch, napagpasyahan namin na iuwi na si mommy dahil pagod ito sa byahe at kailangan niya magpahinga. Tumawag kanina si daddy at sinabi sa kaing wag ko raw pagurin ang nanay ko. Para namang ako ang may kasalanan kung bakit ganado nanay ko at hyper na naman.
Later that night, Charle and Evi invited me to go in our favorite bar. Evi said she has to because Dexter's in town. Talaga namang tinamaan ang kaibigan ko.
I logged in to my instagram account and posted at thank you message for the flowers that I received earlier. Bumalik na rin agad si Rick sa hotel niya dahil madami daw siyang papeles na pag-aaralan, naguilty tuloy ako so I let him go. Bukas ang huling araw niya rito at babalik na siya sa Greece. I wish I can stand without him around.
Suddenly, may nagfollow sa akin at ng icheck ko iyon ay kinilig ako. Talaga naman!
J.Abueva started following you.
Nagcomment pa ito sa flowers na ipinost ko.
J. Abueva : Such a pleasure to know that you liked it ♥
I hit reply and said.
TigressD_ : @J. Abueva such a sweet gesture coming from you. Love it xoxo.
Nakita ko naman nagcomment si Dominick tungkol doon sa flowers.
Dominick commented on your post : Qui diable t'a donné ça? (Who the hell gave you that?)
Hindi ko na san papansinin ng nagpop-up ulit ang pangalan ni Rick.
J. Abueva : Et pourquoi vous en souciez-vous? elle est ma fille alors je vais lui donner ce que je veux donner ..
(And why do you care? she's my girl so I'm gonna give her what I want to give..)
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ganoon niya na lang ako angkinin. Ano kaya ang iniisip niya sa mga oras na to? Marunong pala siyang magfrench.
Lalo namang kumabog ang puso ko ng magring ang phone ko.
"Y-yes?"
"Who is that Dominick guy?" He seemed so furious the way he speak.
"Wala yun. He's just my suitor" pag-aassure ko dito.
"Block him right now" hala siya. Pagkatapos sabihin iyon ay pinatayan na niya ako. So, possessive pala siya. I like it!
I did what he said. I blocked Dominick in my instagram account kahit sa tingin ko ay hindi naman na kailangan ay mas pinili ko nalang sundin ito ng wala ng gulo. Ganoon pala magalit ang isang iyon or ganoon pala siya magselos.
Isang tili ang nagpagising sa akin sa pag-iisip. Agad ko namang pinuntahan ang mommy ko only to find out na nagc-cellphone lang ito. Tumingin siya sa akin at ang lapad ng ngiti niya.
"He is so sweet anak! You should do everything to keep him ha!" She's giggling while saying that. Gross! Para itong bata.
Kaya naman pala nagtititili ang mommy ko ay nabasa niya pala ang conversation namin ni Rick sa Instagram ko, pati na rin yung kung paanong nainis ito kay Dominick. Talaga naman ang nanay ko walang kupas.
Iniwanan ko na ito at ipinagpatuloy ang pags-scan ko ng mga bagong designs na lumalabas sa market. Mabuti na rin kasing piang-aaralan ko kung ano yung mga patok sa madla para mas mabenta sa mga clients ko.
That night hindi ako makatulog. Napakaraming tanong na naglalaro sa isipan ko. Paanong nasasabi ni Rick yung ganoong mga sweet na bagay tapos sa social media pa. Panigurado akong nakita na ng mga hilaw kong kaibigan yung post ko at comment niya. Madami ng nakakaalam ng tungkol sa amin. Hindi ba siya natatakot na baka kailanganin naming totohanin ito dahil madaming tao ang umaasang magkakatuluyan kami? Isa ka na doon di ba? Anang ng isip ko.
Oo, umaasa ako. Masama bang umasa? I am a fighter, I know it, everyone knows it. Alam ko din naman kung kailan dapat itigil o hindi na ipagpilitan ang gusto ko. Alam ko din kung saan ako lulugar. Ang akin lang sana sa pagsugal ko at pag-asa ko may makuha akong magandang outcome.
I am selfish so even if yung ex niya ang kalaban ko sa puso niya, sisiguraduhin kong sakin pa rin ang bagsak niya.
Minarkahan ko na iyong goal ko na yun ng ibinigay ko ang sarili ko sakanya.
...
Interesting Fact about Love #923% of the couples who meet through online dating end up marrying.
Some of them are featured sa Jessica soho and other variety shows sa T.V. true love exist di'ba. Mayroon yung latest yung surfer ba yun, tapos yung batang taga Mindanao ata yun na tinulungan nung batang foreigner tapos after how many years inaadd sa facebook then nagkatuluyan sila. No boundaries, no raises, no colors, just pure love. Pag talaga tinamaan ka ni kupido.
Vote.Comment.Share mga bebs. 😘😘
BINABASA MO ANG
Til There Was You (Arragona Heirs #2)
General Fiction"Love is RARE, Life is STRANGE. Nothing LASTS, People CHANGE." James Katrick Abueva-Arragona Story. Arragona Series #2