Lakad ako ng lakad pabalik-balik sa loob ng kwarto ko. I know, I should calm down but the heck! He's talking to my father right now!
"Anak, magstay ka nga lang. Nahihilo ako sayo!" Mom said habang minamasahe ang sintido niya. Lately, I stress my mom a lot.
"Sorry, I am just nervous! What if dad assaulted James, or.. or.." Okay, napaparanoid na ako.
"Daniella! Your father's not like that." Mom said in a high tone and then calm down again.
Minsan iniisip ko kung paanong dito ako sa pamilya na ito ibinigay ng Diyos. I am not a good daughter pero kitang kita ko kung gaano nila ako kamahal. Yung mga kabataan ngayon dapat marealize yung bagay na ito bago mahuli ang lahat. Hindi naman porket nandyan sila palagi ay nandyan na sila.
That's why I'm thankful to have them. Hindi ko makakayanan siguro yung mga nangyayari sakin ngayon kung hindi sila supportive.
Bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa noon si James na nagpupunas ng pawis. How can this man be so alluring? Naramdaman ko naman ang pagtapik ng mommy ko sa kamay ko sabay tayo at nginitian si James.
"I should leave you two. You should calm her James, its not good for the baby." Mom said then left.
"Err... What happened?" I tapped the space beside me. Agad naman itong umupo sa tabi ko then hug me. "What happened James?"
"I thought your father will kill me. He prepared his caliber 45 in his table.."
Napatayo ako sa gulat."What the hell!" Agad akong naglakad papalabas sana para kausapin si daddy ng pigilan ako nito at hinila papaupo sa lap niya. "I will talk to dad, he should not do that to the father of my child! His grandchild!"
"Calm down Hyacinth.. He just showed me the gun nothing else." He caress my tummy that made me smile. "He told me that I have only two choices." Nilingon ko ito ng nakakunot ang noo.
"Two??"
"Yes, its either I will marry you or I will never see you and our baby ever.." Nanlaki naman ang mata ko. Daddy!!!!
....
Kasama naming naghapunan si James sa hapag kainan. Nararamdaman ko yung awkwardness sa pagitan ni dad at James pero hindi na lamang ako umimik. Instead, I pour my attention to the man sitting beside me.I like playing her wife in front of everyone. Pakiramdam ko ay asawang asawa ang dating ko sa kanya at pinagsisilbihan siya sa abot ng makakaya ko. Ako ang naglagay ng pagkain sa plate niya. I asked him ano ang gusto niyang ulam at ipinaglagay ko din siya. Feeling ko naglift yung burden ko ng matapos silang mag -usap ni Dad.
Alam ko sa sarili ko na mahal ko si James. Mahal na mahal ko siya. In fact, I am willing to say yes to his proposal pero hindi ko magawa dahil na din sa issue kay Andrea.
Oo, natatakot ako.
Natatakot pa din ako na baka kaya lamang niya nasasabi ang mga bagay na ito ay para panagutan ang bunga ng kapusukan naming dalawa. Although he assured me for God knows how many times, but it's eaten me up. My heart surrendered but my brain is still thinking.
I want to shut it out and let my heart decide. Pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko magawa.
"Anak, kailan niyo balak magpakasal?" Pukaw sa akin ng mommy ko. Napansin kong halos lahat ay nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Til There Was You (Arragona Heirs #2)
General Fiction"Love is RARE, Life is STRANGE. Nothing LASTS, People CHANGE." James Katrick Abueva-Arragona Story. Arragona Series #2