-16-

134 8 3
                                    





“Anong ginagawa mo dito James?”











“James?” wika nito na may halong pagkalito.











“Oo, ano ba ang pangalan mo? Di’ba James?” iiwasan ko ito  hanggat maaari. Hindi dapat kami humantong sa malalaman nito na alam ko ang tungkol sa kanila ni Andrea. Ayokong isipin niya na desperada akong tao. Hindi ako bababa sa ginagawa niya ngayon.












“You left me tapos malalaman kong umuwi ka ng Pilipinas na hindi man lang sinasabi sa akin?” he said. I think he’s angry. Para saan ang galit niya? Is it his pride? Does he care? Mukhang hindi naman.











“I gathered my thoughts James. We are not a good couple. We won’t last, iyon ang naisip ko kaya umalis ako.” Did I make myself clear? Sana ay kumagat ito sa sinabi ko.












“Why the sudden change Hyacinth? I thought we are in good terms? Sinabi mo pa sa pinsan mong you loved me. It’s in the past tense.” he tried to approach me pero umiwas ako. As much as possible ay ayokong madikit sa kanya dahil hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang pigilin ang sarili ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong ayokong maging desperada at habol ng habol sa taong ayaw sa akin. Dapat ata sabihin ko na alam kong may feelings siya sa asawa ng pinsan niya.










“May mga tao talagang nagigising sa katotohanan James…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang dumating ang mommy ko. “Mom..” I said and automatically James turns his head. He gave a nod to my mom.











“Dani hindi mo man lang ba itutour and bisita mo sa loob ng bahay? I already introduce him to our family, buti na lamang talaga at may numero ako ni Madame Claridad. Pasensya ka na James sa anak ko ha. Matampuhin talaga minsan iyan.” Sinisenyasan ako ng mommy ko. Nakuha ko naman kung anong gusto niya kaya umarte ako na parang kami pa.










“We’re okay now mommy. You are the best. Let’s go babe, I will show you around.” Mabilis koi tong hinila at ng makalayo na sa lugar naming kanina ay binitawan ko ito at nagpatuloy maglakad. “Suit yourself James, pumunta ka ditto mag-isa better to tour yourself around alone.”











Nauuna akong maglakad ngunit ramdam kong nakasunod lang ito sa akin. Hindi ito kumikibo at nagpatuloy lamang sa pagsunod sa akin hanggang sa makarating kami sa dulong pasilyo ng second floor kung saan naroroon ang kwarto ko.











“You can leave now.” Binuksan ko ang pinto at impit akong napahiyaw ng hilahin ako nito papunta sa loob at isinandal sa pader tsaka siniil ng mapusok na halik.












Ito iyong sinasabi ko kanina. Natatakot akong hindi ako makapalag oras na lumapit ito sa akin kahit kaunti man lang. Pinagdikit nito ang mga noo naming at kapwa kami naghahabol ng hininga. “BAkit mo ito ginagawa Dan? Why are you avoiding me? My calls, my messages, even your friends are avoiding me, bakit?”











I heave a sigh. “Some people are not meant for each other maybe? I may have you physically but emotionally I think not.”










“What do you mean?”










“Hindi ko kayang makihati James. I am setting you free for myself not for you. Natatakot akong makihati at sa bandang huli, ako ang talo.” Makahulugan kong sabi.









Til There Was You (Arragona Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon