Time passes by. Ngayon ang araw na ipakikilala na si James sa mga kapamilya nito. Excited ako na ewan dahil unang una hindi ko gusto ang tabas ng dila ng nanay nito.
Nakita ko na ito noong panahon na nagkaayos kami isang linggo na ang nakakaraan. Aminado naman ako na gusto ko ding makilala ang mga magulang nito. Gusto kong mapatunayan kung deserving ba talaga ang mga ito sa tiwala na ibinibigay ni James sa kanila.
I know for a fact that James only agreed to his grandmother dahil sa buhay na ang nakasalalay. Buhay ng kapamilya niya at ng babaeng minsan niyang minahal. Hindi ko din naman masasabi kung past tense na ba pero he's improving when it comes to our relationship. Nagkikwento na rin ito at nagiging open sa buhay niya which is sabi ni Evi sa akin ay okay naman daw. Hindi lang din nila maatim ang dila ng nanay nito noong minsang naikwento ko kay Charle and Evi ang unang pagkikita namin.
James bought me to a fancy restaurant for unknown reason. Nagulat ako dahil usually ay sa condo lamang niya kami nakstay lalo na at mainit ang mata ng mga media sa kanya at sa akin. Ayoko rin namang may madamay pa kaya nag ingat nalang din kami.
I am wearing a simple crop top and a tattered jeans. He said that it was too much revealing pero wala na itong nagawa ng kunin ko na lamang ang fur jacket ko at sinuot. He can't demand. Alam niya iyon lalo na at bumabawi siya sa pagkukulang niya na galing din mismo sa kanya.
Natanaw ko ang isang pamilyar na babaeng nakaupo sa pabilog na mesa at eleganteng umiinom ng wine. Halata mo dito na mayaman ito base sa pananamit at kilos nito. Nagulat ako ng huminto kami sa tapat nito dahilan upang maaninag ko ng husto ang mukha ng babaeng sinasabi ko.
Doon ko napagtantong kamukha niya si James. From facial features hanggang sa tindig nito. Halatang may class at authority silang taglay.
He introduce me to her and that's where I found out about her profile. She's the mother and I should act more decent dahil mukhang metikulosa ang dating nito. Far from my mother na kahit may class ay makikita mong hindi mataas na tao at down to earth. Napagkikinita ko sa kanya ang mga tita kong bruha. Pero dahil nga siya ang nanay ni James ay nakisama ako. Nagpantig lamang talaga ang tenga ko ng magsalita ito ng hindi maganda.
"Where's the fun iho?" Nakakunot ang noong tinignan ko ito.
"Huh?" James asked her na para bang hindi din nito nakuha ang sinabi ng nanay niya.
"Where's the fun? Akala ko pa naman ay ipupursue mo ang asawa ng pinsan mo? May thrill iyon kaysa sa firm and steady relation di ba Ms. Merced" natagis ang bagang ko. Ano ang gusto nitong sabihin? Na hahayaan niya ang anak niyang makisawsaw kila Chase at Andrea? Hindi na niya inisip ang anak niya.
"But its his choice ma'am. Siguro makabubuti na din po iyon para walang masirang pamilya." Sagot dito at naramdaman ko naman ang kamay ni James sa ilalim ng mesa. He is comforting me.
"Mas masaya ang suspense at agawan iha. You'll know very soon what I mean by that kapag natauhan ang anak ko." Naikuyom ko ang kamao ko.
Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni James. "Mom! Stop comparing my deeds to yours. We are not the same and will never be. Nakakahiya." I know. Alam ko ang pakiramdam na iyan. Kung ako man ang nasa lugar ni James ay ikahihiya ko din ang nanay ko. Pinatutunayan lamang kasi nito kung gaano siya kawalang kwentang babae.

BINABASA MO ANG
Til There Was You (Arragona Heirs #2)
General Fiction"Love is RARE, Life is STRANGE. Nothing LASTS, People CHANGE." James Katrick Abueva-Arragona Story. Arragona Series #2