Thank you sa mga nagffollow po! Para po sa inyo ito! Natutuwa din ako sa mga nagvovote happy 28k reads sakanila Chase and Andrea. Thank you po!!! Sobra sobra!! And mostly! Dahil dalawang top 1 sila James and Dan! Ayiee!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
😘😘😘😘😘
Nakakaisang linggo na ako dito sa pinas ngunit ni isang beses ay hindi ko tinangkang tawagan ang parents ko kahit gaanong pagkukulit ni Otep sa akin na sabihin ko na daw. Ewan ko ba, sa palagay ko kasi nandito sa Pilipinas ang sagot sa mga tanong ko kaya naman hindi ko magawang hindi umalis.
Busy naman si Nicole kaya naman si James lamang ang kasama ko noong mga nakaraang araw pero kahapon hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagpapakita sa akin. I don't know his whereabouts. Ang alam ko lamang ay sa kanya ang unit sa tabi ng sa akin at isa siyang big time businessman. Naisip ko nga kung ginood time lang ba niya ako kasi wala siyang magawa sa buhay niya.
In those past few days ay ni minsan hindi ko nakakitaan ng awkwardness ang mga pagkikita at pag-uusap namin ni James. Even Otep doesn't know anything. Hindi sa tinotolerate ko ang sarili kong magsinungaling pero ramdam ko din kasi ang higpit ni Otep sa akin lalo na ng nakaapak na ako dito sa pinas.
And maybe there is something more behind those acts of those people around me.
At dahil nakakatamad ang magstay sa bahay, magbubukas na sana ako ng Netflix ng nagmay nagdoorbell. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sarili ko o ano ng akalain kong si James pero it turns out ang pinsan ko pala ang bumisita.
"Kamusta na?" Nakapamewang na sabi nito.
"What brought you here? I thought busy ka?" Sabi ko dito habang inaabot ang snacks na binili nito sa isang kilalang fast food.
"I just want to know how are you" he said while looking at me intently. I have this urge to open up to him about James. When I shut my mouth dahil naunahan na niya ako. "How's James?" He asked.
"How?.." Nagtataka kong tanong na tila naunawaan naman nito.
"I am his friend. I bought him a condo unit here. He's next to you." Tuloy tuloy nitong sabi sa akin. Does James told him about me? Pero hindi ko naman sinabi sa kanya kung sino sino ang pinsan ko. "If you're going to ask me anything, go, I'm willing to answer it" umupo ito sa sofa ko at prenteng nagdikwatro.
"How are we related to him? Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kailan pa siya nandito? Sino siya sa atin?" Sunud-sunod kong tanong. "I know I have an amnesia so maybe he's an important part of my past?"
"To answer your last question, yes he was." He answered that made me froze. "He's very important that you can even bargain our closeness and bond just to be with him." Napabuntong hininga ito. "I am not in the right position to answer your questions Dan. Ang akin lang I want you to remember that all stories can be one sided."
I did not get his point at first. But as I analyze it, it turns out James is my only key to remember my past. Why I had this emptiness inside me? Why I have this doubt to what my parents are feeding me? Maybe and just maybe he can cure this vast space in my head.
"He is my key right?" I asked Ash and he just nodded.
Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Laman ng isip ko ang sinabi sa akin ni Ashton. Paano kung sa kahahatungan ng eksperimento kong ito ay masasaktan lang ako. Isa pa ay si Otep ang inaalala ko. I know I have said to him that I will be back as soon as I compromised with my parents but I will extend my vacation just for this one. I am hoping now that the old saying is not true "curiousity kills the cat".
Nagpabaling-baling ako sa higaan ko at hinawakan ang tiyan ko. Maybe there is some explanation behind this scar. Maybe Ash is right, I need James to find out more. Hindi sa nagdududa ako sa parents ko ngunit gusto ko lang makasiguro. Kung hindi kayang ibalik lahat ng ala-ala ko ayos lang. Ang mahalaga sa akin mafill-out yung ilang taong nawawala sa memorya ko.
Para kasi akong robot lang, dahil sa sinasabi nila nabubuhay ako kahit alam ko sa sarili ko na may mali sa mga nangyayari sa akin. Kung bakit overprotective ang parents ko at kung bakit parang hindi mapakali si Otep ng malaman na uuwi ako ng Pinas.
Kung susumahin ko ang mga reaksyon nila may mali nga.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa doorbell na nanggagaling sa labas ng pintuan ng condo ko. I thought some staff from this building but to my surprise it was James.
"Hi!" He said. He is wearing a simple jacket with white shirt inside and I think, it is embracing his muscles and a khaki shorts partnered by a slip-on sandals. Even his messed up hair looks good on him.
"Hello.." Tanging nasabi ko na lamang dahil sa gulat. At ng makabawi ako ay doon ko lamang napagtanto kung bakit ito natigilan din at titig na titig sa akin. I am just wearing my nighties!!!!
Oh my god!!! Tatakbo na sana ako pabalik sa loob ng kwarto ko ng sa isang saglit ay may kamay na humablot sa akin kasabay ng pagsara ng pintuan ang pagsandal ko sa pader at pagdama sa hininga ng lalaking isang pulgada nalang ang layo mula sa akin.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. What am I gonna do?
.....
Interesting fact about Memories The human mind spends 70% of its time replaying and creating scenarios of perfect moments and situations.
Kaya tayo kapag nag iimagine masaya kasi imagination mo ang limit. Pero in reality, it doesn't work kasi nobody is perfect! 😊😊😊