I am taking my flight now papuntang Greece. Hindi ko din naman kasi siya masisisi kung umalis siya na walang paalam sa akin. I am the one to blame dahil naging makitid ang utak ko sa relasyon namin last time na pumunta si Rick sa Paris. Of course, tinitignan ko kasi kung kailangan ko bang maging reserved or all out kong ibibigay. Hindi kasi maganda yung mga nalaman ko noong bumalik ako sa Pilipinas.
"Kababalik mo lang uuwi ka na naman ng Greece?!"
I am so annoyed as of the moment. Nakakainis lang na aayain kang magdate tapos after several hours na magkasama kayo magpapaalam na naman siya na kinabukasan aalis na naman siya. That's so frustrating.
"Babe you have to understand me. Napapagod din naman ako kababalik-balik but I'm trying my best to work out this one" sa tingin ko ay malapit na itong maubusan ng pasensya sa akin pero kahit anong gawin kong unawa ay nawala na ata lahat ng iyon sa akin. "You know, I can't go kung ganito tayong dalawa. Please!"
"Hindi mo din ba nauunawaan na gusto lang kitang makasama kaya naman kahit 3days lang Rick!" Pinili kong sa bintana humarap at magmuni-muni. Alam ko namang nagiging irrational na ako pero hindi niyo rin naman ako masisisi. We've been together for almost 2 months now but things are little bit blur compare noong time na hindi pa kami. Na wala pang commitment.
That night pagkatapos niya akong ihatid ay umalis ito ng di man lang nagsasabi, ni text message ay wala. Kaya naman nagpasya ako na bisitahin ito at para surpresahin na rin dahil nga nagkatampuhan kami.
Pagkarating ko sa Athens ay nagpunta ako kaagad sa headquarters nila but sad story hindi ko siya naabutan at pumunta daw kasi itong santorini. I been there before dahil sa mga photoshoot ng iba kong collections so hiningi ko na lamang ako info kung saan ako pupunta para makita ko ito. Sinabihan ko na din yung mga kasamahan niya na wag ng sabihing hinahanap ko siya dahil surprise nga at sumang-ayon naman sila.
On my way to Santorini, hindi ko maiwasang isipin yung nga tagpo na nangyari noong kasal ni Chase Arragona.
Si Rick ang isa sa mga rason ng pagpunta ko rito pero ni anino niya ay hindi ko nakita sa simbahan kanina. Kaya naman nagbakasakali akong naririto siya sa reception.
Nagkita kami ni Madame Claridad kanina at marami itong tinanong tungkol kay Rick. Ang tanging sagot ko lamang dito ay nagkakilala lamang kami sa Greece. I asked her if Rick will come and she said no kaya naman dapat ay aalis na ako ng reception ng may nakabungguan akong babae.
I know her! She's Nicole Solivan. An international model.
"Oh! Sorry! Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko." Sabi ko dito.
She smiled at me. "No problem." Nakita ko namang nanlaki ang mata nito at tinuro ako dahilan para magtaka ako sa kinilos nito. "You are James' new girl!" So she knew?
"Paano mo nalaman?" tanong ko rito na nagtataka.
"You are all over the news. You are the tigress D right? Owner of La Liberta." I just nodded. Ganoon pala ako kasikat. "James is my best friend." Napa 'oh' na lamang ako. So, I met his family and friends today, pero wala pa rin siya dito sa event. I guess I don't need to introduce myself to her.
Iginiya ako ni Nicole sa isa sa mga mesa at nakipagkwentuhan sa akin. She said James is her best buddy during college days. Magkababata din daw silang dalawa kaya naman para na silang magkapatid. Masaya akong malaman ang mga side ni James coming from his closest friend. Nakakatuwa na magkakasundo pala kami ng best friend niya. Mostly kasi yung mga magb-bestfriend na lalaki at babae isa sa kanila ang may feelings pero inassure naman ako ni Nicole na bukod sa pagiging magkaibigan ay wala ng ibang relasyon ang meron sila kaya napanatag na ako.
"You met Chase's wife earlier right?" she asked out of the blue.
"Oo, I greeted them both. Mukhang simple lang naman yung babae." Totoong tao ang tingin ko doon sa asawa ni Chase. Sa itsura palang naman kasi makikita mo na kung sino ang sopistikada sa simple. And that simplicity is showing off on her. Right choice for Mr. Arragona perhaps dahil bagay na bagay silang dalawa.
"Oo simple, simpleng malandi kamo!" napalingon ako kay Nicole ng sabihin niya iyon. At first I didn't get it pero ng sundan ko kung sino ang tinitignan nito ay nalaman ko kung bakit. She is in love with the groom. "You know, she's James' ex. Tapos yung pinsan naman ngayon. What a slut she is!" Napapalatak nitong sabi.
One thing only registered to my mind. She's the past! Yung babaeng hindi pa ako sure kung nakalimutan na ni Rick or hindi pa. Kaya ba ito hindi nagpaparamdam ay dahil ikakasal na yung babaeng mahal niya kaya nagmumukmok ito kung saan?
How can I compare myself to her? She's beautiful and simple. Samantalang ako ay lahat napapansin at gusto lagi ng perfection. No wonder pati pinsan niya nahulog dito kasi makikita kong genuine pati ngiti nito sa mga guest.
"Alam mo bang four years silang dalawa?" Pagpapatuloy ni Nicole. "First year college palang kami ay niligawan na ni James si Andrea, naging sila and before our graduation ay nakipagbreak na yung malanding iyon kay James kaya naman he flew to Greece to mend his heart. Buti nalang at nandyan ka na."
How can I fight this insecurity? Alam ko namang 3 years na ang nakakalipas na wala sila pero syempre hindi ko pa din maalis sa akin na magselos o magduda kung nakaget over naba siya kay Andrea. Alam ko din naman na hindi ganoon ka tatag ang pundasyon namin dalawa pero syempre kailangang iwork out kung ano man ang kulang. Kaya pagkatapos kong mag-isip isip ay napagpasyahan kong ako na mismo ang lalapit sa kanya para manghingi ng sorry dahil alam ko namang kasalanan ko dahil angpatangay ako sa insecurities ko.
Ang tagal nilang magkasama, 4 years silang magkasama samantalang kami 2 months at malabo na agad. Ni hindi ko pa nga ito naririnig na sabihan akong mahal kita eh. Kung baga we're casual. We do sex. We do what other people in a relationship do pero yung affection at yung love hindi ko masasabi kung nandoon na ba sa amin.
Oo ako mahal ko siya, paano naman siya mahal niya ba ako?
...
Pagkarating ko sa Santorini ay hinanap ko agad si Rick. I need to apologize ASAP. Sabi ng isang nakakakilala sa kanya ay lumabas ito para bumili ng tanghalian. May sinabi itong cafe kaya naman pinuntahan ko ito.Hindi ko naman aakalain na hindi lang si Rick ang makikita ko.
He is with Andrea.
At ito na nga ang ikinatatakot ko...
Do I need to stay away and mend my broken heart like he did when she broke his?..
Interesting Fact about Love #11
When in love, the human mind tends to ignore a person's flaws which is why it is difficult to leave someone who causes you pain.Talaga ba o sadyang tanga lang tayo pagdating sa pag-ibig. Pero sa totoo lang pag nagtagal na kayo doon mo lang makikita yung imperfections niya. Sa una talaga kahit may maling gawin yung partner mo hindi ka gaanong apektado. Tado kasi ng mga lalaki eh. Porket alam nilang mahal natin sila nanggagago na. 😑
BINABASA MO ANG
Til There Was You (Arragona Heirs #2)
Genel Kurgu"Love is RARE, Life is STRANGE. Nothing LASTS, People CHANGE." James Katrick Abueva-Arragona Story. Arragona Series #2