I was thinking how should I tell James about it. Matutuwa kaya ito sa ibabalita ko dito? I, I didn't know what to do at first so I decided I should take a break.
Nagbakasyon ako sa Cebu ng dalawang linggo. Ang sabi sa akin ni mommy ay hinahanap daw ako ni James pero mahigpit kong bilin na wag sabihin kung nasaang lupalop ako. Kaya nga lumayo para makapag isip ng wala siya.
Alam na ng mga magulang ko kung ano ang pinagdadaanan ko. Hindi ko itinago sa kanila dahil iyon naman talaga ang dapat. Ang daddy ko ngayon ay galit kay James dahil sa mga pangyayari. Ang mommy ko naman ay iyak ng iyak dahil sa pinagdadaanan ko at sinisisi ang sarili niya dahil hinayaan niya akong maging liberated which is hindi naman totoo.
Sa lahat ng nakasalamuha ko si James lang ang binigyan ko ng pagkakataon para angkinin ako. Kaya naman hindi ako pwedeng sumbatan ng kahit na sino na isa akong pariwarang babae dahil sa isang tao ko lang binigay, sa taong mahal ko lang.
Sa dalawang linggo na inilagi ko sa Cebu napag isip isip ko ang mga bagay na naging dahilan upang bumalik ako ng manila. Kailangan ko ding harapin ang problema na meron ako. Kailangan ko ding resolbahin iyon sa lalong madaling panahon.
And as if on cue, nakita ko ang lalaking tinaguan ko ng dalawang linggo. Kasama nito ang babaeng wala namang kasalanan sa mga nangyayari sa akin ngayon. Kung suswertehin ka nga naman. All I want is a marinara pasta because I am craving for it pero nakita ko pa sila. And as I look at them, i felt awkwardness. Masasabi kong hindi na sila compatible sa isa't isa.
I learned my lesson. I think things through. Kaya naman napagpasyahan kong pumasok na ng tuluyan sa loob at dumiretso sa inuukupa nilang mesa. I immediately hug James and gave him a kiss on his cheek.
"James sorry late ako"sabi ko kay James na nagpeace sign pa. Pacute. Nakita ko naman kung paanong nanlaki ang mga mata nito.
.
"Hi I am Daniella, you can call me Dan"
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Andrea. Hindi ko aakalaing makakaharap ko ang babaeng dating minahal ni James. Hindi ko lubos maisip na sa dinami-rami ng taong magiging ex ni James ay yung asawa pa ng pinsan niya.
Hindi natinag si James sa kinauupuan niya. May order na ang mga ito at hinabol ko na lamang ang akin.
"How are you babe?" I said to James while he was sipping in his glass of wine. Tila nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at nakita kong kung paanong malalaking lagok ang ginawa nito.
Sinong hindi matataranta? Pinairal ko lamang ang kapilyahan ko. Nasa hita nito ngayon ang isa kong kamay. I fake a smile towards Andrea.
"Ahh, guys I should go. Maybe I am interupting something." Sabi ni Andrea habang pinupunasan ang kanyang mga labi. Agad naman umayos ng upo si James at pasimpleng hinawi ang kamay ko sa hita niya. Wrong move babe..
"Agad-agad Yaz? Hindi ba pwedeng tapusin mo muna yung pagkain?" Tumingin ito sa akin at tsaka ibinalik ang tingin kay James at ngumiti. She's like an angel.
"You entertain your girl James, gotta go. Naghihintay na siguro sa akin ang asawa ko." Tumayo ito at akmang lalabas na ng habulin ko siya. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni James sa akin.
"B-bakit?" Gulat na sabi nito.
"Andrea, ahh.. Can I talk to you?" Hindi ko din alam ano ang sumagi sa isip ko at bakit ako biglang nagkagusto na kausapin ito. Maybe because I feel like she will be a good friend. Isa pa, we have to settle our issue regarding James. " James and I... will having baby.."
Nagliwanag ang mukha ni Andrea at halata na masaya ito. Sa hindi malambg dahilan ay niyakap niya ako. "Fight for him. I know him. He has feelings too for you. Good bye Dan."
Umalis ito sa pagkakayakap niya saakin at tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
...
Babalik sana ako sa loob para tapusin ang pagkain at makausap si James ng makita ko ito sa harapan ng kotse niya at naghihintay. Nakapamulsa at tila malalim ang iniisip. Nang makita nito na papalapit ako ay agad itong umikot at binuksan ang shotgun seat. Alam kong gusto na nitong umalis kaya naman nagpatianod na lamang ako sa kanya.Habang nasa daan ay katahimikan ang bumalot sa amin. Nagulat na lamang ako ng bigla itong nagpreno at humarap sa akin. He unbuckled his seatbelt, grabbed my face and kissed me! Which is hindi ko napaghandaan kaya naman nanatiling tikom ang bibig ko.
Sinimulan nitong igalaw ang mga labi niya kaya naman nabalik ako sa huwistyo ko at tinugon ang ibinibigay nitong halik sa akin. I felt relieved knowing that his kisses show how much he yearn for me. Nararamdaman ko yung pananabik sa bawat galaw ng labi nito. I savor the moment. I encircle my arms around his neck and started to deepen our kiss.
Siguro ay ilang minutong nasa ganoon kaming posisyon ng putulin nito ang halik.
Hindi pa din nito pinapakawalan ang mukha kong at idikit lamang niya ang noo niya sa noo ko. Tila natulos ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang mga katagang nagpalambot lalo sa mga tuhod ko.
"I miss you so bad Hyacinth.. Hindi ko na alam anong pagtitimpi ang gagawin ko para hindi ka lapitan o kausapin nung araw na nahanap kita. Please don't do that again."
.....
Interesting fact about Love #23
1 in 10 mature couples still react to their partners with the same intensity as those in the first stages of romantic love.Sorry for the super late update!!
Nabuhay na naman kasi ako katawang gamer ko!😂😂😂😂Thank you!!

BINABASA MO ANG
Til There Was You (Arragona Heirs #2)
Fiksi Umum"Love is RARE, Life is STRANGE. Nothing LASTS, People CHANGE." James Katrick Abueva-Arragona Story. Arragona Series #2