Umatazeshimashita! Nawalan ng load ang lola niyo. Di tuloy nakapag update. 😂 anyhows. Enjoy! 😊😊😊
Dan in below's pic.(Ito po yung dress na suot niya sa party)
Hindi ko lubos maisip na sa ilang taong nabubuhay si James ay naipagkait sa kanya ang ganitong pagkakataon, na maipakilala as one of those people and as a family. His mother hide him from the real world. I don't want to be that kind of mother. Ayoko na mapag iiwanan ang magiging anak ko kung sakali. I want them to feel at home.
Nakabalik na ang parents ko sa upuan namin. Allen joined his cousins on the table near the stage. They are all gathered to witness James birth from being none to an Arragona. Yun lang tanging malalapit lamang dito ang nakakaalam ng totoo, including me. Maging ang parents ko ay walang alam. Ang tanging sinabi lamang nila ay ipakikilala ang nawawalang apo ni Madame wala ng iba.
Nang magsimula na ang bulungan ay bumukas na ang telon na nagsisilbing harang sa ikatlong Apo ni madame Claridad. Hindi pa din ipinakakilala bilang anak ni Mrs. Angela Muller o ang totoong ina ni James at Allen. She's known dor her independence. Lagi itong lapitin ng gulo sa lahat ng magkakapatid at anak ni madame Claridad. She married to a Filipino-German businessman na sa palagay ko ay wala dito ngayon.
"Sino kaya sa mga anak ni Madame ang nawawalan ng anak?" -bisita no. 1
"Baka naman illegitimate kaya hindi pinakilala at ngayon lang"-bisita no. 2
"Kahit ampon, anak sa labas o hindi I want him. He looks so hot just like Chase."-bisita no. 3. That hit some of my nerves. HIS MINE!
"Oo nga, taken na kasi si Chase kaya si James nalang." Bisita no. 4
I am pissed off big time when my mom suddenly grabbed my arm and said "No honey, don't stoop down to their levels". Kaya naman ay hinayaan ko na sila at nagfocus ulit sa mommy ni James at Allen.
Ano kaya ang naramdaman ng daddy ni Allen noong nagtaksil sa kanya ang asawa niya? She's too much. She takes everything as if she's only playing.
Habang busy ang MC sa pagpapakilala kay James ay nakatanaw lamang ako sa reaksyon ng mommy niya ngunit bigo ako dahil pagkatapos ng introductions ay tumayo na ito at umalis. What a fine mother she is. Wag mong basta husgahan, malay mo may pinagdadaanan. Anang ng isip ko.
Sana dumating yung oras na mag oopen ito at aalisin ang maskarang nagtatago sa tunay nitong nararamdaman.
Lumalalim na ang gabi at ang mga bisita ay may kanya-kanya ng ginagawa habang ako ay nakastay lamang sa upuan ko kanina pa. Hindi ko naman din kasi trip yung ganitong mga party. Kung hindi lamang para kay James ay hindi ako pupunta rito. Hindi ko namalayan na puro mommy na pala nito ang nasa isip ko. Ininvade ang utak ko.
BINABASA MO ANG
Til There Was You (Arragona Heirs #2)
Fiksi Umum"Love is RARE, Life is STRANGE. Nothing LASTS, People CHANGE." James Katrick Abueva-Arragona Story. Arragona Series #2