|| Celestine Sandoval ||Third day of ligaw
Kain dito, kain doon.
Yan lang ang tanging nagagawa ko ngayong araw. Walang pasok dahil sa araw ng patay. Wala namang namatay sa family kaya wala kaming dadalawin.
Naka tapat lang ako ngayon sa screen ng laptop ko. Ang boring ngayong araw. Ang sakit ng ulo ko dahil siguro sa babaeng feelingera kahapon.
Masyado kung sinayang ang oras ko dun. Nakakabawas ganda kapag pinapatulan yung ganung tao.
Tumunog yung phone ko. May tumawag. Pag tingin ko sa caller ID Unknown number lang sino naman kaya to? At ang lakas tumawag.
Sinagot ko naman ito "Yeobo?" Walang gana kung pag kasabi.
"(Hey Babe!)" Teka... parang kilala ko kung kaninong boses to ah?
"Who you?" Kunot noo kung tanong sakaniya. Kahit hindi niya naman kita.
"(Asawa mo)" wtf? Asawa? Boyfriend nga wala eh Asawa pa kaya? Nang iinsulto ba'to?
"Nang iinsulto ka ba?"
"(Kasi naman hindi mo ba talaga ako kilala babe?)" Teka .. kapag sinasabi niya yung babe may naaalala talaga ako kung sino eh. Teka. Wait a minute.
"(Babe ano na? Kinilig ka ba Babe kaya di ka makasagot?)" Biglang pumasok sa isip ko si Sevinx.
"Hoy! Walang hiyang Sevinx!" Sigaw ko sakaniya. May atraso pa yan sakin.
"(Finally Babe)" Naaalala ko nanaman yung sinabi nung feelingerang haliparot na yun.
"Bat mo hinawakan yung kamay nung babae kahapon?!" Shet. Bat ba kasi nagagalit ako? Dapat hindi.
"(Kahapon? Ah nagseselos ka?)" Paano huminahon?
"Kapal mo naman!" Agad kung pinatay yung tawag. Bahala siya jan.
Naka ilang ring na yung phone ko pero diko ko sinasagot. Naka silent naman kaya hindi ako nababalabag.
Maya-maya lang biglang may kumatok mula sa pintuan kaya binuksan ko ito. Si mommy lang pala.
"May bisita ka nak" ha? Bisita? Wala naman akong pinapapunta dito sa bahay ah?
"Sino daw mommy?"
"Sevanx? Se...vinx? Oo! Sevinx nak kaso may pilay eh" nanlaki yung mata ko ng sabihin ni mommy yun. Dali-dali akong bumaba at totoo nga andito siya. Ano naman ang ginagawa niya dito?
Nilapitan ko siya "Anong ginagawa mo dito?" Pataray kung tanong sakaniya. Imbis na sagutin niya yung tanong ko eh parang nag pipigil ng tawa.
Ano kayang nakakatawa?
"Celestine wag ka namang excited masyado hindi pa naman tayo mag asawa para hindi ka mag bra" halos matawa tawa siya ng sinabi niya yun.
Teka.. ano daw? Hindi daw ako mag bra? Napatingin ako sa dibdib ko ng naalala ko na wala nga pala akong bra! Lintek! Agad kung kinuha yung unan at ginawa kung pang takip.
Sinamaan ko siya ng tingin. Gosh. Nakakahiya >_<.
"Ano ba kasing ipinunta mo dito?" Pag iiba ko ng usapan aba! Ang awkward kaya.
Sumeryoso muna siya bago sumagot "Bat hindi mo sinasagot yung mga tawag ko?"
"Pake mo?" Sagot ko sakaniya.
"Nak! Wag ka ngang ganyan sa boyfriend mo iwanan ka niyan" napatigil kaming dalawa dahil sa sinabi ni mommy.
"Mommy hindi ko siya boyfriend swear!" Duh.
"Kahit na! Magiging boyfriend mo rin yan" napa nganga nalang ako sa sinabi ni mommy. Buti sana kung siya yung nililigawan hindi ako eh.
"Oo nga tita" aba talagang! Ang gara naman! So ako lang pala ang mag-isa dito? Wala akong kakampi? -_-
Inirapan ko nalang si Sevinx. Psh. Kung hindi lang siya naka wheelchair ngayon kanina ko pa yan sinuntok.
What if itulak ko yan sa highway? tutal hindi niya naman kayang mag lakad *devil's laugh*
"Umalis kana nga dito! Hindi ka welcome dito!" Sigaw ko sakaniya.
"Aysus! Tita alam mo bang nag seselos yan si Celestine kanina" loko to ah? Feeling close talaga kay mommy kainis.
"Himala nak! Dalaga kana!" Jusko. Bat ba ganto yung mommy ko? Nasapian ata.
Binalewala ko nalang sila. Sirang sira na yung araw ko ngayon tapos sumasabay pa'tong red alert na'to.
Ang sakit tuloy ng puson ko -_-.
Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni mommy "Jan ka lang muna nak! Pipictureran ko nga kayong dalawa eh" napa irap nalang ako sa hangin. Really? Ano pa bang magagawa ko? Mommy ko'to eh.
Pag tapos kaming pictureran ni mommy agad na akong umakyat sa taas. Wala akong pake sakaniya buti nga sakaniya at nag ka injury siya.
Wala pang isang minuto nakarinig na agad ako ng katok mula saking pintuan. "Sino yan?" Tanong ko.
"Babe sorry na" shet never kung pagbubuksan yan ng pinto. Atsaka paano naka akyat yan dito?
"Babe mo mukha mo! WALANG TAYO!" sigaw ko.
Bigla kung napansin ang mga chocolates mula sa pinto pinag lulusot pala ni Sevinx.
"See you tomorrow babe! Enjoy sa mga chocolates" see you tomorrow mukha niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)
FanfictionSabi Nga Nila "Once A Playboy Always A Playboy" Yan Ang Nakatatak Sa Utak Ni Celestine Sandoval. Si Celestine Sandoval Na Ayaw Na Ayaw Kay Sevinx Na Playboy. Pero Hindi Inaasahan Ni Celestine Na Mapupunta Lang Pala Siya Sa Isang Playboy Na Si Sevinx...