Chapter 20

1.8K 48 0
                                    


|| Celestine Sandoval ||

Save Me


"Sorry na babe!" Sigaw ni Sevinx mula sa likod ko.

"Babe mo mukha mo!" sigaw ko pabalik.

Bukod sa galit ako dahil about dun sa girl may na diskubre din ako.

*While Agoooo*

Naglalakad ako papunta ng Library ng marinig ko ang isang familiar na boses kaya huminto ako. Huminto ako malapit sa hagdan.

"Pre ang hirap pala manligaw ng babae ano? lalo na kapag pihikan" Familiar talaga yung boses kaya mas lalo pa akong lumapit.

Diko marinig yung sinasabi ng nasa kabilang linya.

"Pre paano ba manalo sa Puso niy--"

"Aray!" Dahil ang chismosa ko ayan Natumba ako dahil sa Kagagahan ko.

"Celestine?" Pag angat ko ng ulo ko nakita ko si Sevinx. Tinignan ko siya ulit sa Paa.

Teka.. Ayos na agad yung Paa niya?

Tumayo agad ako at tinignan siya ng masama.

"Kailan pa naayos yan? Bat parang ang bilis naman ata?" pataray kung tanong.

"Pre, Dala ko na yung wheel chair mamaya diba gagamitin mo?" Napatingin naman ako sa lalaki. Halatang gulat na gulat.

Tinignan ko silang dalawa ng masama at umalis.

*Enddddddddd*

Dahil sa ang bagal ko mag lakad naabutan ako ni Sevinx. "Ano?" Malamig kung tanong sakaniya.

Ewan ko ba. Hindi ko matiis tong si Sevinx hindi dahil gwapo siya kundi Hindi ko alam! Tuwing lalapit nalang siya Or didikit sakin biglang bumibilis yung tibok ng puso ko.

Tulad nalang ngayon naka patong yung siko niya sa balikat ko napagod ata kakahabol sakin.

"Sorry, Sorry Celestine babe dahil ang Sinungaling ko" Tinitignan ko lang siya.

"Aaminin ko na, Na gumamit ako ng Babae para pag selosin ka. At aaminin ko narin na nagkukunwaring na Injury ako" Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sakin.

Pero bat ganito yung feeling? Ang sarap sa Feeling na may nakayakap sayo.

"Omg Anong ginagawa nila?"

"Hindi pwede yan akin lang si Sevinx!"

"Prend alaws na tayo pag-asa"

Inalis ko yung pagkakayakap sakin ni Sevinx. Dahil ang dami ng Nakatingin samin.

Agad na akong tumakbo papunta sa Restroom sabay Lock ng pinto. Sosolohin ko muna tong Restroom.

Ang lakas ng tibok ng Puso ko diko ba alam kung Bakit ganito kabilis. Leche naman kasi si Sevinx eh. Pinapabilis yung tibok ng Puso ko ng ganito.

Napa talon nalang ako ng biglang may kumatok sa pinto kaya agad ko ng binuksan ito. Pagbukas ko Limang mga babae ang bumungad sakin at masama ang tingin.

"Siya! Siya yung Lumalandi kay Sevinx!" Nanlaki naman yung mata ko dahil sa sinabi ng Isang babaeng kasama nila.

Napaduro na lamang ako sa Sarili ko "Ako?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Eh Sino pa nga ba?" Napansin ko naman ang pag taas ng kilay niya. Pataas ba ng kilay? Sorry siya hindi kasi ako naka kilay ngayon eh.

"Ano bang gagawin natin sakaniya?" Bigla naman akong kinabahan. Anong ibig sabihin nila? Napaurong ako kaunti dahil humakbang sila.

Agad kung isinara yung pinto pero diko Napansin na naka ipit pala yung isang Paa nung Nasa tabi ng Nasa gitna.

Ngayon na ata ako Mamamatay.

Nilakasan ko talaga yung loob ko at Nilabas lahat ng kakayahan ko. Lima ba naman yung nasa labas at binubuksan yung Pinto!

Kinuha ko yung Cellphone ko tinatry kung tawagan sila Elie pero ayaw nilang sagutin shet! Baka naka silent yung Phone nila.

Nang makita ko sa Contacts yung pangalan ni Sevinx wala ng paligoy ligoy pa. Agad ko ng pinindot yung Pangalan niya para matawagan.

Sagutin mo please....

"Konti nalang!" Sigaw nung babae sa Labas shet! Konti nalang mabubuksan na nila yubg Pinto Aapak na sana ako sa Lababo para hindi nila mabuksan yung Pinto pero Huli na.

Tumilapon pa talaga yung Cellphone ko sa Ilalim ng lababo.

Agad sinara ng babae yung pinto at Rinig ko ang pag pindot nito sa Lock. Patay kang bata ka.

"A-ano bang problema niyo?" tanong ko sakanila. Alam kung nahahalata na nila na Natatakot na ako dahil sa boses kung nanginginig at nauutal.

"Pwede ba? Tigilan mo na si Sevinx? Alam mo bang nakakasakit kana ng Puso? Ha?!" Anong pinagsasabi nila?

"Oo nga! Ang landi landi mo!"

"Ang landi mo! lahat nalang ng lalaki dito Nilalandi mo!"

"Pok pok!"

Diko na mapigilan na mapaluha. Ang sasakit ng sinasabi nila saakin.

"See? Umiiyak ka kasi Totoo! Malandi!"

"May Pruweba ba kayong Malandi ako!? At Pok Pok!? Sige patunayan niyo!" Nag tinginan sila sa Bawat isa. "Wala naman pala eh! Inaano ko ba kayo? Wala naman akong ginagawa sainyo ah? Hindi ko nilalapitan si Sevinx! Mas lalo namang Hindi ko siya nilalandi!"

Lumapit sila lalo sakin.

"Pwede ba? hindi kami naniniwala sa mga pinagsasabi mo at wag kang umiiyak iyak jan dahil hindi kami naaawa sayo" Lumapit silang lahat at pinalilibutan na nila ako.

Hinablot ng isang babae yung buhok ko at hinawakan ng dalawang babae yung kamay ko. Ang sakit pero tiniis ko. Gusto ko sanang lumaban pero natatakot ako.

"Umamin ka! anong meron sainyo ni Sevinx?" 

"Wala mag kaibigan lang kami" pag sisinungaling ko.

Mas lalong humigpit yung pag hawak sa buhok ko.

Kanina pa ako umiiyak pero wala ba silang puso?

May kinuha yung isa sa bulsa niya. Teka.. Kutsilya? Bawal yan dito ah?

Napalunok ako Anong gagawin nila sakin?

"Dear, kung ako sayo aamin na ako dahil ayoko mamatay ng maaga" Ngumiti siya ng nakakaloko.

Akala ko sa mga palabas ko lang to Nakikita pero hindi pala. Miski sa Personal rin pala at sakin pa nangyari yung ganito.

"Nagsasabi ako ng totoo Magkaibigan lang kami!"

"Mag kaibigan? Pero babe tawagan? Are you kidding me? hahaha"

Jusko lord.

"Pinagtitripan lang ako nun! Please ayoko mamatay ng maaga" Pagmamakaawa ko.

Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon