Chapter 29

1.5K 50 5
                                    


|| Celestine Sandoval ||

Break-up


Parang tumigil ang mundo ko ng biglang sumulpot si Sevinx na siya ngayo'y nag pupulot ng nabasag kung baso. Pero diko mapigilan yung damdamin kaya napa hakap ako sakaniya pero agad niya namang inalis iyon atsaka tumayo papalayo saamin.

Hinawakan ni Clay yung kamay ko pero inalis ko yun at sinundan si Sevinx. Hindi pa kami Official na nag hiwalay kaya kami parin hanggang ngayon.

Sinusundan ko siya hanggang sa maka rating kami ng Parking Lot. Dahil sa reflection namin sa bintana ng mga kotse dun niya nalaman na sinusundan ko siya. Humarap siya sakin at tumingin ng seryoso sa mata ko. Siya parin talaga kahit ilang lalaki pa siguro ang dumating sa buhay ko siya parin ang mamahalin ko.

"Kung ayaw mong masaktan layuan mo na'ko at wag ka ng lalapit" Seryosong seryoso siya habang sinasabi niya yun.

Nakakalungkot dahil yung masayahin at makulit na Sevinx na nakilala ko ngayo'y naging isang matigas na yelo. Mas malamig pa siguro siya sa bansang Alaska ng sabihin niyo yun at ramdam ko rin ang panlalamig niya sakin.

"M-may problema ba?" Tanong ko sakaniya pero tinalikuran niya lang ako at lumayo. Tila ng hihina na yung tuhod ko pero sinundan ko parin siya tutal sanay nanaman akong mag habol sakaniya eh.

"Sevinx!" Sa pag sigaw ko ng pangalan niya may kirot akong naramdaman mula sa puso ko. Napa hinto ako sa pag takbo dahil biglang sumulpot si Queen at sabay halik sa pisnge ni Sevinx.

Kaya ayoko mag mahal eh. Ako nalang yung palaging nasasaktan at nahihirapan.

Nawala na sila sa paningin ko kaya bumalik na ako sa Cafeteria at ika- ikang nag lakad. Hindi naman gaano kalayuan yubg Cafeteria sa Parking lot pero dahil sa sitwasyon ko ngayon malayo. Ang sakit na talaga ng tuhod ko ewan ko ba kung bakit siguro bukas wala na 'to.

Pag dating ko ng Cafeteria malinis na yung sahig kung saan nabasag ko yung baso. Pag upo ko sa upuan namin nila Elie agad nila akong pinaulanan ng mga tanong.

"Ano na? Ayos na ba kayo?" Tanong ni Elie.

"Break na kayo?" Napa bugtong hininga naman ako dahil sa tanong ni Sharmaine. Hinding hindi mangyayari yun.

"Ano sabi niya sayo?" Sasabihin ko ba sakanila yung sinabi sakin ni Sevinx? Siguro sasarilihin ko nalang.

"Need advice?" Hays. Kung pwede lang eh kaso sabi nga nila...

'Wala tayong karapatan mag bigay ng advice sa isang tao lalo na kapag seryoso ang problema niya. Ang tanging gawin mo lamang ay maging sandalan niya.'

"Magiging okay ka rin" Ngumiti nalang ako sakanila kahit masakit na. Ang hirap ng may tinatagong sakit sa loob. Ang bigat sa pakiramdam yung tipong maliit na nga lang yung dibdib mo, ang bigat pa rin.

~~~

Uwian na at nag text naman sakin si Cheska na malelate daw sila sa meeting place namin. Simula nung may nangyari saking masama sinasamahan na nila akong antayin yung sundo ko diko alam yung nakain ng mga yun kung bakit nila ginawa yun sakin.

Naka lipas ilang minuto naka rating na rin sila kasama si Clay na naka ngiti habang papunta sakin. Isa rin 'tong lalaking 'to alam niya namang kaibigan lang tingin ko sakaniya pero go parin siya. Well, sana hindi niya isipin na rebound ko siya. Pero aaminin ko nainlove ako kay Clay dati.

"Kanina ka pa ba nandito? Pasensya na ah? Kasi may binalik pa ako sa Library at may pinakuha pa si Sir pinag antay ko pa tuloy yung Princessa ko." Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi ni Clay. Feeling ko tuloy namumula yung pisnge ko.

"FYI, Clay hindi ikaw ang inantay niya kundi kami hindi ba Celestine?" Mataray na pagka sabi ni Elie kaya natawa nalang ako.

"Ay ganun ba? Sige uwi na ako" Akmang aalis na si Clay pero pinigilan ko.

"Subukan mong umalis hindi na kita papansinin simula bukas." Nakuha naman ng atensyon ko yung reaction nila Cheska na para bang sinasabi na 'Weh di nga?'.

"Biro lang Hahaha" Gusto ko rin sanang sabihin sakaniya na biro lang rin yung sinabi ko kaso tinatamad na'kong mag salita.

Dumating na rin sa wakas yung sundo ko pero tumunog yung phone ko kaya agad 'kong binaisa ito.

Meet me sa Gymnasium ngayon na.

Galing kay Sevinx kaya hindi ko na palalampasin 'to. Agad kung nilapag yung bag ko sa Kotse at sinabihan si Manong na antayin ako. Umalis na sila Elie nung dumating yung sundo ko.

Tumakbo ako papuntang Gymnasium na para bang hindi masakit yung tuhod ko. Basta talaga kapag mahal mo bigla nalang mawawala yung mga sakit na nararamdaman mo.

Pag dating ko ng Gymanasium nakita ko siyang naka tayo sa gitna at naka tingin sakin. Bumilis yung tibok ng puso ko. Habang papalapit ako sakaniya tinititigan ko lang din siya pero parang iba ang pinapahiwatig ng tingin niya sakin. Huminto na ako ng nasa harapan niya na 'ko.

Pero hindi pa siya nag sasalita ano ba kasi yung sasabihin niya? Curious na'ko. Tumungo siya ng ilang minuto sabay tumingin siya sakin.

"Let's Break-up wala na tayo at layuan mo na'ko."

Alam niyo ba kung ano yung pinaka masakit? Yung iwanan tayo ng taong mahal natin na wala manlang sinasabing dahilan kung bakit. Kaya madami pa rin hanggang ngayon ang nag tatanong kung bakit sila iniiwan ng taong mahal nila ng walang sinasabing dahilan.

Nanlulumo ako hindi na nakayanan ng tuhod ko kaya bumagsak ako sa sahig. Pero bago yun mangyari wala na siya sa harap ko. Umalis na siya.

Iniwan na'ko ng taong mahal ko.

Akala ko mapipigilan ko siya pero Akala ko lang pala.

___________________________________

Pasensya na kung medyo ano yung break up nila. :D

-VioletlyPerfect

Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon