|| Celestine Sandoval ||Bullsh*t
"Susunduin ko lang yung mahal ko." Naka titig pa rin ako sakaniya.
"Bakla!" Parang nagising ako sa kawalan dahil sa isang malakas na hampas ni Arian sa braso ko.
Lumingon ako sa gilid ko pero walang naka upo. Akala ko totoo. Akala ko lang pala.
"gago ang buhay, pero mas gago ako
papatalo ba ko?"Epal talaga 'tong Unknown number na'to. Ayaw ako tigilan pag talaga ako nasobrahan sa inis ibabato ko talaga 'tong phone ko.
Kaso kapag nasobrahan naman ako sa inis baka baliw na'ko nun kaya wag nalang. Pero epal naman! Bat ba kasi imagination ko lang yun? Nakakainis na talaga.
Binitawan ko yung baso dahil hindi naman ako umiinom ayoko yung lasa ng alak.
Nag out of town nga pala sila bat ko ba kasi hindi naisip yun? Bat ang tanga ko? Bat ang tanga mo? Bat ang tanga nating lahat? Bat nag pabulag tayo sa pag mamahal natin sakanila? Grrrr.
"Okay ka lang ba girl? Uminom ka ba ng gamot mo? Mukhang malakas tama mo ah? Kanina ka pa lingon ng lingon." Agad ko naman sinamaan ng tingin si Elie.
"Lagot ka Elie! Ginagalit mo yung asawa ni Sevinx ah!" Pina kalma ko nalang yung sarili ko.
Bumukas yung pinto ng bar at nakuha yun ng atensyon ko. Apat na lalaki ang pumasok pero hindi ko makita ang mukha nila. Ang sakit sa mata ng ilaw pwede kayang irequest na yung natural na ilaw lang? Hmmm.
Binalik ko nalang yung paningin ko sa table namin. Nawalan na ako ng gana makipag-usap. At inaantok na rin ako.
"Wake up girl i see u."
Binasa ko naman ang text mula sa Unknown number. Dahil sa antok ko binalewala ko nalang ang nasa text.
"Ignoring me? Seriously?"
"Hey! Wake up!"
"Notice meeeee!"
"Hey!"
"Hey! Kapag hindi ka pa nagising pupunta ako jan sa table niyo at hahalikan kita."
Nagising naman ako dahil sa pag sipa ni Elie sa paa ko. Tinanong ko siya kung bakit pero may tinitignan sila. Anong problema nito?
Tumingin siya sakin at binulong sakin na si Sevinx nandito daw kasama yung tropa niya. Ibinalik ko nalang yung ulo ko sa table dahil inaantok na talaga ako.
"Talagang bumalik ka sa pag-tulog ah? Gusto mo talaga ng halik ko?"
Naramdaman ko na may humablot ng phone ko kaya kumaripas kung ini angat yung ulo ko. Pero pag angat ko mukha ni Sevinx ang bumungad.
"Anong g-g-ginagawa mo dito?" Agad kung inagaw sakaniya yung phone ko at inigay ko kaagad sa bulsa ko.
Bat nasa harapan ko siya? Nasan sila Elie? Bat nawala?! Kinuha na ba sila ng mga alien?! Hindi tuloy ako mapakali dito. Kailangan ko na ata mag papurga masyadong madaming uod sa pwet ko jusko. Help meh! Please! Naka titig lang siya sakin! Anong gagawin ko?!
"Maganda ka parin" Aish! Kainis! Bat ba kasi iniwan ako dito? Inaantok na nga ako eh.
"Pwede ba? Inaantok na'ko"
"Inaantok kana? Hatid na kita." Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Ayoko. Sevinx pinapalayo mo'ko tapos ikaw 'tong lalapit sakin? Funny." Tumingin ako sakaniya pero agad ko rin inialis.
I hate this feeling. Yung ang bigat ng pakiramdam mo tapos gusto mong umiyak.
"Celestine sorry. Sana naman payagan mo'ko kahit ngayong gabi lang please? Ngayon niya lang ako binigyan ng time para sayo at pang huli na'to" This time bumagsak na yung luha ko. Nakakainis.
"Alam mo? The more na lumalapit ka the more na nahihirapan ako! Naiinis ako sa sarili ko dahil ayaw kitang kalimutan! Masaya ba? Kasi may taong hindi makalimot sayo? Pwes ako hindi! Hindi ako masaya dahil yung taong mahal ko iniwan ako para lang sa isang magandang babae." Tumayo na ako. Mabuti nalang at madilim at malakas ang tugtog dahil panigurado akong madaming naka tingin samin kapag hindi malakas ang tugtog.
Hinablot niya yung kamay ko.
"Celestine hindi mo kasi naiintindihan"
"Diko naiintindihan kasi hindi mo naman sinasabi sakin! Bullsh*t Sevinx BULLSH*T!" Inalis ko na yung kamay niya saka tumakbo palabas.
_____________________________________
Ewan ko ba kung bakit ako natawa sa titke ng chapter na'to HAHAHAHAH 😆 Wag kayong mag-alala papalitan ko rin yan wala pa nga lang akong maisip HAHAHAH 😆
God bless. 😇❤
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)
Fiksi PenggemarSabi Nga Nila "Once A Playboy Always A Playboy" Yan Ang Nakatatak Sa Utak Ni Celestine Sandoval. Si Celestine Sandoval Na Ayaw Na Ayaw Kay Sevinx Na Playboy. Pero Hindi Inaasahan Ni Celestine Na Mapupunta Lang Pala Siya Sa Isang Playboy Na Si Sevinx...