|| Sevinx Xy ||Queen
Si Queen dahilan kung bakit nasira ang relasyon namin ni Celestine.Yung araw na umalis si Celestine sa bahay nila yun din yung araw na nagyaya sila kevin na mag bar kami dahil daw naka uwi na ako. Pero hindi namin inaasahan na sa bar na pinuntahan namin, nandun din sila Queen kasama ang mga kaibigan niya.
Kilala si Queen bilang isang sexy at maganda sa skwelahan at isa rin siya sa mga baliw sakin. Hindi ako nagbibiro.
Marami siyang kaibigan at marami ding kakabihan ang takot sakaniya. Kaya niya din kontrolin ang ibang mga lalaki gamit ang kanyang kasexyhan at kagandahan. I admit na nagka gusto ako sakaniya pero hindi na ngayon.
Dahil may nagmamay-ari na nito. At ako yun pero ang mahal ko ay si Celestine.
Pero wala naman akong ginawang katarantaduhan nung araw na yun. Si Queen meron. Pinag samantalahan niya ako habang natulog ako saglit, hindi pa naman ako gaanong lasing nun at alam ko pa ang mga ginagawa ko.
Nagulat nalang ako nun ng biglang hinalikan ako ni Queen tapos biglang may nag flash. Tapos kinabukasan nun nag-text siya sakin sinend niya yung picture na hinalikan niya ako.
"Kung hindi mo hihiwalayan si Celestine ikakalat ko 'tong litrato na 'to sa buong skwelahan .*insert pic* " -Queen
Aaminin ko kinabahan ako nung araw na yun dahil hindi ko alam kung bakit ginagawa niya 'to sakin. Lalo na't dinadamay niya pa ang babaing mahal ko na wala namang ginagawang masama sakaniya.
"Hiwalayan mo si Celestine at magiging tayo kung hindi papatayin ko siya." -Queen
Dahil siguro sa takot kaya ginawa ko ang gusto ni Queen. Ayoko mapahamak si Celestine ng dahil lang sakin.
Simula nun nilayuan ko na siya at hiniwalayan. Pinapakita ko sakaniya na cold ako sakaniya pero deep inside patay na. Dahil sa kagag*han kung pag sunod sa babaing yun.
Pero alam niyo ba? Lumaban ako kay Queen at ngayon nasa ibang bansa na siya dahil isinumbong ko siya sa magulang niya. Sabihin niyo ng sumbungero ako pero at least lumaban ako para sa taong mahal ko.
Hindi ko na ulit hahayaang may dumating pa na taong sisira ng relasyon namin ni Celestine.
Pero naalala ko nga pala wala pang kami. *Face palm*
_______________________________________
Kung may nakalimutan man akong mga scene haha pasensya ulyanin author tinatamad mag basa eh. 😆
•VioletlyPerfect•
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)
FanfictionSabi Nga Nila "Once A Playboy Always A Playboy" Yan Ang Nakatatak Sa Utak Ni Celestine Sandoval. Si Celestine Sandoval Na Ayaw Na Ayaw Kay Sevinx Na Playboy. Pero Hindi Inaasahan Ni Celestine Na Mapupunta Lang Pala Siya Sa Isang Playboy Na Si Sevinx...