|| Celestine Sandoval ||Unknown Number
These days nakaka recieve ako ng text galing sa isang unregistered na number. Lagi akong sinisendan ng iba't-ibang Quote about life and about lovelife. Minsan natatawa ako sa ibang sinisend niyang quote.
Pero ang naiinis ako sa bago kung phone na biglang mag p-pop-up kung ano ang tinext ng taong yun. Tulad ngayon tumunog nanaman yung phone ko.
"i love you, kahit gago ako.."
See?
Told you.
Nagtataka sila Arian dahil nag bago daw ako ng phone. So, para sakanila nag momove-on na'ko. Natawa pa nga ako dun eh kasi hindi naman ako nagpalit ng phone para mag move-on kundi para sa magandang camera. Ayoko na kasi sa dati kung phone nag sasawa na rin kasi ako.
Mabilis lang naman ako mag-sawa sa mga material na bagay pero magmahal hindi.
Diko nga rin alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Kailangan ko sa buhay ko yung taong always positive lalong lalo na yung taong taong may takot sa diyos at alam ang gagawin sa buhay. Hindi tulad ko.
Pero balik tayo kay 'Unknown Number' kasi naiinis na ako minsan eh. Yung tulog ka tapos biglang may magte-text. -_-
Btw highway, kakatapos lang ng periodical test namin yesterday at kakatapos ko lang rin mag pasa ng mga requirements kaya wala na akong problema at pwede na akong mag vacation.
Nag lalakad lang ako dito sa hallway as usual mag-isa nanaman.
"Silence is the girls loudest cry."
-_-
Pinapatamaan ba'ko nito? Naaalala ko tuloy na tuwing nag-aaway kami ni Sevinx kahit maliit na bagay lang tapos iniinis na talaga ako ang tanging ginagawa ko nalang ay manahimik. Kasi ayokong makita nila na umiiyak ako lalo na baka isipin nila na mahina ako.
Hindi ba'to nawawalan ng load? Kada araw siguro nakaka recieve ako ng lagpas lima. Baka nga lagpas sampu pa eh.
"if I still text you when my battery is less than 10%, you're definitely a priority."
Wtf? Seryoso ba'to? Sana nga mamatay na yung phone niya naiinis na'ko. Wala ako sa mood ngayong araw. Pag tapos ko kasi mag bigay ng mga requirements sa mga teachers ko na slide yung pwet ko sa hagdan. Kailan pa naging slidedan yung hagdan? Kainis ah. Ang sakit tuloy ng pwet ko kainis.
Napa hawak tuloy ako sa pwet ko.
"Hoy! Bakla! Anyare sayo? May pahawak pwet kana ngayon ah?" Nag tawanan naman sila Sharmaine.
"Gaga! Ang sakin kaya ng pwet ko ma slide ba naman sa hagdan eh" sabay kuha nanaman ng phone ko sa bulsa dahil tumunog nanaman.
"i like a fast reply, it makes me feel like you wanna talk to me"
Kainis na talaga! Hindi lang ako nag rereply pinapatamaan na'ko? -_-
Agad ko naman siyang nireplayan. Tinanong ko lang naman kung hindi ba siya nauubusan ng load.
Binalik ko na yung phone ko ng bigla nanamang tumunog.
"Hi darling :* "
Napa irap nalang ako. Darling darling pang nalalaman. Binalik ko nalang sa bulsa yung phone ko at nakipag chikahan kanila Elie.
Matapos ang ilang minutong chikahan namin nila Elie hindi talaga nawala ang topic about sa boys. Nung time na yun nanahimik na lang ako. Ayoko na pag-usapan yung mga bagay-bagay na yan lalo na at lalaki. Mas gusto ko muna kalimutan yung mga kalalakihan nakakapagod na rin kasing mag habol at habulin. :>
"Balita ko nag out of town daw si Sevinx at Queen ah?" Wow may pa Out of town sila. Buti pa 'to si Sharmaine updated.
Natahimik naman sila at naka tingin sakin.
"Oh? Bakit naka tingin kayo? Pake ko naman sakanila?" Pataray kung sinabi sakanila.
"Ay taray! Move-on na ba teh? Hahahah" Sabay hampas sa braso ni Arian.
"Naka move-on na'ko!" Wait.. Teka.. Tama ba yung sinabi ko?
"Ay pak! Dahil jan bago ka mag vacation tara punta tayo Bar!" Bigla namang tinakpan ni Arian yung bibig ni Elie.
"Gaga ka! Nasa school pa tayo ang ingay mo!" Nagsi tawanan nalang sila at umalis na ng school.
Ilang bahay at mga puno lang ang layo ng bar mula school kaya maaga kaming naka rating. Under age pa kami dito pero kailangan din namin mag saya. Mag babakasyon na rin naman at alam kung matagal nanaman na hindi kami mag kikita kita.
"Hoy! Anong ginagawa niyo dito? Diba bawal kayo dito?!" Bungad samin ng isang babaeng schoolmate namin. Sus! Kaidaran lang namin yan.
"Hoy ka rin! Anong ginagawa mo rito? Diba bawal unano dito?!" Pfffttt. Natawa ako dun.
"Aba! Gago ka ah?!" Hinigit niya yung damit ni Elie kaya bigla ko namang hinawakan yung kamay niya at inalis yung damit ni Elie.
"Tama na yan tara na" Mahinahon kung sinabi kay Elie. At kumalma naman siya. Ayoko ng gulo lalo na baka maka patay ako. Wala pa naman ako sa mood.
Aalis pa lang kami ng biglang may sinagaw yung babaeng yun.
"Hoy Celestine malandi! Hahaha! Malandi ka! Tignan mo wala na sayo si Sevinx kasi malandi ka!" Ano daw? Ano connect ng nawala sakin si Sevinx sa pagiging Malandi ko? Paki hanap.
"F.Y.I babaeng UNANO! Lahat ng tao may kataglayang kalandian kaya wag ka na mag taka." Agad ko ng hinila sila Elie bago ko pa ilibing ng buhay yung babaeng yun.
Pag upo namin nilabas ni Elie lahat ng galit niya sa babaeng yun. Sinabi niya rin sakin na isa yun sa kaibigan ni Queen at isa rin daw yun sa mga lumalandi kay Sevinx kahit nung kami pa daw.
Masaya na siguro sila kasi hiwalay na kami. Sana maranasan din nila yung naranasan ko. Letche. Tumayo si Arian para kunin yung alak pati mga baso.
Pag lapag palang ng alak at baso agad ko ng nilagyan ng alak yung baso. Itutungga ko pa lang ng biglang may humablot nito. Pag angat ko biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Anong ginagawa niya dito?
"Diba sabi ko sayo na wag kang iinom?" Naka titig lang ako sakaniya. Sana nga hindi ako nananaginip.
Tumabi siya sakin.
"Sevinx anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Elie.
"Susunduin ko lang yung mahal ko."
___________________________________________
Sorry! Kung medyo matagal akong hindi nag update.
Godbless. 😇❤
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)
FanficSabi Nga Nila "Once A Playboy Always A Playboy" Yan Ang Nakatatak Sa Utak Ni Celestine Sandoval. Si Celestine Sandoval Na Ayaw Na Ayaw Kay Sevinx Na Playboy. Pero Hindi Inaasahan Ni Celestine Na Mapupunta Lang Pala Siya Sa Isang Playboy Na Si Sevinx...