Chapter 23

1.8K 54 1
                                    


|| Sevinx Xy ||

She's Back


Hindi parin maka labas ng Hospital si Celestine dahil nga sa Sugat sa Leeg niya.

Andito yung mga magulang ni Celestine. Nabubulol nalang ako tuwing sasagutin ko yung tanong nila.

Gising narin si Celestine ng Saktong dumating yung mga magulang niya kanina.

"Boyfriend ka ba ni Celestine?" Tanong ng mama ni Celestine.

"Opo" Sagot ko.

"Ouch" Kinurot ako. Agad akong Tumingin kay Celestine ng makita ko yung nakakatakot niyang tingin. Ngumiti nalang ako sakaniya wala siyang magagawa.

Nagulat ako ng biglang niyakap si Celestine ng Mommy niya.

Eh? Bakit?

"Sa wakas Nak nagka Boyfriend kana rin" Sabay yakap ulit kay Celestine.

Hindi ko alam yung nangyayari.

"Alam mo ba.. Teka What's your name again?" 

"Sevinx po" sagot ko sa Mommy ni Celestine.

"Alam mo ba Sevinx ikaw yung first boyfriend ni Celestine?"

"Po?"

"Ikaw yung first boyfriend ni Celestine. Maraming nanliligaw jan pero walang tumatagal kasi masungit" biglang tawa yung Mommy niya.

Ibang-iba si Celestine sa Mommy niya kung yung Mommy niya Friendly at Maingay Siya naman Masungit at Tahimik May Konting Similarities rin naman kahit paano.

"Ahm... Kumain na po ba kayo?" Tanong ko sakanila kasi ako hindi pa. 12:32 Pm na kasi hanggang ngayon hindi pa ako nakakapag almusal kasi walang mag babantay sa Asawa ko este kay Celestine babe.

"Yes Sevinx call me tita okay? Tawagin mo naman siyang tito"

"Ah sige po tita, alis po muna ako kasi hindi pa po ako nakakakain eh" Tumango naman sila.

"Ingat" sabay nilang sabi sakin kaya umalis na ako.

Ilang Weeks na rin nandito si Celestine pati ako hindi ako maka pasok sa school dahil nga bukod sa Busy si Tita at Tito eh Walang magbabantay kay Celestine babe.

Pipindutin ko na sana yung Enter ng Elevator ng mahagip ng mata ko ang isang Familiar na babae. Teka... Nang makita ko ang mukha agad kung pinindot ang Enter kaya sumara na ang Pinto.

Ano bang ginagawa niya dito?

Dali-dali akong pumunta sa Kotse at Dumiretso sa Bahay. Hindi parin maalis sa Isip ko ang Familiar na mukha na yun.

Akala ko ba nasa Canada na siya? Anong ginagawa niya dito? Sana hindi nalang siya bumalik.

Nang makarating na ako ng bahay hindi parin ako mapakali. Pag upo ko sa Sofa agad na tumunog ang Phone ko.

"Pre! Totoo ba yun? Bumalik na si Q?" -Henryson

Napa kamot nalang ako sa ulo.

Nireplayan ko nalang ng "Oo".

"Pre! Mas lalong naging Chix si Q! Kung nakita mo lang!" -Kevin

Kailan ba sila tatahimik?

"Wag ka makinig sa mga yan Pre malamang nagpa Silicon lang yun" -Emman

"Pre ang sexy na ni Q seryoso" -Kevin

"Bat kaya siya bumalik?" -Henryson

"Baka mahal niya pa si Sevinx opsss!" -Kevin

"Manahimik nga kayong dalawa may Girlfriend na yan si Sevinx" -Emman

"Ano?! Sino? Si Celestine?" -Henryson

"Teka paano ka sinagot? Eh alam niya ngang Playboy Ka hahaha" -Kevin

"Manahimik na nga lang kayong dalawa" -Emman

Pinatay ko nalang yung phone ko. Alam ko namang tatadtarin nanaman nila yung Gc sa walang Kwentang bagay.

Kinakain na ako ng Curiosity dito. Hindi sa interesado ako sakaniya Nacucurious ako kung bakit bumalik ulit siya dito sa Pilipinas.

Agad akong naligo at kumain kahit 1pm na.

Nag dadrive na ako pabalik sa Hospital. Nang makarating na ako dumiretso na agad ako sa Elevator.

Pipindutin ko na sana yung Enter ng biglang may pumasok na babae pero hindi ko nalang pinansin ito kaya pinindot ko na yung Enter.

Mga ilang minuto lang ng biglang nag salita yung babae. "Did you miss me?" Agad naman akong napalingon sakaniya.

Napa tingin ako mula ulo hanggang paa.

Tama nga sila Kevin na sumexy siya. Mas lalo siyang pumuti at mahaba na ang buhok niya. Pero agad ko ng binalik ang paningin ko sa pinto ng Elevator.

"Namiss kita" bigla akong kinilabutan ng bigla niya akong yakapin. Pero agad ko rin tinanggal yung dalawang kamay niya.

"I'm already taken Quenn" Sagot ko sakaniya.

"Really? Who's that girl? Si Celestine ba?" Biglang nag bago yung tono ng boses niya. Yung tono ng boses na parang may binabalak na masama.

"May problema ba kung siya girlfriend ko?"

"Wala naman I'm just asking" biglang bumukas na yung pinto "Bye sweetheart see you later" lumabas na siya ng Pinto at agad ko ng pinindot yung Enter baka pumasok ulit.

Buti naman at umalis na siya.

Pag dating ko sa tapat ng pinto ng Kwarto ni Celestine sa Hospital agad akong kumatok at sabay bukas ng pinto.

Nakita ko yung magulang ni Celestine na tulog sa Sofa kaya dahan-dahan akong pumunta sa tabi ni Celestine.

Hinawakan ko yung kamay niya.

"Hindi kita iiwan Celestine" bulong ko sakaniya.

Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon