|| Celestine Sandoval ||
Bromance?
"Girl! Anyare sayo? Kanina ka pa tulala jan ah?" Nandito kami ngayon sa Rooftop. Gusto ko ngayon maka langhap ng Fresh na hangin."Alam mo Girl hindi ka makaka amoy ng Fresh na hangin dito tignan mo mamaya hindi na maganda amoy dito" Nagtawanan naman sila habang ako tulala pa din.
Ganito ba talaga yung nararamdaman ng mga Broken hearted? Hindi pa naman kasi ako Officially broken talaga pero sa nakita ko kagabi parang yun na yun. Ang sakit lang kasi bat may pa yakap effect pa? Gusto ko tanggalan ng buhok yung Babae pero hindi ko nagawa.
"Naiyak na siya mga Prends ano ba kasi yang problema mo?" Pinunasan ko yung luha ko at tumingin sakanila.
"May yumakap kay Sevinx kahapon" Bat ganito tong luha na'to? Ayoko na umiyak baka maubos pero nagsisimula nanaman siya.
Kapag naiyak ako nararamdaman ko yung bigat sa dibdib ko. Alam kung wala akong boobs pero hindi naman kasi sa boobs yung mabigat para bang ang bigat sa pakiramdam dahil sa nangyari.
"Yumakap lang pala eh... Malay mo naman pinsan niya lang yun" Singit ni Sharmaine.
"Pinsan? Eh nakita ko na yung babaeng yun sa Elevator i think si Queen yun" Napa tigil naman sila.
Alam kung kilala nila yun.
"Girl, talo ka na may boobs yun tapos ikaw wala sad." Binatukan ko kaagad si Elie. Kung ano-ano pinagsasabi hindi nalang manahimik kitang namomoroblema yung tao eh.
"Girl, think positive lang okay? Bat hindi mo siya tanungin?" Napa bugtong hininga nalang ako.
"Tanungin? Satingin mo ba kung tatanungin ko siya sasabihin niya yung totoo?" Natahimik sila. Unti-unti na rin akong nawawalan ng tiwala sakaniya dahil sa nangyari kagabi.
"Ano bayan! Ano? Kayo naman susunod kanila Cardo at Alyana ano?!" Biglang natawa naman si Elie sa sinabi ni Cheska. Pero mas masakit pa ata yung nangyari namin kung yun acting acting lang yung samin hindi.
Bat ba kasi nangyayari 'tong mga ganitong bagay na dapat masaya nalang at hindi na lungkot. Bat pa kasi kailangan pang masaktan bago sumaya.
Pwede bang saya nalang?
Narerealize ko na rin na dapat hindi natin minamahal ng sagad yung taong mahal natin.
"O to the M to the G! Omg! Guys! Nakita niyo na ba 'to?" Lumapit sila kay Sharmaine at tinginan ang kung ano man sa Cellphone nito habang ako naka tingin lang sa kawalan.
"Ipapakita ba natin?"
"Sa tingin ko wag na prend"
"Ipakita na natin"
Rinig kung bulungan nila. Ilang minuto lang lumapit sakin si Elie at pinakita sakin yung picture ni Queen at ni Sevinx na magka holding hands. Ramdam ko yung sakit. Para bang magkakaroon ka ng sakit sa puso dahil sa sakit na nararamdaman mo.
"Ilayo niyo sakin yan ayoko makita yan" malamig kung utos kay Elie at inalis niya naman kaagad iyon.
Nag start nanaman mamasa yung mata ko kailan ba matitigil ang pag agos ng luha? Yung tipong kahit nasasaktan kana hindi na siya kusang lalabas.
"Coffee guys?" Napa angat ako sa boses na narinig ko.
"C-Clay? Anong ginagawa mo dito?" Tumingin muna ako sa baba at pinunasan yung mata ko sabay angat ulit sakaniya.
"Coffee?" Sabay abot niya sakin ng Coffee pero umayaw ako. Wala ako sa mood mag coffee.
Tumabi siya sakin habang hawak hawak yung coffee na dapat sakin. Bat parang naguguilty ako?
Kinuha ko yung Coffee at itinabi sa gilid ko. "So ano? Okay na ba yang sugat mo?" Tanong niya sakin at tumango naman ako.
"Ay ano Celestine at Clay alis na muna kami ah? May bibilhin pa kasi kami eh sige bye!" Umalis na sila at kami nalang natira dito sa Rooftop.
"Wag ka na maging malungkot please.." Tahimik lang ako ng nagpatuloy lang siyang mag salita.
"Kasi tuwing nalulungkot ka mas nalulungkot ako..." Tumingin ako sakaniya at nakita ko ang napaka seryoso niyang mukha. "Mas nalulungkot ako kasi yung taong mahal ko nalulungkot at nasasaktan dahil sa taong mahal niya." Hindi ko alam pero ramdam ko yung sakit mula sakaniya.
Medyo nabigla rin ako sa mga sinabi niya pero ramdam ko na simula pa lang alam kung may gusto na siya sakin at hindi ako manhid. Dahil naramdaman ko yun hindi ko lang sinasabi dahil baka nag aassume lang ako.
Ngumiti ako sakaniya dahil alam kung malungkot rin siya ngayon. "Sorry Clay. Sorry kung hindi ikaw ang napili ng Puso ko at Sorry kung kaibigan lang ang turing ko sayo." Alam kung masakit ang ma-friendzone pero ano pa bang magagawa ko? Iba ang pinili at minahal ng puso ko at hindi siya.
"It's okay Celestine naiintindihan ko." Sabay ngiti.
"Yan ka nanaman ngumingiti kahit alam ko namang masakit pa rin jan sa loob looban mo." Asar ko sakaniya.
"Oy hindi kaya tara kain tayo sa canteen." Tumango ako saka tumayo pero napansin ko na nawala yung coffee na binigay ni Clay kanina.
"Kinuha yun ni Elie kanina pasekreto." Kaya naman pala nawala eh yun talagang babaeng yung kumukuha ng pag-kain ng walang paalam.
Pag dating namin sa canteen usap-usap nanaman ang naririnig namin about kay Queen at Sevinx. Hindi ba nila alam na may taong nasasaktan sa ginagawa nila? Hindi manlang nila alam kung paano lumugar.
Umupo kami sa bakanteng upuan at nag simula ng kumain. Hindi ko parin maiwasan na marinig yung usap-usap lalo na yung dalawang babae sa likuran ko. Kung pwede lang sanang mamili ng pakikinggan eh.
"Wag ka makinig sakanila takpan mo nalang yung tenga mo para hindi mo na sila marinig" Tinakpan ko yung tenga ko pero rinig ko parin sila pero mahina. Still naka tulong parin.
Mas lalong umingay yung bulong bulungan pero nabigla ako sa ginawa ni Clay na biglang tinakpan yung side ng mata ko.
"Sakin ka lang tumingin okay?" Tumango nalang ako. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya pero pinabayaan ko nalang siya.
Magka eye to eye lang kami ngayon hanggang sa napansin ko na may umupo sa katapat ng table namin.
Naka ramdam na ako ng antok kaya tinanggal ko yung kamay ni Clay sa gilid ng mata ko at tumayo kinuha ko yung baso para ibalik sa counter pero nakuha ng atensyon ko ang dalawang nasa katapat ng table namin.
Nang makita ko si Sevinx na kasama si Queen hindi ko na namalayan na nabitawan ko na pala yung baso at nabasag. Maraming tao ang tumingin sakin kaya agad akong umupo para kunin ang bubog pero agad akong pinigilan ni Clay.
"Ako na jan masugatan ka pa" Pero biglang may humawak sa kamay ni Clay.
"Ako na jan"
_______________________________________
Annyeong! Pasensya na matagal akong hindi naka pag-update malapit na bakasyon kaya baka maka pag-update na rin ako ng madami. :)
- VioletlyPerfect
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)
FanfictionSabi Nga Nila "Once A Playboy Always A Playboy" Yan Ang Nakatatak Sa Utak Ni Celestine Sandoval. Si Celestine Sandoval Na Ayaw Na Ayaw Kay Sevinx Na Playboy. Pero Hindi Inaasahan Ni Celestine Na Mapupunta Lang Pala Siya Sa Isang Playboy Na Si Sevinx...