Unang Tagpo

164 7 1
                                    

Kaya mo rin bang magmahal ng lalaking parang isang kabuti? ‘yong tipong hindi consistent. Minsan nagpapakita then after noon mawawala.  Ang galing lang, ‘di ba? Parang magic lang, sa isang iglap..bigla na lang maglalaho na parang yelong natunaw tapos natuyo ng araw.

“Hay naku! Ano ba ‘tong iniisip ko? Ang baduy ko lang ha! Capital I-W-W-W. Gutom lang siguro yan, ikain mo na lang, Kanami.” Ako na rin ‘yong sumagot sa sarili kong tanong.

Dahil nga sa kung anu-anong kahibangan ang naiisip ko, minabuti ko ng pumunta sa Main Canteen para matapos na ‘tong pag-iisip ko. Baka mamaya ay bumaha pa ng luha rito sa classroom namin eh. Abot langit na kahihiyan pa ang abutin ko.

Ako si Kanami Dinaro Montiel.  17 years young and I firmly believe that friends are forever and boys are whatever. Chos! Isa akong ulirang trying hard skater sa kanto. Disente naman ako. Hoy! Don’t get me wrong, dean lister kaya ako kahit 50% sa pagkatao ko ay sabihin na nating  undefined at ang natitirang 50% ay sadyang panay katangahan. Siguro,epekto na rin ‘to ng pagiging baliw ko. Inborn na kasi ‘yan. Ipinanganak yata ako sa Mental Hospital kaya heto dakilang psychopath doon. Hindi, joke lang !

“Ay pusa! Nalaglag!”

Walanjo! Nalaglag ‘yong dalawang box ng Beng-beng. Kabibili ko pa lang noon eh. Hayaan na nga! Wala pa namang 10seconds..pwede pa ‘yon. Sa box lang siguro nakapasok ‘yong germs.

“Pagsisisihan no'ng Poncio pilatong ‘yon na binangga n'ya ako!” Chant ko na parang intensyon kong kulamin ‘yong lalaking ‘yon habang pinupulot ko ‘yong nalaglag kong Beng-beng.

Nandito ako sa Maincanteen para lasapin ang dalawang box ng Beng-beng. Napagdesisyunan kong dito na ito kainin. Ayaw ko ngang kumain nito sa room. Teritoryo kasi ng mga dakilang anti-panis gang at mga hinayupak na pasimpleng patay gutom ‘yong room namin eh. In short, mga dead hungry lang umiistambay doon sa room na ‘yon.

Favorite ko kaya ‘tong Beng-beng. Marahil, ito na ang bagay na pinakamatatandaan n'yo sa'kin. I love it more than anything at kung sino mang extranghero ang humingi sa ‘kin nito ay ipapasalavage ko at ipaparape sa shark. Oo, sa shark sa ilog pasig na kasalukuyang nasa Vigan. Ganyan ako kaadict sa Beng-beng. Eh halos gawin ko ng kanin ‘yon eh. Siguro nga kung isa na lang ang Beng-beng sa mundo at na sa Antarctica pa ‘to… paniguradong tatakbuhin ko na masalba ko lang ‘to. I’m badly inlove with Beng-beng. Kung pwede nga lang pakasalan ko na si Beng-beng of my life, malamang last year ko pa ginawa.

Normally abnormal daw ako dahil sa pangshungang mentality ko. ‘Yan rin ‘yong madalas sabihin ng mga mala-tadpole kong tropa. Sabi nga no'ng exboyfriend ko na si *engkkkk*… badword nga pala ‘yon, ako lang daw ang bukod tanging babaeng nakilala nya na sobrang baboy sa Beng-beng. Oh well, namention ko na naman ‘yong mokong na ‘yon. Sakit talaga s'ya sa ulo, bwisit lang talaga eh!

“One Beng-beng to go…mauubos na naman!” Oha! Biglang change topic na lang ako eh. Ganito lang talaga ako. Masanay ka na! Ayaw ko ngang naaalala ‘yong isang ‘yon. Mukhang timang lang kasi,”Sharap! Sharap! Sharap!” Nagkakandabuhol-buhol na ‘yong dila ko. Magsalita ba naman habang kumakain. Where’s manners?

“Tsong! Si Kanami ‘yon, ‘di ba? Bakit ganyan? Parang ang baboy kumain”?

“Is that her, tol? I mean si Kanami, yong crush ko since kinder?”

“S'ya nga ‘yon! Ang dami nagkakandarapa sa kanya pero… tol! Grabe! Beng-beng lang pala katapat n'ya! HAHAHA! Mga tol, pang Wow Mali ‘tong scene na ‘to!”

“Kung tatamaan ka naman ng malas oh!” Nanahimik ako rito tapos pinagbubulungan lang ako noong tatlong ugok na ‘yon. “Pakihinaan nga! Ang lakas ng bulong nyo eh!” Pag hindi ako nakapagpigil, ipagsisiksikan ko ‘yong tatlong ugok na ‘yon dito sa dalawang box ng Beng-beng. Hindi ba nila ako nakikita? ”Hello? Nakatingin po ako sa inyo. Naririnig ko rin po kayo. Shut up! Hindi ko kailangan ‘yong mga opinyon nyo!” Mukha nila! Kung makasalita naman…parang editoryal lang sa dyaryo.

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon