Ikalabing-dalawang Tagpo

66 0 0
                                    

Ikalabindalawang Tagpo

Ceto's Point of View

Ano bang drama ito? Alas tres na ng madaling araw pero... "jablig 'yan! Hindi ako makatulog! Pucha!"

At dahil nga ayaw akong patulugin ng sarili kong katawan, minabuti kong bumangon at tumambay na lang sa may bintana. Pagkatayong-pagkatayo ko sumalubong kaagad sa mata ko ang pahara-harang kumot na nakahandusay sa sahig. "Bakit nandito ito?" Kinuha ko ang kumot."High tech ka, Kanami ha! 'Yong sahig pa talaga ang inalala mong kumutan!" Hanep ah! Talagang si Kanami, ang astig pero parang bata! Ikot dito, tumbling doon. Hay! Para siyang naghihingalong butiki! Ang kulit ba namang matulog! Buti hindi siya ang nalaglag. Itali ko siya sa kama niya eh, joke lang!

At dahil nga isa akong concern citizen, pinakapal ko na ang mukha ko at nagkusa na akong kumutan siya. Baka manigas pa ang magandang ito sa sobrang lamig eh. Hoy ha! Walang chancing na kinalaman dito, malinis ang kalooba't konsensya ko. Nagkataon lang na nagmamalasakit lang talaga ako.

Nang maibalot ko sa kanya ang kumot, hanep 'yan! Gusto ko na siyang tawanan. Mukha ba namang nawawalang kakambal ni sadaku. Halos 'yong kalahating parte ba naman ng mukha niya ay natatakpan ng mahabang buhok niya. At dahil nga may malasakit ako,  bilang isa na namang concern citizen ay hinawi ko ang buhok niya at isinangat sa tenga niya baka kasi mabulag siya at matusok ng mahabang buhok niya ang kumikinang niyang mata! Joke only! Corny na ako!

"Wag ka ngang magpapaganda! Nakakainis ka naman d'yan eh! Nagpapacute ka sa akin?" Ayan, sinasabi ko sa kanya 'yan habang kinukurot ko ang pisngi niya. Tulog naman siya eh! Puck! Ang ganda talaga ng isang ito. Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ko kapag nakikita ko ang isang ito. Hindi na ako magtataka kung bakit---

"D-drex"

Tack in na!  Natigil ako sa pagpapantasya. Putragis! Hanggang sa pagtulog ba 'yong Drex na 'yon pa rin gusto niya? Tang in a lungs! Nakabagat pa ng magandang chick ang loko ah! Jablig!

At dahil nga naiinis ako ay nauwi ako sa pagbalik sa aking higaan. Sumesenti lang ako! Sa dinami-dami ba namang pangalan sa mundo ay bakit Drex pa ang nasabi ng magandang si Kanami. Hindi ba pwedeng Ceto na lang?

Pinagmamasdan ko lang 'yong katabi kong si Drex. Oo nga, he's cute, he's hot at halos perpekto na! Jusko! Nakakagat ko na lang ang labi ko sa kakatingin sa kanya. Tsong, don't get me wrong! Hindi ko pinagnanasahan 'yong kaibigan ko. Yucks! Nakakagat ko lang ang labi ko dahil sa sobrang inis. Anak ng tinapa! Hindi na talaga nakakapagtakang itong isang ito ang pinatulan niya. Oo na, bagay sila! Ano ba naman ang pala ko? Mukha, katawan at boses lang naman puhunan ko. Shit talaga! Haha na lang! Sana nga pwede na lang tawanan eh. Putragis! Bakit naman kasi ito pa ang natarget ni Kanami? Walang-wala akong palag eh!  Hindi kaya lumiko lang ang pana? Baka para sa akin talaga kaso pahara-hara siya! Joke ulit! Ang kapal ko naman! Pagbigyan n'yo na ko, minsan lang eh. Okay, enough na! Corny na talaga! Tama na talaga! Mukha na siguro akong timang dito. The fact! So gay, dre. Pilit na lang akong ngumiti at marahang ipinikit ang aking mga mata. Lord, ibalato mo na kasi sa akin si Kanami kahit sa panaginip lang oh. Pumayag Ka na ho, close naman po tayo, hindi ba?"Lord, sana naman makasama ko na si Kanami sa dreamland at lumipad kami kasama ni Peter Pan!"

Kanami's Point of View

 "Ahhh! Goodmorning!" Pagmulat ko, natememe ako bigla, nakita ko ba namang nasa loob ng kwarto ko 'yong anim.

Oha! Ang lakas pa ng loob kong mag-ingay. Pasensya naman! Hindi kaagad nagfunction ang media scanner ng utak ko. Nalimutan kong may kasama pala ako sa loob ng kwarto ko.

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon