Ikalabing-isang Tagpo

75 0 0
                                        

Ikalabing-isang Tagpo

Kanami’s Point Of View

Akala ko sa masayang kwentuhan lang matatapos ‘yong gabi ko pero…

“Guys! Tara! Sleepover tayo? Wag na tayong pumasok bukas, pwede naman ‘yon ah?” Ano naman ‘tong pinagsasabi ni Kerr.

“Saan naman?” Tanong ko.

“Sa bahay mo, Boss!”

“Tumigil ka nga d'yan!” Sabi ko.

“Bakit? Dati na naman nating ginagawa ‘yan ah!”

“Okay ka lang, Boss? Ang lapit lang kaya ng mga bahay n'yo sa bahay ko! 'di ba nga, sa St. Agatha Village din kayo nakatira? Baliw ka! Sleepover mo mukha mo!”

“Please? Please? ” Nagmakaawa sa akin si Kerr at yumakap sa binti ko. Grabe lang ha? Paano ko naman tatanggihan ang cute na ito? HAHAHA!

“Ano ba, Kanami? Pumayag ka na nga! Kawawa naman si Kerr oh!” So, sawsawero ka na ngayon, Drex?

“Hayyy! Sige na nga! Tumayo ka na d'yan Kerr! Pakibitawan nga 'yong binti ko! Chancing ka na d'yan eh!”

“Oh? Mga bata? Akala ko ba aalis na tayo?” Nalimutan na naming kanina pa nakasakay si Manong Henry sa van at hinihintay na lang na pumasok kami roon. Ang sabi ko kasi kani-kanina lang ay uuwi na kami.

Sumakay na kaming pito sa van. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ng van, ang sarap ng ulamin ni Yanyan. Ang ingay eh parang batang first time makarating sa Pluto.

“Waaaa! Manong bilisan mo ha? Please! Ha? Ha? Manong bibilisan mo talaga? Ha? Promise ha?” Ayan  lang naman ang sinasabi ni Yanyan. Nakakairita talaga s'ya!

“Excited na ako mamaya! HAHAHA!” Isa pa itong si Reign. Mapupunit na ‘yong uniform ni Thiel dahil sa kakahigit niya. Para namang first time nilang magsleepover sa bahay ko. Eh noong mga elementary pa lang kami halos ampunin ko na ‘yong apat na ‘yon eh. Kung sabagay, simula kasi noong naghighschool kami, hindi na kami makapagsleepover. Medyo naexcite na rin tuloy ako! Hoy ha? Hindi dahil reunion ngayon ng C5 pero dahil kasama si Drex my love. Grabe lang! Lumalandi ang utak ko. HAHAHA! Ano kayang itsura ni sungit kapag bagong gising?May gumigilid na laway kaya sa mukha niya? HAHAHA!

“Hoy? Baliw! Bakit napapangiti ka d'yan?”

“Wala! Pinapantasya lang kita!”Ang alam ko lang ay wala ako sa sarili ko noong sumagot ako.

“Ha?Pfffft! HAHAHAHAHA!” Mukhang nagulat yata s'ya. Bakit? Ano ba sinabi ko?

Putik? Nasabi ko ba ‘yong sinasabi na mala-ostrich kong utak? “Este, wala! Nagpapantasya lang!” Bigla ko ‘yang sinabi ng matandaan ko ‘yong sinabi ko earlier.

Sinong nakakatawa ngayon? Tumigil lang naman s'ya sa katatawa. Grabe lang ha! Mukha siyang naluging fish vendor. Ewan ko ba, minsan kasi nakakainis talaga ‘yong sungit na ‘yon. Pero kapag napapatingin ako sa mukha niyang maganda este gwapo pala eh parang kinukuha ng sorcerer ‘yong inis ko sa kanya. Imbyerna lang! Hindi ko magawang magalit sa lalaking ‘yon kahit ang sungit niya! Parati pa siyang mood swings tapos napakaano niya. Ano? ‘Yong… basta paglumalapit siya sa akin pakiramdam ko may kuryenteng dumadaloy sa nerves ko. HAHAHA! Ang abnormal ng nararamdaman ko talaga! Parang ganito rin ‘yong nararamdama ko kay Kaizer dati.

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon