Ikalabing-tatlong Tagpo

28 0 0
                                    

Kanami’s Point of View

Umaga na naman? DAFUQ! Ahhhh! Badvibes ako! Hanggang ngayon ba naman? Shit lang! Nakakabanas naman kasi talaga ‘yong pagiging chimay ko kahapon! Asar lang talaga! Sarap magbasag ng yelo! LUL! Ano bang dapat kong gawin sa mga oras na ito? Wala akong maisip na matino. Therefore, itetext ko na lang ‘yong FBF ko, malay mo may mgawang matino ‘yong isang ‘yon. HAHA! As if naman. Eh sa kalokohan lang yata ‘yon may magandang naiisip eh pero… oo na nga tama na madaming satsat! Itetext ko na nga!

To: Drex

Loko! Badvibes ako! Ang sarap magbasag na yelo!

*Beep Beep*

From: Drex

Eh 'di magbasag tayo!

Anak ng teteng! Dapat ba akong matuwa sa reply nitong gunggung na ito? Lakas ng loob nitong rumeply ng ganoo'n sa akin ah! Inaasar ba ako nito? Hindi ko magets ‘yong gustong sabihin nitong lalak---

*Beep Beep*

From: Drex

1 o’clock sharp! I’ll pick you! Palamigin natin ulo mo! Lalo kang pumapangit ka n'yan eh. Don’t you dare na takasan ako... or else I’ll kill you!

Anak ng tokwa! Hindi ko na alam kung ano bang irereact ko! Dapat pa ba akong magreact? Wag na nga lang! Sumulyap ulit ako sa phone ko at…

“Ano? 10:30 na?” Bigla na lang akong napaisip kung bakit hindi na tumutunog ‘yong dalawang alarms ko kapag 7:30am na? Bakit nga? Shemay! Naalala ko na… pinatay nga pala  ng pakialamerong Drex na ‘yon yong mg alarms ko no'ng may surprise kunong breakfast siya sa akin!

Nagmove on na lang ako sa pagising ko ng late at dali-dali nalang bumangon para lunurin ang bibig ko sa mouthwash, bumaba para makachibog na rin, pangtanggal lang ng stress.

“Ya, anong niluto mo?” Binungangaan ko kaagad ng tanong si Yaya Cedit.

"Ah wala! Dumaan kasi rito 'yong driver ni Cito. Pinadalhan ka ng 2 kahong Beng-beng." Aba? Sino naman kaya 'yong Cito na 'yon? Hindi kaya...

"Ya, Cito ba talaga o Ceto?"

"Ewan ko! Kainin mo na lang. Ang dami mo pang chechebureche d'yan!" At dahil d'yan, dali-dali akong lumapit sa kinalalagyan ng Beng-beng my loves ko at inupakan ko na ito. Grabe ha! Ngayon pa lang buo na ang araw ko.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas at shenen! Ubos na ang isang box na naglalaman ng 12 piraso ng Beng-beng. Ready na ang aking mahiwagang kamay para buksan ang isa pang box ulit ng Beng-beng pero bukas na ito.

"Wag mong sabihing kinupitan pa ito ng isa ni Yaya Cedit?" Akala mo'y sasagot 'yong Beng-beng eh. Hayaan na nga lang! Isa lang naman siguro nakuha noon.

"Yum! Yum! Yum!" Aba! Sarap ng Beng-beng. Matapos ang sampung minuto naubos ko na ito. Ayon, itatapon ko na sana ang box nito sa basurahan kaso..

"Ya, bakit walang tapunan dito?"

"Young Princess kasi... ewan ko din sa Yaya Fenin mo!" Aba! ang shushunga talaga mga Yaya ko. Nakakastress sila! At dahil tamad na akong maghanap ng trash can... eh di ipinasok ko na lang sa empty compartment ng cabinet sa kitchen. Grabeng bait, ano? HAHA!

Nagbrush ako ng teeth at nagsimula na sa aking napakahabang orasyon baka kasi dumating na si Drex. Wow ha! Natakot naman ako sa text nya. Baliw din kasi ‘yong gunggung chakaness na ‘yon eh baka mamaya n'yan sa kumukulong impyerno pa ako dalhin no'n eh, joke!

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon