Ikalabing-walong Tagpo
Kanami's Point of View
"Syempre dala ko! So, ano? Leggo!" Waaa. Ceto, maawa ka.
"Ah teka! Magbihis muna tayo!" Sagot ko 'yan sa tonong parang kinakabahan.
"Wag na! Madami pa naman tayong extrang damit ah!" Gago ka Yanyan, walang laglagan!
"Ah eh... konti lang dala kong damit eh." Crossed fingers, tatalab 'tong palusot ko.
Lumapit sa 'kin si Ceto, literal. Halos 5 inches lang 'yong layo n'ya sa mukha ko."Wag mong sabihing natatakot ka?" Tae! Ngumisi pa s'ya.
Itinulak ko s'ya,"hindi ah...mukha mo...tara na nga." Syete! Mukhang naduduwag ako.
Tae, here we go! Paakyat na po kami sa katakot-takot na slide. At nang marating namin ang rurok ng slide, darn... nanginginig ang tuhod ko.
"Ceto, picturan mo na kami!" Sigaw ni Yanyan na akmang uupo na sa slide para magpose.
Hindi na sumagot si Ceto at pinicturan na lang sina Yanyan. "Click!"
"Waaaaa! Patingin!" Nakakarindi ka Yanyan.
"Ako rin!" Dumagdag pa si Reign. Si Kerr naman at si Thiel poker face lang.
"Ang cute ni Thiel! Nakangiti s'ya!" Fuck, ngumingiti na ang lolo n'yo.
"Kanami, kayo naman ni Ceto! Kayo na lang ni Ceto ang walang picture!" Sabi ni Yanyan habang inaagaw n'ya ang camera.
Hinila ako ni Ceto hanggang sa halos malapit na kaming malaglag sa slide.
"1...2...3.." At bago pa magcapture ang camera eh inakbayan ako ni Ceto.."Click!" Aalis na sana ako sa tabi n'ya nang..
"Ahhhhh! Gago ka Cetooooool! Natatakot ako! Petsay ka!" Niyakap n'ya ko habang kabadong-kabado ko sa pagdulas namin sa slide. Tae! May label pa naman na 35feet ang height no'ng slide. Langya! At ito pang masaklap, 9 feet po 'yong babagsakan naming pool, langoy aso lang po ang alam ko. I'm so dead."Cetoooooo! Uwaaaaaaa!" Mangiyak-ngiyak ako habang marahas kong ipinipikit ang mga mata ko.
"Buuuuuuuugsh!"
Pagbagsak namin mas humigpit ang pagkapit or should I say pagkakayakap ko kay Ceto. Wala ng hiya-hiya, Rito nakasalalay ang survival ng magandang lahi ko eh. Baka dahil sa hiyang 'yan eh mamatay ako. Swerte nitong si Ceto! Nayakap ko pa, gago, ako pa yata ang swerte eh.
"Chill! Hindi kita bibitawan! Makahug ka d'yan ah. Namiss mo ako? Haha!" Ayan na naman ang pagngisi n'ya.
"Kapal nito! Kung hindi lang ako mamamatay eh 'di sana bumitaw na ako. Ulol! Ngayon nga parang mas gugustuhin ko ng mamatay eh!"
"Eh di sige, iwanan na kita rito!" Naramdaman kong binibitawan na n'ya ko.
Hinigpitan ko na lang ang yakap ko sa kanya. "Joke lang pala, ayaw ko pang mamatay." Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib n'ya,"wag mo akong bibitawan ha?"
"Hindi kita bibitawan kaya nga... nakakapit pa rin ako, 'di ba?" Awwww. Why so sweet, man?
Hindi nagtagal ay dinala na ako ni Ceto sa tabi ng pool para makaahon na ako. Naramdaman n'ya sigurong nanlalamig na ako. At ayan na, nanginginig na nga ako ng makaahon kami.
"T-teka? Anong ginagawa mo?"
"Isn't it obvious? Binubuhat po kita!"
"Ulol.. Alam kong binubuhat mo ako, pero... bakit?"
"Para mabilis kang makapagpalit sa room natin! Ang bagal mo kayang lumakad, tanga ka pa... baka madulas ka." Awwww! Tama na! Parang, namumula na yata ako. Kinikilig ako sa tono n'ya, 'di ba... dapat eh naiinis ako?
******
Imbis na magpalit ako ng damit ay naligo na rin ako. Haha! Feel ko ang tubig dito eh. Nang lumabas ako sa CR ng nakabathrobe ay biglang umulpot sina Kerr sa room namin.
"Fuck Boss! A-anong ginawa n'yo ni Ceto?" Ha? Ano daw?
"Did you do it?" Mukhang galit pa 'tong si Thiel. Ano bang meron? Sunod-sunod ang tanong nila.
Bigla namang napaupo si Ceto mula sa pagkakahiga n'ya sa kama. Nakapagbihis na rin s'ya kaso nakatopless s'ya. Siguro sa main CR ng hotel s'ya nagpalit. "It's not what you think, tol! Matinong tao ako!"
"Wew! Akala ko naman... bumigay na si Kanami sa kagwapuhan ni Papa Ceto." Tae ka Dyillian! Ngayon ko lang nagets. Ang slow ko talaga eh! Gago 'yong mga yon. Pag-isipan ba naman ako ng gano'ng bagay.
"Ulol. Lumabas na nga kayo! Magbibihis lang ako!" Tapos ipinagtabuyan ko na sila sa labas at agad-agad kong sinuot ang maong shorts ko at hanging sando ko.
"Pasok na kayo! Magsusuklay lang ako!" 'Yan ang sinabi ko habang kinakalkal ko ang suklay ko sa bag ko. Pagkasabi ko n'yan ay agad naman silang sumunod.
Banayad kong hinahagod ang buhok ko ng magsalita si Kerr."Boss? Bilisan mo magsuklay, gutom na ako!" Syete! Ang haba pa naman ng buhok ko. Siguradong matagal 'to.
"Amin na nga 'yan! Ang bagal mo!" At kinuha na ni Ceto ang suklay mula sa kamay. Akala ko papatigilin na n"ya ko sa pagsusuklay pero s'ya pala 'tong matyatyagang suklayan ako.
"Soft hair huh... like in the old days." The truth is hindi ko narinig 'yong sinabi n'ya. Ang hina kasi ng boses n'ya.
Si Ceto talaga, parang kaanib ni Prof. Jino. Ang galing n'yang magsuklay. Hindi manlang ako nasaktan. No'ng matapos na n'ya kong suklayan, ipinatong lang n'ya sa kamay ko ang suklay at bumulong sa 'kin.
"Hindi libre 'yan. Mahal ang talent fee ko!"
"Magkano ba? Babayaran ko..." Mahinang bulong ko...
"Just... just always wear your brightest smile. Wag kang sisimangot. 'Yan ha... Kapag hindi mo ginawa... may punishment ka!"
"'Yon lang pala eh! Ano naman 'yong punishment?"
"You'll mary me and I'll make you happy like what---" May sincerity sa mga mata n'ya ng sinasabi n'ya 'yon. Awwww! Tama na! Kaya heto, pinutol ko na ang sasabihin n'ya.
"Tara na! Gutom na si Kerr, 'di ba?" Nginitian ko na lang s'ya. Hanggang ngayon kasi ikinagulat ko pa rin ang nilalaman ng pangingusap n'ya.
"Oo nga! Tama na ang lambingan n'yo. Ang sakit na sa mata!" Nakakainis din 'tong si Thiel eh, daming angal.
"Leggo Guys! Balita ko pa naman masarap ang pagkain sa Putahe ng Ina mo, balita ko pa nga eh 'yon 'yong restau na bentang-benta sa loob ng resort na 'to eh." Nginitian n'ya ako at kinaladkad ako palabas sa 'ming kwarto. Ceto? Ano ka ba? Naman eh!
**********************************************************************************************************************
NOTE: Ngayon pa lang unti-unting marereveal ang totoong twist nito. What's with Ceto? Ewan, malay mo s'ya pa la ang bida dito.
VOTE.COMMENT. Kung nag-eenjoy ka sa kabaliwan ko.

BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Teen FictionYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...