Ikalawang Tagpo

160 4 0
                                        

Ikalawang Tagpo

Paskate-skate na lang ako rito kasama ‘yong mga autistic kong kaibigan. Heto, tamang naghahabumbugan lang kaming lima. Sino-sino sila? Ayan na, ipakikilala ko na ‘yong limang ‘yon.

Si Kerr Atienza Enriquez, ang lalakeng makalaglag-panty ang appeal pero syempre I don’t mind that freaking thing kasi bestfriend ko ‘yon. Grabe nga eh! Nakakairita ‘yong mga babaeng naghahabol d'yan. Ang gwapo n'ya tapos mga mukhang isdang nasabugan ng sumpa naman ang mga stalkers niya. At ito pa ha…basta sa kalokohan mangunguna ‘yong isang ‘yon.

Si Thiel Villa Eugenio, Malaking O-O gwapo nga ‘tong isang ‘to, halos lahat nga ng Professors naming babae at isama mo na rin ‘yong nag-iisang bakla ay may gusto sa kanya eh. Imagine kung gaano kagwapo. Ayon nga lang napakamainitin ang ulo. Aakalain mo talagang 24/7 red alert ‘yang si Thiel sa sobrang katarayan. Nanligaw pa nga sa ‘kin ‘yong gwapong ‘yon pero I ignored him for some reasons…and those reasons are yet to be told.

Si Reign Avila Megino, ang almost perfect chick ng barkada pero… jablig ‘yan! Isa lang s'yang anino kay CJ. Palagi kasi niya ‘tong sinusundan kahit hindi naman s'ya napapansin. In short, isa siyang masugid na kulangot na kahit tumubo pa ang apple sa mango tree sa ika-30 ng Pebrero'y hindi pa rin siya mapapansin ng CJ na 'yon. Nag-iisang kawawang nilalalang sa barkada namin ‘yang si Reign. Nine years na kaya ‘yang trying-hard magpansin ni CJ. Oha? Isang taon na lang isang dekada na.

Lastly, si Dyillian Rato Lim, Yanyan na lang, ang pinakaaustic sa tropa. Minsan nga iniisip ko kung paano namin napakisamahan ‘yong baliw na ‘yon. Ang hilig niya sa k-pop at j-pop. Grabe nga! Nakakairita na s'ya! Ang sarap niyang saksakin. Ano pa ba? Mahilig din magdoodle ‘yong half-chinese na ‘yon. Eh ‘yong likod nga ng mga notebooks niya panay doodle lang eh, halos hindi na ‘yan makinig sa mga discussions dahil sa pagdodoodle. She likes anime rin. Eh mukha pa lang n'ya…mukhang anime na eh. Hindi matigil sa kapapanuod ng Anime lalo na ‘yong...’yong Game on ba 'yon o K-on o kung ano mang on 'yon! Malay ko ba naman do'n eh hindi ko naman hilig manuod ng anime.

Lima kami sa barkada. We’re living young and wild and free. Skate lang dito, skate doon until our lungs dropped. Skater kami, I mean, amateur skater. Sila amateur pero ako... palpak naman yata! Trip lang naming ‘to kasi we found it interesting, interesting mabalian para absent. Hindi, joke lang! Risky lang talaga kasi kaming tao.

Nagpapalipas lang kami ng oras. Ang boring kasi sa mga bahay namin. Panay umuugong na aircon lang nakakausap ko tulad nila. Panay ulirang chimay lang kasi mga kasama ko sa bahay. Kamusta naman ‘yong mga parents namin? HAHAHA! They died in our minds na. Wala kasing mga alam ‘yon kundi work, work, work at work pa rin.

‘Yong mom  ni Kerr kasi namatay na no'ng pinanganak pa lang siya tapos ‘yong dad naman niya nasa London nagmamanage ng isang company doon. Si Thiel, may nakakasama siyang parents sa bahay nila kaso busy-busy-han sina Tito at Tita kasi hindi pa rin makaget-over na namatay ‘yong baby brother ni Thiel due to Lukemia. Si Dyillian naman only child ng parents niya. Half-Chinese ‘yon nakatira talaga s'ya sa Singapore but she decided to settle here in the Philippines with her Yayas. Biktima kasi siya ng bullying no'ng first day of school pa lang no'ng kinder pa lang s'ya kaya agad-agad s'yang nagtransfer dito sa Pilipinas. Si Reign naman, patay na ‘yong parents niya. Car accident ang dahilan kaya ‘yon naiwan siya at ‘yong Ate Jezka n'ya sa lola n'ya. Sablay ng mga stories namin, ano? Ang pangit, panay trahedya, pwede ng isubmit sa MMK sa sobrang kadramahan.

At dahil nga walang parents na bantay-sarado sa’min ay aksidenteng nagkakila-kilala kami sa may guardhouse… that was eleven years ago. After no'n nabuo na lang ang C5. Oh? Maganda kaya meaning niyan…Crazy5. Pasensya naman! Five years old lang kami noon. Simpleng English pa lang alam namin. Okay, enough na tayo sa flashback back to present na.

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon