Ikalabing-apat na Tagpo

29 0 0
                                    

Ikalabing-apat na Tagpo

Drex's Point Of View

Heto, nandito na naman ako sa bahay namin. Shit tol! Para akong umaawit kasabay ng mga cute na anghel. Tack in na! Ang bading ko, tuwang-tuwa ako habang inuulit-ulit sa utak ko 'yong "I'll be your official girlfriend after three months" na sinabi ni Kanami. Syete! Magpapafiesta talaga ako kapag girlfriend ko na 'yong babaeng 'yon!

"Teka? Ano na ba ngayon?" At tumingin ako sa calendar ng handphone ko, "takte! March 23 lang pala! Ano ba 'yan? Akala ko pa naman tatlong taon ko ng nililigawan 'yong palpak na skater na 'yon, isang linggo pa lang pala! 'Nak ng tupa 'yan! Kaya pala humihingi pa ng three months! Akala ko nag-iinarte lang!" Napapangisi na lang ako habang binabanggit ang mga salitang 'yan. Kung kasalanan lang ang kiligin, malamang nabubulok na ako sa impyerno.

"Blaaaaaaaaaag!" Bwisit! Nasa kalagitnaan naman ako ng pag-iisip ng kilig moments ko tapos biglang eepal naman 'tong ina ko! Pumasok pa sa kwarto ko! Jablig! Mom, bastusan ha? Lagi kang kontra d'yan!

"Younga man, you're in trouble! Akala ko ba mag-aaral ka na ng mabuti para mabeat mo 'yong future magnacomlaude n'yo! Eh bakit ganyan ka? Saan ka na naman nagpunta? Ha? Now, speak! Depend yourself, son!"

"Mom, end of school year na! I have to relax! Ayaw kong mapagod sa pag-a-advance study!" Saad ko na parang wala akong pakialam, chill lang.

"Drex, anak, you have to... para magkaedge ka sa kanya, kay Kanami! Hindi ba, siya 'yong pinakamabigat mong kalbaryo sa school?" Sinisigawan na ako ng sobra ng nanay ko. Ano ba? Kailangan ko ba talagang maging magnacomlaude? Puta naman! Ngayon alam na niya kung sino 'yong kalaban ko. 'Nak ng chupacabra! Ang bilis lumipad ng balita.

"Mom, I can't... I can't beat her now because... because I love her." Malumanay ko 'tong ipinaliwanag sa nanay ko. Hinihiling ng mga mata kong sana maintindihan n'ya ako.

"Pero Drex, anak, you promised me tha----", hindi ko na siya pinatapos sa ibabato niyang salita. Puta talaga! Eh memorize ko na 'yon! Panira ng moment eh! 

"Mom, dati 'yon at hindi na ngayon." Pinilit ko pa ring magsalita ng malumanay kahit alam ko sa sarili kong gusto ko ng sigawan ang nanay kong nasa harapan ko.

"Pack your things! Doon ka na lang sa Dad mo. At least doon sa Canada... mag-aaral ka ng mabuti. At, hindi mo gagayahin 'yong kuya mo!" Naluluha na si Mommy habang sinasabi 'yon.

"Si Kuya na naman! Mom, matagal na s'yang wala! He committed a suicide because of you, Mom!"Namention ko nalang bigla 'yan dahil sa galit.

"Sige, gumaya ka na lang sa kuya mo! Sa kuya mong nagsuicide after graduation! Kasi hindi s'ya naging magnacomlaude. Inexpect pa nga ng buong angkan natin pati na rin ng mga Prof. Sa Williard Academy na siya 'yong magiging Magnacomlaude.. pero ano? Si Trisha 'yong nakakuha ng title kasi ginamit n'ya ang kuya mo!”

"Mom, pwede akong mabuhay sa mundo kahit hindi ako maging magnacomlaude! Mom, magkaiba kami ni kuya Les kasi duwag s'ya! Duwag s'yang humarap sa mundo dahil feeling n'ya s'ya 'yong first loser kasi secondbest lang s'ya... at 'yong manlolokong girlfriend pa n'ya ang tumalo sa kanya!" Tiningnan lang ako ng nanay ko, matalim ito at marahil kaya akong sindakin nito. Bakit ganito siya? Dahil ba pinankalandakan ko na naman ang nangyari kay kuya Les?

Natapos ang napakahabang pagtitig sa akin ng nanay ko. Lumabas lang siya ng kwarto ko at binunot ang telepono niya sa bag niya. Ano tatawagan ba niya si Dad? Pagbibigyan ko na naman 'yong mga buwisit na kalokohan nila? The fuck! Ang hirap maging ako, ako na pinipilit higitan ang kuya ko.

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon