Ikadalwampu't Apat na Tagpo
Kanami's Point of View
"Tanggalin n'yo ' yong mga alikabok d'yan. Wag kayong titigil hanggang may katiting na alikabok pa d'yan! Magwalis-walis kayo at... magmop na rin kayo!"
Dyahe! Nakakainis! First day of school tapos pinaglilinis kami ni Prof. Jino. May atraso pa raw kami eh kaya kailangan naming sundin 'tong isang ito.Umaangal ang mga prof. namin. Hindi raw sila idinate ni Thiel kaya heto, inaalila kami. Ang palpak talaga ni Kerr eh.
"Pssst! Boss?"
"Bakit Kanami?"
"Hoy! Mr. Atienza and Ms. Montiel! Mga Best in Chikka kayo! Maglinis na lang kayo!" Sabi 'yan ni Prof. bago s'ya bumalik sa table n'ya.
"Pigilan mo ako, Boss... kung ayaw mong ipakain ko 'yong Prof. na 'yon sa'yo."
"'Nak ng tipaklong! Hindi 'yan masarap! Tae!"
"Tssssss.."
"Ano ba kailangan mo? Bakit kanina mo pa ako tinatawag?"
"Eh kasi nga... gusto ko na umalis! Magbeau-beauty rest pa ako! Bukas ko nasasagutin si Drex, 'di ba?"
"Ah? Naasa ka pa pala!"
"Ulol! Dadating 'yon! Gumawa ka na lang kaya ng paraan! Kayo naman ni Thiel ang may kasalanan kung bakit tayo pinaglilinis dito!"
"Oo na nga! Sige na! Magpapacute ako kay Jino tapos... itake mo na 'yong chance para makatakas ka na! Hoy ha? Wag mong susuntukin 'yong pader!"
"Ulol! Next time ko na susuntukin! Hindi pwede ngayon!" Sabi ko sa kanya matapos ko s'yang batukan. "Oh? Ano pang hinihintay mo? Go na!" Itinulak ko na si Kerr at agad naman itong pumulupot kay Prof. Jino. Hinagod-hagod nito ang likod ni Prof. at binola-bola.
"Dyahe! Baka marape ni Jino 'yong bestfriend ko!" 'Yan na lang ang nasabi ko no'ng makalabas na ako ng main gate ng eskwelahan ko.
"Ms. Kanami? Sakay na!" Wow ha? Si Manong Ben ulit. Ang liit talaga ng mundo. Lagi ko na lang nakakaencounter 'tong taxi driver na 'to.
"Manong Ben, St. Agatha Village po", sabi ko habang nakangiti.
"Naghimala ang langit! Hindi ka na tanga?" Lumingon-lingon pa s'ya,"oh si Drex, nasaan?"
"Hindi ko po alam eh", sabi ko at bigla na lang nakuyumos ang mukha ko.
"Ay naku! Binabawi ko na pala... tanga ka pa rin pala."
"Manong Ben naman eh!"
"Ika'y sumakay muna't ating pag-usapan." Sinunod ko si Manong Ben at agad akong sumakay sa taxi n'ya.
"Manong Ben... kasi po three months na s'yang wala."
"Ay naku naman 'yong gwapong 'yon! Baka sinunod 'yong payo kong humanap na ng iba... 'yong hindi tanga."
"Manong naman eh! Eh bukas ko na nga po sasagutin!"
"Oh eh... bakit parang ang lungkot mo? Dapat nga masaya ka kasi nobyo mo na s'ya bukas."
"Hay naku! Manong, wag na natin pag-usapan. Nakakastress!"
"Sabi mo eh!"
"Manong? Sa salon mo na lang po pala ako ibaba."
"Oh s'ya! Sige!"
Pinaandar na ni Manong ang taxi. Ako naman 'tong nag-iisip lang kung anong ipapagawa ko sa buhok ko. May ibang prospective kasi ako. Gusto ko kasi, papalitan ko ang hair style ko... kasi simbolo 'to na nakamove on na ako. Magbabago na ako, kasama ng bagong lalakeng kokompleto sa buhay ko.
*****
"Ma'am, ano pong masasabi n'yo?"
Natapos din! Mapapanisan na ako ng laway dito sa kakahintay eh."Ay pusa!" Nagulat na lang ako sa buhok ko. Halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. "Okay naman s'ya! Nagmukha akong simple!" Tumayo ako at pumunta sa counter para magbayad. Bago ako umalis sa salon, sumulyap ulit ako sa salamin. "Black hair + full bangs? Nagmukha akong simple. Gusto ko ito!"
Pagkatapos no'n ay umuwi na rin ako. Nagtaxi lang ulit ako. Mabilis naman akong nakarating sa bahay kasi hindi naman kalayuan itong salon sa bahay namin.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Humarap ako sa salamin at naisipan kong magrehearse na lines ko para bukas.
"Drex, oo tayo na!" Ano ba 'yan? Wag nga 'yan... walang dating.
"I love you! Akin ka na ha!" Dyahe! Possesive masyado!
"Capital Y-E-S! Drex, tayo na! Wag ka na mag-inarte d'yan!" Ay leche! Ang pangit!
"Eh kung iform ko kaya ang dalawang kamay ko ng circle?" Tapos ginawa ko ito at inilapit sa salamin. "Wow! Maganda 'to ah! Gusto ko 'to... unique!"
"Tok tok tok"
"Little Princess, kakain na! Bumaba ka na!"
"Ya? Ano po kasi... kumain na ako eh", pagsisinungaling ko kasi tinatamad talaga akong kumain.
"Ah gano'n ba? Sige baba na ako!"
Lumapit ako sa cabinet ko para kumuha ng pampalit na damit. Balak ko ng magshower para makatulog na ako. Nang makuha ko na ang pantulog ko... napako ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko si Ceto mula sa bintana. Nginitian ko s'ya pero nabother ako nang simangutan n'ya ako at itinabing n'ya ang kurtina ng bintana n'ya. "Bakit ganyan ka? May problema ba?" Nasabi ko na lang 'yan sa aking sarili. Pinilit ko na lang limutan ang expression ng mukha ni Ceto. "Tsss... Hindi ka naman ganyan ah!"
**************************
Note: One chapter to go tapos epilogue na! Uhmmm. Ihanda ang sarili sa inyong malalaman.
COMMENT po... para madevelop ko pa ang sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/1434585-288-k964804.jpg)
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
ספרות נוערYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...