Ikaapat na Tagpo

88 3 0
                                        

Ikaapat na Tagpo

Drex's Point Of View

4:30pm na ako nakarating sa bahay namin. Two hours pa kasi ‘yong biyahe medyo malayo ‘yong Bar eh tsaka traffic lagi. Nakakabanas nga eh! Nauubos ang oras ko dahil sa traffic na ’yan. This moment, parang ang insane ako. Oo, nababaliw na ako. Para akong babaeng nagpipigil ng kilig. Tae this! So gay, right? Mas nanaisin ko pa ngang kumain ng isang baretang surf kaysa mabaliw ako sa kakaisip sa babaeng  ‘yon.

“Anong gagawin ko? Tawagan ko kaya?”Kinakausap ko lang ‘yong sarili ko.

“Wag na kaya!” Nababading ako. Napapangunahan ako ng kabag este kaba. Pasensya! Repeater sa Torpe Academy eh.

“Drex!” Punyemas! Nagugulat ako sa nanay ko eh.

“What?” Walang galang kong sagot.

“We had a deal, young man. You agreed that chuchuchuchuchu…” Hindi ko na naintindihan ‘yong pinutak ng magaling kong ina. Sinuot ko kasi ‘yong earphones ko. Nakalock naman ‘yong room ko kaya paniguradong aakalain ng Mom na nagpapahinga ako. HAHAHA! Humiga ko at… ewan ko na…

After siguro limang oras na ‘yong lumipas…

“Ano? 9:30pm na?” Sigaw ko noong magulat ako sa wall clock na sumalubong sa 'king mga mata.

Ahhh.. kaya pala nagising ako kasi nagugutom na ako. Pumunta ako sa kitchen para kumain. Nagningning ‘yong mga mata ko n'ong nakita kong may isang box ng Beng-beng. Bigla ko na lang naalala si Kanami, ang bukod tanging babaeng wagas kumain ng Beng-beng. Ahhh, oo favorite ko rin ang Beng-beng. Talagang sinadya ko lang inisin si Kanami no'n para mapansin naman niya ang gwapong ako!

“Matawagan nga ‘yong babaeng ‘yon,” hindi ko pa nalalasap ‘yong Beng-beng ay napagdesisyunan ko ng tawagan ‘yong babaeng ‘yon. Kinuha ko ‘yong cellphone ko na kasalukuyang nasa bulsa ko at nakasaksak pa nga ‘yong earphones ko. Tinanggal ko muna ‘yong earphones ko mula sa pagkakabit nito sa cellphone ko. Brinowse ko sa contacts ko ‘yong number niya at tinawagan ko siya.

“Hello? Kanami! Miss mo na ako, ano?” Joke lang ‘yan. 'Yan lang ‘yong sabi ng makulit kong utak.

“Hello? FGF?” Pangbading kong sabi. Grabe! Nakakalose pala ng confidence kapag gutom. Tae! Nagpalusot pa ako, eh natotorpe lang yata ako.

“Hello”, sagot niya.

“A----” Bastos! Bigla na lang akong pinatayan. Anak ng! Punyemas naman!

Kanami’s Point Of View

“Hello? FGF?”

“Hello”, sagot ko.

“DAFUQ Low bat na ako…” Ang asar lang! Kausap ko ho kaya ‘yong prince charming ko. Iwwww! Ang kornicles ko.

“A----” Tae! Naputol! Dead bat na ako. Wrong timing! Pag talagang titirahin ka ng malas… wala kang magagawa eh! Two hours pa naman ang byahe! ‘to naman kasing sina Kerr eh… ngayon lang nagyayang umuwi.

“Sakay na! Mukha kang timang d'yan eh!” Bwisit ka Kerr! Ako pa nga daw ‘yong mukhang timang.

“Oo na nga! ‘to na nga sasakay na!” Sumakay  na ko sa kotse niya at ‘yon pinagsarahan na niya ako ng pinto.

Habang nasa loob ako ng kotse…

“Teka? FGF? What does it mean? F?  Gago ‘yon ah! Feeling GirlFriend  ba ‘yon? DAFUQ!                Bubugbugin ko ‘yon pag nakita ko ‘yon. Isasaltik ko pa s'ya sa muscles ko.”

“Hoy! Kanami! May sinasabi ka?”

“Wala!”

“Eh bakit bumubulong ka? Sinusumpa mo ako, ano?”

“Hindi ah! Sabi ko lang… pagod na ko.”

“Ah! Dami mong angal ah! Dapat nga ako ‘yong mapagod kasi ako ‘yong nagdridrive!”Hindi ko na ginustong sumagot. Ayoko namang magkaWorld War 2.13 pa rito.

Matapos ang twenty hours, este two hours lang pala ‘yon, nakarating na ako sa St. Agatha Village. Oha? Alam ko na kung saan ako nakatira. It seems like twenty hours ‘yong biyahe kasi namiss ko ang gwapong si Drex. Anong miss ‘yong pinag-iisip ko? Aawayin ko pa nga pala ‘yon. At napansin ko na lang na nakasimangot na pala ako. Salubong na pati kilay ko.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Kinuha ko na lang ‘yong cute kong charger at… syempre nagcharge ako. Inopen ko ‘yong phone ko at… shenen! 28 unread messages. ‘Yong 13 na nauna from unknown.  Inopen ko naman ‘to at alam ko na kaagad kung sino ‘yong nagtext…

From: +63905*******

Hoy! Bakit binabaan mo ako ng telepono mo? Wala kang manners, Kanami. May sasabihin pa kaya ako!

Sino pa ba? Eh di si Drex. Kainis lang eh! “Ano naman kayang sasabihin nitong mokong na ‘to?” Style niya, bulok! Utut niya! Hindi bebenta sa ‘kin ‘yong pagpapacute niya. Out of the blue, hindi ko na namalayang tumatawag na pala siya… at ako naman ‘tong si tanga. Sinagot ko pa ‘yong tawag niya.

“Hoy! Mr. Montecillo! Anong FGF? Anong Feeling Girlfriend ha? Hoy! Ang kapal ng kilikili mo!”

“Chill lang! Let me explain, pwede? Conclusion ka kaagad d'yan eh! Hindi ka pwedeng scientist!”

“Sige na nga! Explain mo na! Bawal magsorry?”

“FGF stands for Future Girlfriend, my dear. Nakakainis ka rin eh, ano?  ‘To na nga…sasabihin ko na! Natraffic lungs ako! Matagal na kitang gusto, Kanami! Oha ano? Ayan na nga, sinabi ko na!” His words shut me up. Hindi ko lam kung anong irereact ko. Oo na kinikilig na ako. Hindi na nga ako mag-iinarte! Pero God, wh so fast? Kahapon lang po ako humingi ng lalake sa Inyo ah. Mabilis pa po Kayo sa LBC!

“Uhmmmm… D-Drex”

“Ano ‘yon, FGF?”

“I l-l-like you!”

“So, can I court you?” Hindi na ako nakasagot. Natameme ako kasi kinikilig na talaga ako na may halong kaba kasi… kasi baka may masamang ending na naman ang lovestory kong ‘to. Chos!

Drex's Point of View

“Punyemas! Pinatayan na naman ako ng telepono? Putrages… pinagtyatyagaan ko na lang siya ah. Gusto ko siya eh. Hindi man lang ako… sinagot noong isang ‘yon. Naglalakas loob na nga ako! Hindi na nga ako nagpapakatameme! Nakakabanas ka naman eh! First time ko kaya 'to. Nakakabuwisit ka talaga eh, ano?” Ibang klaseng babae rin 'yon ah! Hindi manlang naghabol sa 'kin. Tae! Bababe ba talaga s'ya? Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain… bumalik na lang ako sa kama ko at nahiga doon.

Halos hindi ako makatulog. She likes me? Ah? Para akong pinakain ng sampung kahon ng Beng-beng. Daig ko pa ang limang beses nanalo sa Lotto. Inulit-ulit kong pakinggan ‘yong mga sinabi niya. Recoreded eh! Midnight na pero hindi pa rin ako makatulog. Hayy! Nako! Umiibig ba ako? Tae! Tinanong ko pa, eh 'di naman siguro ako magakaganito kung hindi.

“I l-l-like you”

“I l-l-like you”

“I l-l-like you”

“I l-l-like you”

“I l-l-like you”

Paulit-ulit ‘yang bumabalik sa isip ko at nakatulog na yata ako.

*******************************************************************************************************

NOTE: Pangit ba? Sapat na 'yan. Eh ibang klase takbo na utak ko eh, pang shunga lang. Pagtyagaan n'yo na lungs. Magpapaalala lang ako. Pwede pong magVOTE.COMMENT. 'yon lang! Mag-ingat!

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon