Ikadalwampu't dalawang Tagpo
Kanami's Point of View
"Boss! Tanghali na kaya! Gising na! Uuwi na tayo!" Ramdam kong inuuga-uga pa n'ya ako.
"Naman eh... abala ka naman eh! Sarap-sarap ng tulog ko!" Bulaslas ko habang ibinabaon ko ang mukha ko sa unan ko.
"Babangon ka ba ng kusa o babangon ka ng may pasa?" Medyo tumataas na ang boses ni Kerr.
"Ayan na nga po... babangon na, Boss!" Idinilat ko ang mga mata ko at dumiretso sa CR para salubungin ng Listerine ang bibig ko.
Ikinagulat ko ng may nakita akong note na nakadikit sa salamin sa loob ng CR.
"Guys, enjoy lang kayo d'yan. Salamat mga dre! Ang saya ko! Ingat! -Ceto"
"Ha? Ano naman 'to? Pwede naman n'yang sabihin eh bakit isinulat pa n'ya? Gago talaga eh, ano?" Bulong ko habang nagmumuni-muni sa sulat n'ya.
Lumabas ako sa CR pagkatapos kong laklakin ang listerine. "Hoy! Ceto! Shonga ka ta----"
Pinutol ni Reign ang sasabihin ko,"umalis na kaya si Ceto kaya nga nag-iwan s'ya ng note eh!"
Hindi ko alam kung anong klaseng force ang kumiliti sa 'kin. Kung bakit ko ba naman ichineck ang mga gamit namin at bigla na lang nawala ang mga ngiti sa 'king labi ng makita kong wala na ro'n ang mga gamit ni Ceto.
"Tsss. Anong isinisimangot mo d'yan? Maligo ko na nga para makauwi na tayo!" Sinermonan lang ako ni Thiel.
"Oo na nga.... kating-kati na rin naman akong umuwi."
"Tsss. Dahil ba k-kay ka-y k-Ceto?" Nanghihina ang boses n'ya.
Bakit ganito? Bakit hindi ako makasagot sa simpleng tanong n'ya. Nanigas nalang ako't napako sa kinatatayuan ko. Parang may dilubyo sa loob ng katawan ko.
"Ano pang itinatanga mo? Maligo ka na!" Muling nagsalita si Thiel,"kalimutan mo na 'yong tanong ko." Tinalukuran n'ya ko at umalis sa loob ng kwartong kinalalagyan namin. Kumuha na lang ako ng towalya at damit na susuotin ko para makaligo na ako.
Kerr's Point of View
"Ano? Naisakay n'yo na lahat ng gamit n'yo?" Iritado akong nagtanong.
"Oo! Eh nagmukha akong kargador sa pier dahil sa mga babaeng 'to eh", sumagot si Thiel.
"Si Kanami?"
"Naliligo pa", mabilis na sumagot si Yanyan.
"Running pagong talaga 'yon eh! Ang ta----", naputol ang pangungusap ko ng mamataan ko si Kanami. "Ayan na pala eh... sakay na kayo!"
Sumakay na sila sa kotse ko. Gano'n pa rin ang arrangement namin. Kawawa naman si Kanami, walang katabi. Ano naman kasing pumasok sa utak ni Ceto? Bakit kasi umuna pa s'ya ng pag-uwi?
Pinatakbo ko na ang kotse. At no'ng tumagal na ang biyahe ay nakita kong inaantok na si Boss. Naawa ako sa kanya. Ulit-ulit s'yang nauuntog sa bintana. Para dati lang... may sumasambot na balikat sa ulo n'ya-- si Drex. Pero bakit ngayon parang wala na? Siguro kaya nauuntog s'ya para magka-amnesia s'ya, para limutan na n'yang noo'y may balikat na sasambot sa ulo n'ya. Hindi ako manhid, alam kong may nararamdaman sa kanya si Ceto... pero bakit si Drex pa rin 'yong hinihintay n'ya? Ano bang meron sa lalakeng 'yon? Kung bakit kasi kailangan pa n'yang iwanan 'tong si Kanami na bumabagsak mula sa ere.
![](https://img.wattpad.com/cover/1434585-288-k964804.jpg)
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Novela JuvenilYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...