Ikasampung Tagpo
Kanami’s Point of View
Pinauwi ko na si Drex. Pakiramdam ko kasi hindi na naman makikisama sa akin ‘yong sarili ko, maiiyak na yata ako. Ang abnormal lang talaga ng pakiramdam ko. Bakit kasi kailangan pang itanong sa akin no'ng gwapong ‘yon kung sino si Kaizer na isa pa rin namang gwapo. Naku! Nakakaalibadbad talaga ang mga gwapo sa mundo! Ubusin ko na kaya sila?
“Pssssssh! Ano ba, Kanami? Akala ko ba nakamove on ka na? Bakit ang kulit mo, ha? Bakit tutulo na naman ‘yang luha mo?” Ayan na, kinakausap ko na ang sarili ko. Nababasa na rin ang gilid ng mga mata ko. “Hindi ba… sabi ko sa’yo, Kanami, hindi ka na iiyak? Tama na nga! Corny mo eh! Hindi bagay sa’yo!” Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang marahas kong pinupunasan ang mga luhang gumigilid sa mga mata ko.
“Siguro, gutom lang ito. Tama! Gutom lang ito. Ikakain ko na lang ito! Bababa na lang ako para kumain para matigil na itong paghahallucinate ko.” Pagkabigkas ko n'yan nakita ko na lang ang sarili kong bumaba ng hagdanan.
“Yaya Cedit, pasabi naman po kay Manang Istilita at Manang Fenin na ipagluto ako!”
“May pagkain na d'yan, Little Princess.”
Lumapit ako sa table para tingnan kung anong nakahain sa table.”Ya, ayaw ko nito. Sawa na ako sa Chicken Adobo. Ipagluto n'yo na lang po ako ng Kare-kare!”
“Arte mo naman! Naglilihi ka ba?” Aba! Tingnan mo si Yaya! Kani-kanina lang may pa Little princess pa s'yang nalalaman tapos ngayon umaangal pa. Oh sige! Yaya, ikaw na ang boss ako na ang chimay! Arte eh!
“'Yong mas OA pa do'n, Yaya! Ipagluto mo na lang kaya ako ng Kare-kare! Ang dami n'yo pa hong satsat d'yan eh!”
“Oh s'ya! Mag-intay ka lang d'yan, lalasunin kita!”
“Yaya naman eh!”
“Joke lang! Lulutuin na nga namin ang Kare-kare mo, mahal na reyna!” Aba! Mahal na reyna ka d'yan? Daming alam talaga nitong si Yaya.
Pumunta na si Yaya sa kitchen kasama ng iba ko pang mababait na chimay. Malamang lulutuin na nila ‘yong Kare-kare ko. Ano kaya? Pabubulain nga kaya ni Yaya ang bibig ko? Lalasunin ba talaga n'ya ako? Bakit naman niya gagawin ‘yon? Aba! Parang alam ko na. Karibal ko nga pala kay Papa Drex ‘yon. Wag naman sana n'ya akong chugiin. Subukan lang n'ya, dadalawin ko siya! Hindi, joke lungs! Mabait naman ‘yang si Yaya, hindi ba? HAHAHAHA! At dahil hindi ako nakakasiguradong walang lason ang Kare-kareng niluluto nila ay minabuti ko ng panuorin sila sa pagluluto.
Lumipas ang 38 years at sa wakas naluto na rin ang mahiwagang kare-kare.”Hmmmmm! Ang bango!” Pagkalapag na pagkalapag ni Yaya Istilita ng Kare-kare sa dining table ay inubos ko kaagad ang amoy nito. Naglagay ako ng madaming kanin at kare-kare sa plato ko at agad-agad ko naman itong nilantakan.”Uhmmmsh! Sharap!” Nagkakanda buhol-buhol na naman ang dila ko. Ang sarap kasi! Ayos ah! Nawawala ang pagiging emotional ko! HAHAHA! Kung gaano katagal niluto nina Yaya ‘yong pagkain ko, gano'n rin katagal ang paglamon ko. Pasensya naman! Ang sarap kasi! Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko kaagad ‘yong plato ko! Joke lungs! Ni hindi nga ako marunong humawak ng sponge eh! Ang totoo n'yan eh nagtoothbrush ako pagkatapos kung kumain. Sabi nga sa commercial ng colgate,"bago matulog brush, brush, brush".
“Makakatulog na rin ako! Hayyyyy!” Tapos nagdive akong parang palaka ako sa kama. Naku! Maghahanda na ako ng isasagot ko bukas. For sure, dadaigin pa nina Kerr ang police sa pagtatanong sa akin. Ang kulit kasi noong mga ‘yon. Parang ikakamatay nila pag hindi nalaman ang nangyari sa akin. Ang OA nila, ano? Pinikit ko na lang ang mga mata ko at isinuot ko ang isang kamay ko sa ilalim ng unan ko. “Haaaaaaaaay! Tomorrow is another day!” Ewan ko ba kung bakit ko nasabi ‘yan.
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Teen FictionYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...
