Ikalabing-anim na Tagpo

23 0 0
                                        

Ikalabing-anim na Tagpo

"Little princess...gising na!"

"Ya naman eh! Mamaya na! Hindi pa ako gutom. Mauna na kayo magdinner!" Patuloy lang akong umaangal habang pilit ko inilulubog sa unan ang mukha ko.

"Dinner ka d'yan! Hoy! Agahan na ito. Hindi ka namin nagising kagabi! Para ka kasing bear na naghybernate!"

Napabangon akong bigla noong marinig ko 'yan kay Yaya Cedit. Hindi nga nagsisinungaling ang Yaya ko kasi nga nakauniform pa rin ako. Hindi man lang ako nakapagpalit kahapon. Napakamot na lang ako sa ulo ko at dumiretso sa banyo para magmumog."Hay! Ubos na pala 'tong mouthwash ko." Lumapit ako sa cabinet ng banyo ko para icheck kung may stock pa ako. May anim na mouthwash na sumalubong sa mga mata ko. "Alin kaya rito 'yong ginamit ni Drex? 'tong blue kaya" Tae! Bigla ko na lang naalalang isa ro'n ay ginamit ni Drex noong nagsleepover kami. Putik ha? Si Drex na naman. Ang sakit lang kasi ilang oras na ang lumipas pero heto... ginagambala pa rin n'ya ang nanahimik kong utak.

Ang tagal kong tumunganga bago ko pa maisipang laklakin na 'yong mouthwash. Matapos naman 'yon ay dumiretso na agad ako sa dinning area para magpakababoy. "Ya, ano niluto mo?"

"Beaf stake... saglit lang ha. Ipaghahain lang kita."

Mabilis naman akong naipaghain ni Yaya. Heto, solo akong kakain. Kumain na daw kasi sila. Wow ha! Sarap ng foods ko rito. Gusto ko nga magpakababoy eh kaso hindi ko magawa. Halos isang cup lang siguro ng rice 'yong ipinasak ko sa tiyan ko. Mukha na akong lantang kangkong.

Nagsasalita nalang ako ng solo. Wala lang, I thought it'll lessen the pain pero nagmumukha lang yata akong may mental disorder. Tinutusok-tusok ko lang 'yong stake habang binabanggit  ang mga katagang," Hoy! Drex! Akala mo ba namimiss kita? Asa ka! Asa ka talaga! A-a-asa kang...hindi..." Patuloy ang paghina ng boses ko habang dumadating sa dulo ng linya ko. Tae! Bakit naman kasi ako ganito! OA ko na yata eh. Eh pano nga kasi kung gayahin niya si Kaizer... ang henyo kong ex na milagrong naglahong parang isang bula.

Nakakayamot na 'to. Natapos akong kumain pero walang Drex na nagparamdam sa 'kin. Ni text nga wala eh. Natapos na rin akong magtoothbrush pero wala pa rin ang mapagbirong si Drex. Natapos akong maligo na walang mataray na Drex. Grabe naman s'ya. Kahit isang text okay na sa akin eh...kahit wrongsent lang o walang-wala eh smartalert manlang. Tae! Globe nga pala kami. Kahit hi lang n'ya sa panaginip ko, sapat na eh pero wala eh... walang ganoon.

Nagtungo na lang ako sa harapan ng salamin ko. Wala, nagsusuklay lang ako sa harapan nito. Kahit naman wala si Drex gusto ko pa rin magmukhang tao. Anong malay natin baka bigla na lang siyang magteleport papunta rito at sasabihin n'yang joke lang pala 'tong pag-alis n'ya--na kesyo nagpapamiss lang s'ya. Assuming ako, 'di ba? Pero hindi naman ito nalalayo sa katotohanan, hindi ba?

*Beep beep*

Ayan biglang nagwala ang handphone ko. Dali-dali ko itong inabot mula sa side table ko. Binuksan ko kaagad ang mensahe na 'yon. Nagbabakasakali kasi akong si Drex 'yon eh kaso si...

From: Kerr

Boss? Bakit hindi ka pumasok? Sagot ko na clearance mo. Last day na kaya ng signing. You forgot? Hoy! Bukas na kaya 'yong graduation so it means vacation na tayo! Lul!

Asar lang! Alam mo 'yong feeling na nag-expect ka tapos 'yong baboy na kaibigan mo lang 'yong magtetext. Awww! Walang kwenta na 'tong cellphone na 'to. Tamang ipanggatong ko na lang ito. Tae! Sira na yata 'tong phone ko! Hindi na nakakareceive ng text mula doon sa taong 'yon. Hampas ko ito sa ulo ni Kerr eh baka maayos pa.

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon