Ika-dalawampung Tagpo
Kanami's Point of View
"Gutom na ako! Tara na sa Putahe ng Ina mo!" Tss. Kailan ka naman nabusog, Kerr? Hindi ko rin s'ya masisisi. Kahit naman ako eh gutom na, gabi na rin kasi. "Ano? Tatanga na lang kayo d'yan! Lakad na kasi!" Ipinagtulakan na kami ni Kerr palabas sa room namin. Napakaexcited naman yata nitong kumain do'n.
Pagkarating namin sa restaurant ay tumungo agad si Kerr sa Kitchen. Ah teka? Parang gets ko na! Si Chef ba ang ipinunta n'ya rito? Wow ha! Umiibig ba ang bestfriend ko?
Ilang minuto pa'y lumabas ma si Kerr mula sa kitchen. Mukhang hindi maipinta ni Da Vinci ang mukha n'ya. Anong meron? Hindi na kaya tumanggap ng special order si chef? Lul! Imposible namang may tumangging babae sa bestfriend ko.
"Kayo na lang pala ang kumain! Bigla akong nawalan ng gana!" It's not so him. Si Boss, ayaw kumain? What's happening? Nagpink na yata ang buwan.
Lumubas si Kerr sa restaurant bitbit ang wirdo n'yang awra. "Umorder na kayo! Pupunta lang ako sa kitchen!" Binasag ni Thiel ang katahimikang gumagambala sa 'min.
Umorder na kami. This time, shrimp dishes na ang inorder naming lahat. Si Thiel naman ay kasalukuyang na sa loob ng kitchen. Ano bang gagawin n'ya ro'n? Oorder ba s'ya ng pagkaing wala sa menu tulad ng ginawa ni Kerr?
Makaraan ang ilang minuto'y bumalik si Thiel at isinupalpal sa 'min ang isang nakakagulat na balita. "'Yong chef kanina, she's not working here anymore. Nasisante raw eh... kasi tumanggap s'ya ng order na.. na wala sa menu."
"Ah...kaya pala mukhang semana santa ang pagmumukha ni Kerr." Ceto mouthed.
Maya-maya pa'y biglang umulpot muli si Kerr sa loob ng restaurant. "Bilisan n'yo! Uuwi na tayo! Ang pangit mag two-day-vacation dito! Ang boring!" Sabi ni Kerr sa tonong seryoso.
"Boss, if you want to leave, then go! We'll stay here to indulge ourselves! Ibalato mo na 'yong dalawang araw... dalawang araw na magiging masaya a-a-ko!"
"O-oo nga, tol! Matitiis mo ba si Kanami? Kasi ako... hindi, hindi ko s'ya matitiis na nakikitang malungkot!" Naglakas loob ng magsalita si Ceto.
"We'll stay... kung aalis ka, Kerr... bukas ang pinto oh!" Nagtaray na naman si Thiel.
"Oo na nga! Hindi muna tayo uuwi! Joke lang 'yon!" Sinungaling! Bakit nagpipilit 'tong ngumiti? Mababanaag mo sa mukha n'yang nalulungkot s'ya. Tae! Nalove at first sight ba s'ya?
Agad-agad kaming pumunta sa room namin matapos kaming kumain. Magpapalit lang kami ng damit, kasi usapan naming ngayong gabi kami magdadampisaw sa pool. 'Yong mga lalake naman nauna na sa may pool.
"Reign, ano susuotin ba natin?" Ano naman 'tong sinasabi ni Yanyan?
"Oo! Wala na namang masyadong tao eh! Idamay na natin si Kanami!"
"Hoy mga isda! Anong kalokohan na naman 'yan... isasali n'yo pa ako!" Agad-agad naman akong sumagot sa pangungusap ni Reign.
"Ah eh... shenen!" Tae! May nilabas silang two piece. Anong gagawin ko rito? "Wear this, or else... we're gonna break your beautiful face!" Maldita ka, Reign. Mukhang mapipilitan pa ako.
"Literal?" Nagtanong ako.
"Sorry, dear, eh di kung ayaw mo... kawawa naman mukha mo!" Maawa ka, Reign.
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Teen FictionYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...
