Ikalabing-siyam na Tagpo

28 0 0
                                    

Ikalabing-siyam na Tagpo

Kanina ko pa tinitingnan si Ceto. Bakit parang ang saya-saya n'ya habang kinakaladkad ako? Tama kaya ang iniisip ko? Na.... tss! Ayoko ng isipin. Nakakagulo lang sa utak ko.

Tahimik lang kaming lahat habang naglalakad kami patungo sa sa restaurant na 'yon. Hindi naman pala 'to kalayuan mula sa hotel na tinutuluyan namin. No'ng makarating na kami ro'n. Natural, si Kerr ang unang dumampot ng menu. Ano pa nga ba? Kailangan ko pa bang ipagkalandakang patay gutom 'yon?

"Kung aabutan ka naman ng malas oh! Panay shrimps dito! Siomai! Aatakihin ako ng Ashtma ko!" Haha! Mukhang pinagbagsakan ng lupa si Boss. Haha!

Ikinagulat naming lahat nang tumayo si Boss at dumiretso sa kitchen ng restau. Anong balak no'n?

"Hi Miss! Pwede bang ipagluto mo ako ng Creamy Cajun chicken Pasta? 'Yong menu n'yo kasi... panay seafoods baka ikamatay ko eh." Wow ha? Nagpapacute si Kerr para makakain. Medyo malapit kami sa kitchen kaya naririnig ko 'yong sinasabi n'ya. Palusot ko! Basta chika, lumalakas pandinig ko. Haha!

"Sir, sorry po pero hindi ho pwede."At dahil sa narinig kong 'yan eh medyo lumapit ako sa kitcehn para makita ang susunod na eksena. 'Nak ng parents 'yan oh! Medyo tsismosa rin kas ako.

Lumapit si Kerr at hinawakan 'to sa balikat para iharap sa kanya ang chef. Tae! Hindi ko maaninag 'yong chef... Nakaside view kasi sila sa 'kin.Pero mukhang...ka-age lang namin s'ya. Baka nag-apply lang s'ya para sa summer job fair nitong restau na 'to.

"Sige na... papayag na 'yan!"

"S-sir, good for one lang po ba?" Sabi na eh, papayag na kapag nakita ang gwapong mukha ni Kerr. Ano pang aasahan ko rito sa bestfriend ko? Eh makalaglag-panga kaya mukha n'yan!

"Good for six", taray ng ngiti ng loko ah... parang may ibang pinapahiwatig ah!

Mukhang nagamit na naman ni Kerr 'yong charisma n'ya ah! Papalapit na 'to muli sa 'min kaya bumalik na ako sa upuan ko't nagkunwari akong wala akong nakita slash narinig. Aba teka! Bakit ang bungisngis ng loko?

"Hoy tol! Ang tigas ng mukha mo ah!" Pambungad na salita 'yan ni Ceto.

"Gwapo ako eh! Inggit ka lang, tol!"

Bigla namang natahimik ang lahat nang dumating ma ang pagkain namin. Grabe ha! Sa sobrang kati ng tenga kong makinig sa usapan nila'y hindi ko na namalayang nag-order na sila.

"Paano ako?"

"Kumain ka na, ako na umorder sa'yo... lobster, kasi alam kong mahilig ka ro'n." Pati ba naman 'yon alam mo pa, Ceto?

"Thanks", simpleng sagot lang ang lumabas sa bibig ko.

No'ng matatapos na kaming kumain, biglang dumating ang mahiwagang Creamy Cajun chicken Pasta. Grabe! Ang dami nito!

"Boss, good for six 'yan, 'di ba?

"Oo, good for my six stomach! Wag na kayong umasang may matitira pa sa inyo!"

"Mukha mo! Wala akong balak makihati sa 'yo. Wag kang umarte d'yan, Boss! Kapag ako nainis...isusubo ko sa'yo 'yong shrimp sa plato ni Ceto para mamatay ka!" Tumahimik na lang s'ya at inubos ang good for six na pasta n'ya. Walang patawad sa pagkain! Magsuka s'ya!

Siguro isang oras rin kaming nasa loob ng restaurant. Ninamnam kasi namin 'yong food. Ang sarap rise to the 19th power kasi! Pagkatapos no'n, pumunta na kami sa room namin. Ang taas kasi ng tirik ng araw. Mamayang gabi na lang kami magswimming.

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon