Ikaanim na Tagpo

101 4 0
                                    

Ikaanim na Tagpo

Kanami’s Point of View

“Hoy! Bakit mukha kang simanasanta d'yan? Parang nadismaya ka yata? Smile ka na nga d'yan! Hindi mo pa naman nakikita ‘yong gusto kong makita mo tapos nagreact  na kaagad ‘yong maganda mong mukha! Sige ka, papangit ka niyan!”

“So, ano ‘to? Parang sa isang story eh prologue pa lang? Sige nga! Ano ba kasi ‘yong dapat kong makita? Mukha naman kasing shonga-shonga ‘tong date na ‘to! Hello! Drex, ang daming magandang place sa Manilang perfect para sa tinatawag mong date. Bakit naman kasi sa school pa natin?” ‘Yan, Iyan ‘yong kanina ko pa gustong sabihin pero syempre pinigilan ko ang bunganga ko. Anong malay natin? Malay mo pagkpasok pa namin sa kaloob-looban ng campus ay bigla pa lang sasalubong sa mga mata ko ang isang magarang restaurant! Che! Kanami, magtigil ka nga sa paghahallucinate mo. ‘Yan na 'yan eh. D'yan lang talaga ‘yong date nyo!

“Okay! Hindi naman kaya ako nadismaya. Ang saya ko nga kasi… kasi ano.. a-ang unique ng place na napili mo! Grabe Drex! You never fail to make me smile!” Oo na, ang plastic ng bibig ko! Panay kasinungalingan na ang lumabas!

Maya-maya pa ay dinala na ako ni Drex sa fourth floor ng Main Building… Anong meron? Bigla na lang akong nalinawan ng biglang… may nagplay na kanta at… Gone so Young pa nga! Putik lungs! Naglakad-lakad pa kami ni Drex hanggang makarating kami sa may hagdanan ng fourth floor teka? It’s the place where he teased me. So ano ngayon ? Anong meron? Noong makalapit na kami sa may hagdanan…

"Wherever you go, I will be waiting

Whenever you call, I will be there

Whatever it takes, I'll make your darkest days so bright

I'm in your heart tonight"

Chorus 'yan noong kanta, 'yan 'yong sumalubong sa 'kin sa hagdanan.

“What the fuck, dude! What’s this, Drex?” My tears were about to run down my cheeks then but I hardly forced myself to hold it back.

Drex's Point of View

Dinala ko lang naman sa Kanami sa place kung saan ko siya biniro. Grabe tol, ang babaw pala ng luha niya! Nagpipigil pa s'yang wag patuluin ‘yong luha niya. Nagmura pa nga eh… well, so far, masaya naman ako kasi alam kong naappreciate niya ‘yong effort ko at halata naman ikinagulat niya ‘to.  Ang galing talaga ng kaibigan ko… wala akong masabi sa suggestion niya! Ang ipinagtataka ko lang eh kung bakit walang girlfriend ‘yong mokong na ‘yon despite the fact na ang galing ng mga diskarte n'ya.

Si Kanami parang yelo lang na hindi makagalaw. Hindi ko maexplain ‘yong nararamdaman n'ya! Gano'n ba talaga siya kasaya? Tol, ganyan ba ang babae? Ang babaw ng kasayahan? Akala ko pa naman ibang babae ‘tong si Kanami… akala ko pa nga dating lalake ‘yong babaeng ‘yon  sa sobrang kaibahan ng kinikilos n'ya!

Tahimik naman n'ya. Bakit bigalang gan'on? I’ll break the ice na nga! “Kanami I want to be your Superman in the near future!” ‘Yan na nga! Lumabas na rin ‘yan sa bibig ko! Alam kong corny at nakakahiya ang pinaggagagawa ko pero who the hell cares? Wala ng pakialaman… mahal ko na yata ‘tong babaeng ‘to eh! Hindi ko alam. Oo, pwedeng hindi ko pa siya gano'n kamahal pero… aba naman! Baka maunahan pa ko rito sa babaeng ito pagnagpakapagong pa ako!

Siguro ilang minuto rin akong naghintay na sumagot siya pero para yatang hindi siya makapaniwala sa narinig n'ya kasi hanggang ngayon ang tahimik pa rin niya. This isn’t Kanami! Ang tahimik talaga niya! Ano? Tatahimik na lang ba s'ya? Gano'n na lang ba ‘yon? Manghuhula na lang ako kung anong ibigsabihin no'n?

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon