Ikalimang Tagpo

59 3 0
                                        

Ikalimang Tagpo

Drex's Point of View

“Hoy! Babaeng timang sa Beng-beng! Date nga tayo… utos ‘yan ha! Bawal tanggihan!”

“Date ka d'yan? Iwwww. Ang kornicles mo naman!”

“Arte mo naman! Halata naman sa ‘yong head over heels ka sa ‘kin. Alam ko namang ikamamatay mong mawala ang gwapong ako!”

“Hindi kaya! Lakas mo rin, ano? Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo… mas makapal pa sa encyclopedia ‘yong pagmumuka mo!”

“Oh? Bakit namumula ka? Wag ka na kasing magpigil d'yan… ‘yan na oh free kiss na oh!” Mapang-asar ko pang ininguso ang gwapo kong labi,” lapit ka na sa lips ko!” Tapos lumapit ako para inisin siya… hanggang sa… parang nahuhumaling na siya sa kakatitig sa gwapo kong pagmumuka. Aba naman! May seducing powers pala ang lips ko at napapatitig siya sa ‘kin! A-ayan na.. malapit na mga ten millimeters na lang… didkit na!

“Tok! Tok! Tok!”

“Drex… tanghali na! Gumising ka na d'yan! Nakaserve na ‘yong lunch natin.” Tapos narinig kong bumaba na kaagad ‘yong nanay ko para bumalik siguro sa dining room namin.

“Engkkkkk! Ang putik talaga dito oh! Kung kailan naman na sa climax na tsaka ka naman gigisingin ng magaling mong ina. Grabe! Nawala ako sa momentum!”

Wala na akong nagawa.. napilitan na lang akong laklakin ‘yong mouthwash ko at ‘yon bumaba para kumain. Fuck dude!  Kahit ba sa panaginip… bawal? Lord naman ho, kahit sa panaginip lang… kahit isa lang ho. Sapat na ho ‘yon sa ‘kin.

“Oh? Young man, galawin mo naman ‘yang pagkain mo. Ano bang problema? Ayaw mo ba n'ong niluto ko?”Masarap sana ‘yong niluto ng nanay ko eh kaso lang halos humaba na ‘yong nguso ko sa sobrang panghihinayang… ‘yong mas OA pa doon? Parang panaginip lang eh kung makapanghinayang naman ako parang reality na.. So gay, men.

“Mom, I’m just thinking of-----”

“You’re GWA? It’s okay, anak because-----”, gantihan tayo Mom, hindi mo ako pinapatapos eh.

“Let’s talk about that later, kakain muna ako!” HAHAHA! Call me rude… wala eh pasaway din ‘tong nanay ko eh.Kumain ako ng kumain. Binuhos ko lahat ng panghihinayang ko sa pagkain. Oo na ako na ang matakaw. Noong matapos akong kumain syempre nagtoothbrush ako at...

“Drex, anak, pakihugasan naman ng mga plato kasi si Yaya pinagday off ko… birthday kasi ng daughter niya eh.” Anak ng! Kung aabutin ka ng naman ng swerte oh!

“Okay, Mom… may bayad ‘to ha!”

“Okay… Is 5,000 enough?”

“Urggg!” Napalunok ako… gumagalante ang kuripot kong ina ah. Dapat nga grounded ako kasi hindi ko nameet ‘yong expectations niya.

“Mom… kulang pa ‘yan eh… Pano na lang pagnadry ‘yong kamay ko?”

“Ahhh… sige ako na lang ‘yong maghuhugas nito!” Pagkasabi ni Mom noon.. kumaripas kaagad ako papunta sa kitchen at inagaw sa kanya ‘yong mga hugasang plato.

“Mom… 5,000 is enough para ipampaderma ko pagnadry ‘yong mga kamay ko!” Aba! Bumabawi… sayang din ‘yon. Pera na eh tatanggihan mo pa. Eh dalawa lang naman kaming kumain… Kaya na ng pawis ko ‘to!

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon