Ikawalong Tagpo
Drex's Point of View
Hayyy! Akala ko naman ang corny manuod ng sunset pero ang astig pala kasi ang ganda-ganda ng katabi ko este ‘yong paglubog pala ng araw. ‘To namang si Kanami mukhang bano. Mahahalata mong first time lang din n'yang makawitness ng sunset.
“Kanami!”Sigaw ko kahit ang lapit-lapit ko lang kay Kanami.“Hoy!”Aba’t hindi natinag si Kanami. Mukha pa rin s'yang shonga! Halos tumulo na ang laway n'ya sa sobrang pagkamangha niya.“Montiel!” Inuuga-uga ko pa siya. Ang tanga lang niya kasi hindi n'ya ako napapansin. Joke ba ‘to? O talagang mukha akong transparent dito. “FGF! Hello! Buhay ka pa ba? Hallogram ka lang ba?” Pag 'to hindi pa natinag… hahalikan ko na talaga s'ya!
“Ay isda! Oh? Bakit?”Tae lungs! Ano ba yan? Bigla na lang natinag? Ayaw akong pagbigyan nitong babaeng ‘to ah!
“Wala! Tingnan mo nga ‘yong laway mo… tumutulo na! Sobrang bano ka kasi d'yan eh!”
Nakita ko namang chineck niya ‘yong tagiliran ng bibig niya,”baliw ka! Wala naman ah! Wag ka nga d'yan!”
“Joke lungs! Ikaw kasi… ganito ‘yong mukha mo oh!” Tapos ngumanga ako at pinalaki ko ang mata mo! Siguro nga mukha na akong pangit. “HAHAHAHA! Ang pangit, ano?”
“HAHAHAHA! Sige tumawa ka pa d'yan! Hindi ka na nakakatuwa ha! Bakit ba inaabala mo ako?” Ang sungit naman ni Kanami. Meron ba siya?
“Wala naman! HAHAHA! Kukulitin lang naman kita! Bakit masama ba?”
“Oo! Masama talaga!” Ang taray naman! Sarap batukan nito ah! Shit lungs! Nakakaubos ng pasensya!
Maya-maya pa ay bigla na lang kaming nanahimik. Himala ba? Hindi na kasi s'ya sumagot eh. ‘Yong sunset na lang napapansin n'ya. Binuhos na nga n'ya ang buong atensyon n'ya do'n eh. Nasaan na ba sina Ceto? Napapanisan na ako ng laway sa sobrang tahimik ko. Hanggang sa bigla na lang mapapunta sa iba ang atensyon ko
“Honey? Alam mo ba kung anong malungkot sa sunset?” Haruuu! Anong kacornihan naman ang sinasabi no'ng matandang lalake na malapit sa 'min. Tol, ganyan ba talaga pag thunders na? HAHAHA! Hindi naman sumagot ‘yong asawa nito. Malamang, kasi ang corny talaga! “Ang masaklap kasi rito eh, paglubog ng araw at paglaganap ng dilim. Who knows kung liliwanag pa ba?” Yuck dre! Ang corny talaga! Ganoon ba talaga pag madly and deeply inlove? Iwwww. Ayaw kong dumating pa ako sa puntong ganyan. So gay, man!
“Hon, ang corny mo kaya!” Buti na lang sinabi na ng asawa niya na ang corny ng asawa niya! HAHAHA! Iwww.
“Hon, alam mo ba kung anong maganda sa sunset?” Tsong, ano na namang kahibangan ‘yan? HAHAHA!
“Ano? Pag corny na naman ‘yan… last mo na ‘yan ha!”
“’Bago matapos ‘yong araw ko may makikita akong magpapagaan sa loob ko… parang ikaw, Hon!” Tapos isinandal ni kuya ang ulo ni ate sa balikat n'ya. What a weird couple? Ang tanda-tanda na romoromansa pa! Ang arte naman nila! Ganoon ba dapat talaga?
“HAHAHAHA! Ang corny talaga nila. Kadiri! ”
“Oh? Anong itinatawa mo d'yan, Drex? May nakakatawa ba sa sunset?” Hindi ko naman sinagot ang tanong ni Kanami at ngumuso na lang ako para ituro kung anong tinatawanan ko. “HAHAHAHAHA! Nakakatawa nga sila! Uso pala ang corny? HAHAHAHAHA! Wag kang gagaya ha? Ang pangit kasi eh!” So, feeling ni Kanami magpapakacorny ako sa kanya? Asa pa naman siya.(?) HAHAHA! Magpapadasal na ako pag naging corny ako!
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Ficção AdolescenteYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...