Epilogue

53 1 0
                                    

Kanami's Point of View

"Heto na naman ang wirdong aura na nararamdaman ko. Papasok pa rin ba ako?" Bulong ko sa 'king sarili habang pinipilit kong ihakbang ang aking mga paa papasok sa Chapel.

"Lord, patambay ulit ha? Okay lang po ba?" 'Yan na lang ang naibulaslas ko nang makaupo ako sa bench ng chapel.

Siguro limang minuto akong nanatiling tahimik hanggang sa naglakas na ako ng loob magsalita. "Lord, bakit po ang daya N'yo? Bakit po kinuha N'yo sa 'kin si Kaizer tapos ngayon... ibinabalik N'yo." Tumigil ako saglit at dahan-dahan kong itinungo ang mukha ko. "Eh s-si Drex po? Extra lang po ba s'ya sa love story namin ni Kaizer? Nasaan na po ba s'ya?" Ipinikit ko ang mga mata ko. "Lord, sumagot naman po kayo... kailangan ko po ang sagot N'yo."

Nanatili akong nakapikit sa loob ng sampung minuto. Binuksan ko na lang ang mga mata ko nang... maramdaman kong aapaw na ang luha ko. Tumingala ako para pigilan ang pag-agos ng luha ko. "Lord, masakit po kasi. T'wing umaga na lang kunukurot ko ang sarili ko para ipagpilitang panaginip lang ang lahat ng ito... pero hindi po eh. Totoo ang lahat, ito na 'yon. Wala na si Drex... hindi n'ya ako sinipot at muli, sasambutin ako ni Kaizer."

Pinahid ko ang aking mga luha at hinayaan kong humupaw muna ito. "Parte po ba ito ng plano N'yo? Nalilito na ho kasi ako. Napapagod na rin po ako. Oo nga pala, wala akong karapatang magtanong sa Inyo kasi... lumalapit lang naman ako kapag nahihirapan na ako. Ni hindi ko manlang nagawang magpasalamat sa Inyo no'ng mga panahong masaya ako. No wonder kung bakit gan'to... hindi pabor sa 'kin ang mundo."

Hindi ko na lang namalayan na pinagdidikit ko na pala ang mga palad ko. "Lord, last na hirit ko na po ito... pagbigyan N'yo na po ako." Tumingin ako sa orasan ko. "Lord, maghihintay po ako rito ng isang oras... kapag po may taong dumating... kakalimutan ko na po si Drex. Hindi na po ako aasa. Bibitawan ko na po 'yong pangako n'yang babalik pa s'ya. Ititigil ko na rin po ang pagpapantasya kong... mahal n'ya ako tulad ng sinabi n'ya noon. Lord, time starts now... Isang oras po ha? Isang oras lang. At kapag... walang dumating, hihintayin ko pa rin s'ya kahit napakaunti ng tyansang babalik pa s'ya."

Habang naghihintay ako sa paggalaw ng mga kamay sa orasan ko ay hindi ko naiwasang kausapin ang sarili ko. Gumagaan kasi ang loob ko kapag... ginagawa ko 'to.

"Wala namang taong darating dito, hindi ba? Madalang kaya ang taong napasok dito... twenty-five minutes na ako rito oh... wala 'yan! Walang darating dito." Pinapalakas ko lang ang loob ko. Nainip ako hanggang sa dinala ko na lang ang sarili ko sa imahinasyon ko.

Nagpapantasya akong... bumalik s'ya no'ng araw na itinakda n'ya... na s'ya 'yong lalakeng tumabi sa akin at kinagatan ang Beng-beng na kinakain ko. Iniisip ko rin na masaya kami kasi sinagot ko na s'ya. Itinakbo pa nga n'ya ako palabas ng campus. Inabot pa kami ng malakas na ulan pero hinawakan lang n'ya ng mahigpit ang aking kamay at sinabing, "Kanami, run away with me!" Ang layo ng tinakbo namin hanggang sa... sumikat ang araw, ang napakagandang araw. "Kanami, that sun symbolized hope... you're my only hope Kanami." Ibinulong n'ya 'yan sa akin  habang pinapanood naming liwanagan ng araw ang sanlibutan. "Our love for each other will only fade if... if only the crow turned pink." Pero biglang... dumilim at hindi na muling sumikat ang araw. At... at unti-unting s'yang naglalaho sa harapan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko... habang ipinipilit ko sa sarili kong hindi 'to totoo, na pagmulat ko... sisikat ulit ang araw at maaaninag ko ulit s'ya sa harapan ko. Pero, pagmulat ko... tanging namumutlang buwan lang ang sumalubong sa nangingiyak-ngiyak kong mga mata.

"Dyahe! Ano bang imahinasyon 'to? Magpapantasya na nga lang ako... hindi ko pa ginandahan!" Bigla kong naalala ang hiningi kong isang oras na palugit.

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon