Ikadalwampu't limang Tagpo

35 0 0
                                        

Ikadalwampu't Limang Tagpo

Ceto's Point of View

"Kanami, alam kong bukas na 'yong araw na hinihintay mo." Marahan akong pumikit,"masakit para sa 'kin 'yon... pero ayaw kong makita mong hindi ako masaya para sa inyo  kaya heto, hindi ako masyadong nagpapakita sa 'yo." Umupo ako sa kama ko at nagsimula muling mangusap. "Nakakainis ka naman eh! Bakit kasi magboboyfriend ka na ulit?" Hindi ko napigilan ang inis ko... naibato ko pa 'yong vase na malapit sa kama ko. "Kung hindi lang kita mahal... pinakidnap na kita! Hindi mo ba nakikita sa kinikilos ko? Manhid ka! Tanga ka talaga Supergirl!" Humiga na lang ako, pilit kong iniiwasang lumaglag ang mga luha ko. "Sana naman... bantayan ka ni Drex! Tanga ka pa naman... baka ikamatay mo pa 'yon!" Itinakip ko ang kanang braso ko sa mga mata ko at nagsimula ng mabasag ang boses ko. "E-Eh d-dap-pat nga a-k-ko ang pa-r-ra sa'yo eh! Bagay k-kasi tayo! Pareho t-t-ayong tanga! Eh k-kung ta-y-yo na lang k-k-kaya? Tae! Ba-b-bakit ba a-ako naiyak? Pweee! Ang b-bading ko!"Hindi ko alam kung paano ako natigil sa pag-iyak basta 'yan lang ang nakalkal ko sa utak ko at pagkatapos no'n nilunod na ako ng mga luha ko ma nagsanhi ng pagtulog ko.

Kanami's Point of View

"Nasan na ba 'yong wrist watch ko? Dito ko lang nilagay 'yon eh... tinanggal ko 'yon no'ng... aha! No'ng tumambay dito si Boss." Kanina pa ako paikot-ikot sa kwarto ko para lang hanapin 'yong wrist watch ko.

"Kanami? Ano? Nahanap mo na ba?"

"Manang Antonia, hindi pa po eh. Wait lang po! Pasabi na lang po kay Yaya Cedit na pahanda po ng bag ko... tsaka po pakilagay na rin po no'ng Beng-beng na natira sa cabinet sa loob ng bag ko."

"Saan ko ba kasi 'yon nilagay?" Buwisit eh! 'Yon na lang ang kulang sa suot ko eh. Bagay na bagay kasi 'yon sa suot ko ngayon.

"Ayon!" Napasigaw ako no'ng makita ko 'yon sa side table ko.

Agad-agad ko itong isinuot para maihatid na ako ni Manang Antonia. "Manang pakibilis po!" Tumingin ako sa wrist watch ko, "3:00 na po kasi! Kailangan ko hong makarating sa school before 3:30pm!"

"Sige Kan-kan! Eh bakit ngayon ka lang papasok? Bakit lumiban ka sa klase mo kaninang umaga?"

"Manang, namahinga po kasi ako! Please po, paandarin n'yo na!"

"Tok tok tok!" Kumatok si Yaya Cedit sa bintana ng kotseng sinasakyan ko.

Binuksan ko ang bintana. "Hayyy! Muntik ko ng makalimutan! Salamat Ya! Uhmmm... Nailagay n'yo po 'yong Beng-beng sa loob?"

"Oo naman! 'Yon pa? Hindi ko malilimutan 'yon!"

"Thankyou ulit Yaya!" Tumingin ako kay Manang Antonia,"Manang, paandarin n'yo na!" Agad namang pinaharurot ni Manang ang kotse.

*****

3:23pm na sa wrist watch ko eh nasa loob pa lang ako ng elevator. Kinakabahan nga ako eh, hindi ko maiwasang maging pesimista.

Nang bumukas ang elevator ay agad akong tumungo sa hagdanan sa fourth floor. Nakatayo lang ako ro'n. Ilang minuto na lang naman eh! Dadating na s'ya. Habang wala pa s'ya... prinapractice ko 'yong ginagawa ko kagabi sa harap ng salamin... 'yong pagsagot ko kay Drex.

Nagform ako ng dalawang bilog sa mga kamay ko at ngumiti ng napakalapad. Paulit-ulit ko 'tong ginagawa hanggang sa makita ko sa relo kong... sampung segundo na lang ang hinihintay ko.

TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon