Ikadalwampu't tatlong Tagpo
Drex's Pont of View
''Anak, Are you enjoying your stay here?"
"Tsss.. Y-yes Dad... I really enjoy my stay here in your place" Sagot ko bago pa ako iwanan ni Dad sa loob ng kwarto ko.
It's been almost three months since I settled here. Ibigsabihin pala nito'y halos tatlong buwan na rin akong hindi consistent na nagpaparamdam sa FGF ko-- sa text o sa kung ano mang form ng communication. Naduduwag kasi ako sa magiging sagot n'ya. Baka kasi may iba na s'yang future boyfriend. One time kasi sinubukan ko s'yang tawagan pero... ibinaba ko kaagad kasi narinig ko mula sa telepono na,"Mamaya na 'yan Yaya! Mamahinga pa ako!" Ni hindi ko manlang nasabing ako ang tumawag.
"Paano na lang kung wala na s'yang nararamdaman para sa akin?Tssss.." Nagpakawala lang ako ng malalalim paghinga. "Magleave kaya ako ng message sa Skype n'ya?" Wala namang masama kung... kung haharapin ko ang magiging sagot n'ya.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko't kinuha ko ang laptop ko na nakapatong sa side table ko para hinanapin si Kanami sa mundo ng Skype. Madali ko namang nahanap ito kasi alam ko naman ang Skype Name n'ya. Stalker nga n'ya ako, 'di ba? Hindi na ako nagpatagal pa at nagmessage na ako kaagad sa kanya.
To: Kanami Dinaro Montiel
Hi there FGF! Bawal mo akong mamiss ha? Babalik naman ako eh! Ipapaalala ko lang sa'yo kasi next week na 'to. June 23, 2012 ha sa third step ng hagdanan sa 4th floor ng building natin! I'll be there at exactly 3:30pm. Be there, FGF... or else patay ka sa'kin! I love you Moron Girl!
Napapangiti na lang ako habang isenesend ko sa kanya 'yon. Parang may mga paru-paro sa tiyan ko kapag iniisip kong isang linggo na lang... girlfriend ko na si Kanami.
Inayos na ng Dad ang mga papers ko para makauwi sa Pilipinas. Saktong June 23, 2012 ang dating ko sa ro'n . Mabuti na lang umubra ang palusot ko kay Mom. Ang sabi ko kasi uuwi lang ako sa Pinas para ayusin lahat ng papeles na kailangan ko sa pagtratransfer sa University of Toronto. Pero ang totoo n'yan, gusto ko lang umuwi para makasama si Kanami, para makapag-explain ako sa kanya at para maging girlfriend ko na s'ya.
Ibinalik ko sa side table ang laptop ko. "Hayyyyyy! Naku! Bakit kasi nainlove pa ako sa 'yo? Ang boyish mo kaya! Ang baboy mo pa sa Beng-beng! Ang tanga-tanga mo pa." Tumigil ako saglit at ngumiti. "Matalino ka nga pero late comer ka palagi! Palpak na skater ka pa." Inilapat ko ang likod ko sa kama at itinuloy ang pangungusap ko." Ang takaw mo pa sa pranks at... at sinusuntok mo pa ang pader kapag galit ka. Pero bakit mahal kita? Bakit mahal na mahal kita?" Pahina ng pahina ang boses ko hanggang makarating ako sa dulo ng linya ko. "Ahhhhhhhhh! Pwede ba? Wag ka munang sumagi sa utak ko, matutulog na ako!" Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa noo ko habang pinagmamasdan ang kisame. "Kanami, hintayin mo ako ha? Patay ka sakin kapag hindi!"
Kanami's Point of View
"Ayan! 1 week na lang!" Sigaw ko pagkatapos kong markahan ang napakalaking kalendaryo na nakasabit sa kitchen ng bahay namin.
"Para sa'n 'yan, Little princess?"
"Yaya Cedit, binibilang ko lang kung ilang araw na lang... tapos babalik na si Drex!"
"Ah... naasa ka pa rin pala. Juice ko! Hindi na babalik 'yon."
"Tss. Whatever!" Nainis ako kay Yaya kaya pinili ko nalang bumalik sa kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/1434585-288-k964804.jpg)
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Teen FictionYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...