Ikadalwampu't isang Tagpo
Kanami's Pont of View
"Ah... Pero, I just want to tell you that... that ... you look wonderful tonight!" Tiningnan ko s'ya at ikinagulat kong kinulong n'ya ko sa kan'yang mga braso.
"Just let me be let me be the one to hug you... I badly need it." Mahina s'yang bumulong sa 'kin.
Ang boses n'ya, 'yon lang ang naririnig ko. Nagmistulang musika 'to sa 'king mga tenga. Pero hindi, hindi 'to pwede. Dahil alam kong... may mahal na ako... si Drex! At alam kong masasaktan ko s'ya kung ipagpapatuloy ko pang magpadala sa lalakeng na sa harapan ko.
"A-ano kasi... si Kerr hinihintay na tayo!" Sinabi ko 'yan para makawala ako mula sa pagsakop n'ya sa nararamdaman ko.
Binitawan n'ya ako. "Ahh.. S-sorry... nadala l-lang a-ako." Nababasag ang boses n'ya. Ano 'yon? Bakit may nangingintab sa gilid ng mga mata n'ya?
"Hoy! Ano ba? Lalakad ba kayo o d'yan na lang kayo?" Humarap sa 'min si Kerr na medyo malayo na sa 'min para sigawan kami.
"Ito na nga po, mahal na hari! Lalakad na nga po!" Pabalang akong sumagot. Kinaladkad ko na si Ceto na kasalukuyang napako sa kinatatayuan n'ya. "Tara na!" 'Yan na lang ang nasabi ko.
"Buuuuugsh!" 'Yan ang inabutan ko pagkadating namin sa pool. Itinulak lang naman ni Thiel si Yanyan sa pool at sa 9 feet pa! Wag kayong mag-alala! Isda 'yon... marunong 'yon maglangoy! Ako lang naman ang hindi marunong lumangoy dito! Unlike them, hindi kasi ako nagtake ng swimming classes no'n!
"Waaaaa! Ang lamig! Ang sama mo Thiel!" Halos basagin ni Yanyan ang eardrums namin!
"Ito sa 'yo, Lolo!" Itinulak naman ni Kerr si Thiel. Ang saya-saya nila!
"Gago ka Kerr!" Sino pa ba 'yan? Eh di si Thiel.
Akmang itutulak na ni Reign si Kerr pero nahigit s'ya ni Kerr kaya ang nangyari'y pareho silang nalaglag.
"Bakit mo ako isinama? Dapat ikaw lang eh!" Sabi 'yan ni Reign habang binabasa si Kerr sa pool.
"Eh shonga ka pala eh! Bakit mo ako itinulak?" At sa sobrang gulo nila eh inilublob pa ni Kerr si Reign sa pool.
"Kanami?" Tinawag ako ni Ceto.
"A-n----- Ahhhhhhh!" Syete! Binuhat ako ni Ceto at tumalon s'ya sa pool. "Gago! Hindi ako marunong lumangoy!"
"Alam ko! Kaya nga kasama mo ako 'di ba?" Sabi n'ya habang yakap-yakap ako para hindi ako malunod. "Kanami? Lulubog tayo ha? Para hindi nila makitang... iiyak ako! Mabilis lang 'to. Hindi ko na kaya eh!" Matapos 'yon ay lumubog na nga kami. Bakit nasasaktan ako sa t'wing pinapakita n'yang nasasaktan s'ya sa akin? Ano bang meron? Bakit s'ya gan'to?
Agad din naman kaming umangat. Ang galing nga, hindi mo mahahalatang may luhang kumawala sa mga mata n'ya. "Kanami, hayaan mo lang akong yakapin ka... mahalin ka habang wala pa 'yong nagmamay-ari sa 'yo. Hayaan mong hiramin muna kita... mula sa kaibigan ko. Hayaan mo lang sabihin kong mahal na mahal kita habang wala pa s'ya... kasi ayaw kong maramdaman mong walang nagmamahal sa 'yo. Wag mo kasing isipin na walang nagmamahal sa 'yo! Naiinsulto ako! shunga-shunghan ka na naman eh!" Hindi ko masyadong narinig ang sinabi n'ya. Wala akong narinig dahilsa tubig na pumasok sa 'king mga tenga. Pero kahit gano'n, dama ko ang nadadama n'ya. Nasasaktan din s'ya.
"Pwede bang... lumubog ulit tayo? Sa pagkakataong 'to... ako naman ang iiyak...masakit kasi... masakit na naiwan na naman ako! Chicken! History repeats itself! Ang daya ng mundo... ako na naman ang naiwan."
Nang marinig n'ya 'yon ay agad s'ya sumagot. "As you wish... then, cry with me in this lonely Earth!"
Hindi ko alam kung gaano karami ng luha ang pinakawalan namin ni Ceto. Ang alam ko lang, mahigpit ang yakap n'ya sa 'kin habang nasa ilalim kami ng tubig.
Umangat na kami ng maramdaman kong kailangan ko na ng hangin. Masaya na ako, dahil nakaiyak ako na walang nakakita na nasasaktan ako.
"Gumagabi na! Tara na! Matulog na tayo!" Biglang natigil ang kulitan ng lahat nang marinig namin ang hirit ni Thiel.
Umahon na kami at kinuha ang aming mga gamit. Sa washroom ng resort na lang kami nagshower kasi kung dadayo pa kami sa room namin baka abutin kami ng pasko bago kami makatulog.
Nang matapos kaming maligo at makapagbihis ay dumiretso na kami sa aming kwarto. Kaming mga babae, heto, nagtutuyo na buhok gamit ang blower ni Reign. 'Yong mga lalake naman ay pinagdidikit 'yong dalawang kama. Ayaw talaga nilang maghihiwa-hiwalay kami tulad ng nakagawian namin mula't mula pa.
"Boss? Higa na lang kayo pagkatapos n'yo d'yan! Patayin n'yo na lang ang ilaw. Buhayin n'yo na lang eh 'yong ilaw ng lampshade!"
"Kdot." Sumagot ako.
Ilang minuto rin ang lumipas at heto pinatay ko na ang ilaw, binuhay ang lampshade at humiga na sa pagitan ni Yanyan at Kerr. Malaki naman 'yong dalawang kama eh. Sapat para sa anim. Ganito ang arrangement namin, si Reign, si Yanyan, ako, si Kerr, si Ceto at si Thiel.
Ang naaalala ko lang ay nag-iimagine akong kasama namin si Drex sa bakasyong ito at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Drex's Point of View
Madaling araw na at sigurado akong tulog na sila. Hindi ko alan kung ano 'tong gagawin ko pero bahala na! Gusto ko lang s'yang maging sa 'kin kahit ngayon na lang. Magiging madamot muna ako... at pagdating ng umaga... martir na ulit ako. Pucha! Ang corny ko!
Bumangon ako at maingat na inusog si Kerr sa puwesto ko para maangkin ko ang puwesto n'ya, ang puwestong katabi ni Kanami. At nang magtagumpay ako rito... nahiga na ako at nagsimulang magsalita.
"Kanami, naririnig mo ba ako?" Ngumisi ako."Malamang hindi, ang sarap ng tulog mo eh!" Tumigil ako saglit."Alam mo ngayon, nakatingin lang ako sa kisame." Hindi ko namalayang nababasa na ng luha ang mukha ko. "Ayaw kong tumingin sa 'yo... kasi ayaw kong paniwalain ang sarili kong totoo 'to... na katabi kita ngayong gabi... dahil alam kong masasaktan lang ako kapag naniwala akong maangkin kita." Pinahid ko ang mapapait na luha sa 'king mga mata. "Mahal mo s'ya, 'di ba? Hayaan mo... sasabihin ko sa kanyang alagaan ka. Pero, kukunin kita ha kapag hindi s'ya bumalik... kapag sinaktan ka n'ya! Tandaan mo 'yan ha?" Gumalaw s'ya... ang kulit n'ya... at napayakap s'ya sa 'kin.
"Mahal kita... bumalik ka na!" Nagsalita s'ya habang nakayakap s'ya sa akin. Natuwa ako, kahit na alam kong... para sa kaibigan ko ang mga salitang 'yon.
Humarap ako sa kanya at niyakap s'ya. "Mas mahal kita!" At ang huli kong ginawa ay... inangkin ko ang labi n'ya. Wala akong pagsisisihan dahil ginawa ko 'to. Basta ang alam ko, naging madamot muna ako ngayong gabing 'to. "Wag kang mag-alala, Kanami. Pagdating ng umaga... hindi mo ako makikita sa tabi mo. Hindi mo malalaman ang ginawa ko. Matulog ka ng mahimbing, Kanami. Aalis na ako."
**********************************************************************************************************************
NOTE: Sorry naman daw kung corny tsaka kung awwww... may part na martir 'yong ibang character. Kapatid, VOTE.COMMENT.kung nagustuhan mo.
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Teen FictionYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...
