Ikasiyam na Tagpo
Kanami’s Point of View
“Little princess, gising na! 8:20am na eh… bumangon ka na d'yan!”Naramdaman ko namang matiyagang inuuga ako ni Yaya Cedit. “Bumangon ka na! May pasok ka pa, hindi ba?” Mas nilaksan pa ni Yaya Cedi tang pag-uga niya sa akin at nilaksan pa n'ya ng kauntian ang boses niya.
Hindi ko na matiis ang boses ni Yaya Cedit. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa mukha ko at saka ko pa lang naisipang kausapin si Yaya Cedit. “Ya, A-a-chu-nong oras na?”
“8:20am na kaya! Teka? Bata ka? Mukhang may sakit ka yata ah, tignan mo ‘yang ilong mo mukhang nabubulok na kamatis!” Nilapitan ako ni Yaya at mabilis akong sinuri. Dumapo lang ang kamay n'ya sa leeg at noo ko at nagconclude agad-agad ang Yaya ko. “Nilalagnat kang bata ka ah! Kumain ka muna sa babae at papainumin kita ng gamot. Lumiban ka na sa klase mo. Ipahinga mo muna ‘yan.”
“Nah ah! Ayaw kong umab-chuuu umabsent, Yaya!”
“Hindi pwede ‘yang gusto mo, Little princess! Nilalagnat ka kaya! Ano bang ginawa mo kagabi?”
“Ano… nag-chuuuu kami tapos hachuuuuu! At ‘yon ha-ha-hachuuuuu kaya heto h-hachuuu!---”
“Panay hachuuu ka d'yan! Oh heto ballpen at pencil! Isulat mo d'yan ‘yong sinasabi mo!” Inabutan ako ni Yaya ng ballpen at papel na kinuha niya sa sidetable ko.
“Ha-hachuuuu! Yaya, huwag chuuuu tanga! Hin-chuuu-di magsulat sa chuuuu pencil!”
“Ahhh.. Oo nga, ano! Teka lang ha? Bawal magsorry? Kukuha lang ako ng papel na pwede mong sulatan!” Lumapit si Yaya sa side table ko para kumuha ng papel. “Oh, hayan na ang papel! Sulat mo d'yan ‘yong mga pinagsasabi mo! Hindi ‘yong nag e-Alienesse ka d'yan!”
Kinuha ko naman ‘yong inabot sa akin ni Yaya at sinulat ko na rito ‘yong nais kong sabihin dahil mismong bibig ko na ‘yong umaayaw. “Nilamig ho kasi ako kagabi at nahamugan pa po ako. At kung tatanungin niyo naman ho kung bakit ho ako nilalaganat ay hindi ko rin ho alam ang sagot d'yan dahil hindi naman ho ako doctor! O kaya naman ho Lovenat lang po ito. Oo yaya! Mainggit ka kasi wala ka ng pag-asa kay Drex!” Tapos hinarap ko na kay Yaya ‘yong isinulat ko.
Matahimik naman ‘tong binasa ni Yaya. Naku! Ang mukha ni Yaya, mukhang kinuyumos na bandiritas. Muhahahhaha! “Lokaret! Lovenat ka d'yan? Huwag kang paarte-arte d'yan! Sumbong kita kay Sir eh, sa Daddy mo!” Aba! Talagang parang hulog na hulog si Yaya kay Drex ah! Naghihimutok pa siya! Aba naman? First love ba niya?
Muli akong nagsulat sa papel. Sulat, sulat at sulat ulit. “Sige! Magsumbong ka ho! Papasalvage kita sa alien na sinasapian ng repolyo! Gusto mo ho ba ‘yon? HAHAHAHA! Mamatay ka sa inggit, Yaya! Ako ang unang nagustuhan ehhh. Sa sususnod ka na lang ha?” Pagbibiro ko kay Yaya habang pangiti-ngiti akong tinataas ang hawak kong papel.
“Hindi ka na nakakatuwa, Kanami ha!”
“Blaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaagg!” Ya? Hindi ka naman galit sa pinto? Lumayas na si Yaya Cedit. Mukhang nainis ko talaga siya. Aba! Ang lola ay nagfarewell walk! Kahit naman kasi 53 na ‘yon may puso pa rin ‘yon na handang tumibok kay Drex, hindi joke lungs!
Mga ilang minuto pa ang nasayang ng biglang….
“Toktoktok!” Aba! Tingnan mo si Yaya Cedit. Aalis-alis tapos biglang babalik.
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Ficção AdolescenteYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...