Ikalabing-limang Tagpo
Ceto's Point of View
Paano ko ba papasayahin 'tong babaeng ito? Nakakainis naman! Wala akong matanaw na magandang ngiti. Wag kang uuwi rito Drex kung ayaw mong magmistulang ube! Gago ka! Bakit mo nilayasan 'tong babaeng ito! Fuck you ka sa ilong!
Isip pa rin ako ng isip ng pwedeng gawin para mapasaya s'ya pero wala talaga akong maisip kaya kinuha ko nalang ang phone ko at pinabasa ko sa kanya 'yong essay na matagal ng nakaimbak sa telepono ko. Tanga ba ako? Eh parang papaiyakin ko lang s'ya eh! Ayos na siguro 'yon para may reason na siya para iiyak na 'yong sakit na nararamdaman n'ya.
Noong makita kong umiiyak na siya parang uti-uting winawasak 'yong mundo ko. Hindi ko kayang makitang umiiyak ang babaeng minamahal ko. Ito na rin ang nagtulak sa akin para umiisip ng prank... baka sakaling mapatawa ko pa s'ya.Ang tagal ko ng nag-iisip pero wala akong maisip. Ang tanga lang ng utak ko ngayon.
Eh kung i-bully ko kaya 'yong pangit na panot na Prof., si tanda, ano kaya? Tae! Wag 'to, baka makick out pa ako! Mawalan pa ng gwapo sa eskwelahang 'to. Eh kung... gago! Wala na talaga akong maisip. Makapagtanong na nga sa Master of Pranks, kay Sir Kerr.
Humarap ako kay Kerr na ngayo'y naglalaro ng Tetris sa telepono n'ya. "Sir Kerr", tapos ginalangan ko pa ang pagtawag sa kanya.
"Mamaya! Naglalaro pa ako eh... kung aalukin mo kong kumain, dehins pa ako gutom."
"Naman eh! Kerr kasi!"
"Mamaya na nga sabi!" Naiiritang sumagot itong si Kerr.
Hindi na ako nakapagpigil at kinuha ko na 'yong telepono n'ya at pinatalo ko lang naman ito. Haha! Game over sir!
"Ceto? Ano sa tingin mo 'yong ginawa mo?" Inis na nagtanong 'tong si Kerr.
"Mas importante 'yong gagawin natin!" Pangiti-ngiti pa akong sumagot.
"Ano ba 'yon?"Ngumuso lang ako sa direksyon ni Kanami para ipahiwatig na s'ya ang misyon namin ngayon.
"Pak!" Tang na! Sinapok ako ni Kerr. " Gago! Hindi kita hahalikan! Mukha mo eh 'yong mga babae ngang naghahabol sa akin pinadidirihan kong halikan... tarantado ka! Ikaw pa kaya eh hindi tayo talo!"
"Pak!" Sinapak ko rin si Kerr ang waso mag-isip eh. Pinatunayan niyang utak kuhol s'yang mag-isip." Gago! Hindi ako bakla, tol! Tingnan mo na lang si Kanami."
"Oo, alam kong maganda. Gago ka! Wala akong balak ligawan 'yan. Boss ko 'yan!"
"Isa pa Kerr! Tatamaan ka na talaga sa akin!"
"Sorry nama tol, ano bang meron kay Boss?"
"Tingnan mo, ang lungkot! Alam mo ba nangyari?"
"Alam kong malungkot! Paiyak nga eh!" Gunggung! Anong paiyak? Eh katatapos nga lang umiyak! Bopols talaga eh, ano? "Tol, ano nangyari?"
"Tol, basta kapag hindi pagkain usapan eh wala kang alam eh, ano?"
"Naman ito! Ano ngang nangyari? Magsasalita ka ba ng kusa o gagawin muna kitang sinangag na pusa?"
"Magsasalita na nga, tol. Ito na nga! Si Drex kasi umalis na. Hindi daw nagsabi ng palusot eh. Hindi nga daw sigurado kung babalik pa 'yong asong 'yon. Asungot!"
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Fiksi RemajaYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...