Ikapitong Tagpo
Monday na! Maaga akong gumising kasi ayaw kong pag-intayin si Drex at baka kalugdan pa ako ng tubig! HAHAHA! Remember, mga ‘te? Sabay kaming papasok sa school. Susunduin nga daw niya ako at ‘yon nga ang nagyari. Dinaanan niya ako… though, we’re not classmates pero tulad kaming 9am ang start ng klase.
“Buti pumayag kang sumabay sa ‘kin?” Pagbasag ni Drex sa katahimikan noong nasa loob pa ako ng kotse niya.
“Syempre… sayang naman gasolina! Shunga ka? Tumaas na naman kaya ang presyo ng gas!” Kunwari pa ay sumabay lang ako para makatipid. HAHAHA!
“Ah talaga?That's all?”
“Ah, oo naman!” Last ko na 'yan. HAHAHA! Sige, sulitin mo pa ang pagsisinungaling!
“Bumaba ka na nga!” Seryosong sabi ni Drex at akamang ititigil na ‘yong kotse para pagbuksan ako ng pinto.
“Joke lang pala ‘yon!” Nagbago na pala ang isip ko.
“Lul! Talaga?” Mapang-asar siyang sumagot.
“Oo nga… joke lang talaga ‘yon! Promise! Kahit ipabundol mo pa ako sa 100 wheeler truck!”
“HAHAHA! Ang defensive mo! Naghihirap ka na siguro kaya pati gas tinitipid mo!”
“Hindi kaya! Joke nga lang kasi! Sungit ka!” Pagkatapos kong bitawan ang mga salitang ‘yan nanahimik na lang kaming dalawa hanggang sa nagising na lang ako sa katotohan noong nagtigil na ang kotse. Malamang, na sa school na kami.
Noong naglalakad kami sa corridor nakasalubong namin si Yanyan, ang bungisngis nga n'ya eh at katabi nya sa paglalakad si Thiel at sa kaliwa naman n'ya ay si Reign. Si Kerr naman na sa likod nila at may kasama? S-s-s-si…
“Si Ceto nga pala. Kilala mo naman s'ya, 'di ba?” Ano ba ‘yan? Ang seryoso ng mukha ni Kerr, mukhang mangangain.
“Ah ehhh.. Kerr? Ano kasi a-----” Hindi niya ako pinatapos at bigla na lang siyang umepal.
“Oo, alam ko. Kilala mo siya kasi siya ‘yong champion do'n sa Amateur Skateboarding Contest. Ikaw naman.. mukha kang loka-loka d'yan! Para kang nakakita ng multo! Bakit? Gwapo ba? AHAHAHA! Maton ka nga pala!” Nakahinga na ako ng malalim.. Hay akala ko alam na ni Kerr na----
“He transferred here na… at classmate na natin s'ya! Kabitbahay ko pa nga ‘yong upuan n'ya!” He smiled as he utter that freaking news.
“Ha? Eh… May GWA na tayo ah? Tapos na halos ang school year ah? Paano pa siya nakatransfer? Tsaka…”
“Ewan ko! Tanong ka ng tanong d'yan eh! Hindi ko rin alam kay Ceto… pero sabi kasi nya may GWA na rin daw siya e… parang bisita lang sya sa school natin, para naman daw masanay na s'ya rito ‘yon naman ‘yong narinig ko kay Prof. Jino!” Lakas talaga ng kapit ni bakla sa school namin… gwapo kasi ‘tong si Ceto eh kaya naman siguro pinagpilitan ni Prof. na maging bisita dito ang isang ‘to.
“Ah… ehem! I’m Ceto”, he reached my hand as if namang hindi ko siya kilala pero kilalang-kilala ko siya. Oo, nagshakehanads kami. Swear to God, pilit na pilit lang talaga ako!
Umepal si Drex, “Oh? Ceto? Skater ka pala? Akala ko vocalist ka lang ng The Untold Story! HAHAHA!”
“Tol, ngayon mo lang nalaman? Classmate kita since elementary until last year pero hindi mo alam? Tol, uso tanga?” Pagtataka ni Drex na parang totoong wala siyang kaalam-alam.
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
टीन फिक्शनYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...
