Ikalabing-pitong Tagpo
Ceto's point of View
"Nakakabagot! Tae naman dito oh!" Umagang-umaga nabubuwisit ako. Eh wala manlang kaming kabaliwang magawa. Isang buwan na kasing wala 'yong ugok na si Drex. Malas lang, 'sang buwan na s'yang wala eh hinihintay pa rin s'ya ng babaeng hanggang sa pantasya ko lang pwedeng makuha. Ang tanga talaga no'ng 'sang 'yon.
Three weeks nang nakakaraan no'ng isinigaw ko sa sambayanang Pilipino na,"I just want to win her heart, my secret love's heart", pero parang hindi n'ya narealize na s'ya 'yon. Ang slow n'ya! Kung hindi ko lang mahal 'yon baka nabatukan ko na 'yon. Sa gano'ng paraan baka malinawan pa s'ya.
Ang martir ko na yata. Gabi-gabi ko ba namang s'yang sinilip mula sa bintana. Sinisiguro ko munang nakatulog na s'ya bago ako matulog. Tawagin n'yo na akong tanga pero anong magagawa ko? Gano'n na lang ba 'yon? Hindi, 'di ba? Kasi nga, uulitin ko, nagmamahal ako sa taong pinanghahawakan na ng iba.
Pero kahit gano'n, masaya pa rin ako kasi nakita kong sumaya s'ya kahit hindi na 'ko parte ng kasiyahan n'ya. Pero, it badly hurts everytime na nawiwitness ko na nasasaktan s'ya. Kung tatanungin mo ako kung kamusta na ang tangang 'yon. Ito lang maisasagot ko, okay na s'ya... ang baboy na ulit sa Beng-beng. Pero napansin ko lang, parang ang tipid-tipid na n'ya sa Beng-beng.
"Itext ko kaya 'yon? Para namang magrereply 'yon? Aba! Libre namang umasa ah!"
Kanami's Point of View
"Darn? Ako ba 'to? Summer na nga... eh bakit parang hindi ako nagliliwaliw ngayong summer? Teka nga, baka naman mali lang ang date na alam ng utak ko." Sigaw 'yan ng utak ko, bago ko pa mapagdesisyunang icheck ang date sa calendar ng handphone ko.
"April 24, 2012", wow ha! Sakto! 'Sang buwan na pa lang wala ang gago. Hindi ko na yata namamalayan ang paglipas ng araw. "Hoy Drex! Ulol! Happy monthsary sa pagtatago mo! Para kang yelo! Ang tagal ng taguan natin ah? Labas na kasi!" 'Yan na lang ang nasambit ko. Buti na nga lang medyo okay na ako. Pero medyo lang, ayaw ko pa ring nagpapakaloner. Kasi... naalala ko pa rin s'ya, mahal ko pa rin s'ya... kahit na walang nakakaalam kung babalik pa ba s'ya.
At habang hawak-hawak ko ang handphone ko, naaninag ko ang mukha ko."'Nak ng parents! Sagad sa laki ang eyebags ko." Tsss. Hindi kasi ako makatulog kaagad t'wing gabi. Pinapatay ko na nga kaagad ang ilaw sa kwarto ko, akala ko kasi makakatulog agad ako. Hindi pala, hindi ako dinadalaw ng antok. Kung pwede ko nga lang utusan 'yong utak kong wag na s'yang isipin, eh di sana last month ko pa ginawa! Hayyy na---
*Beep Beep*
Hindi ko na naituloy ang pag-iisip ko nang biglang nagwala ang handphone ko kaya binukasan ko na lang 'to.
From:+63905********
Kanami? Summer na ah! Tara? Punta tayo sa Resort? Swimming tayo!
At dahil nga hindi ko s'ya kilala nag reply na lang ako ng...
To:+63905********
Who the hell are you?
Wala pang tatlong minuto ay nagreply na s'ya.
From:+63905*******
Tss. Sino pa bang gwapo rito? Eh di si Ceto! Oh ano? Tara? Kasama naman sina Kerr eh... pero itetext ko pa lang sila.
To: +63905*********
Kdot
Dahil nga bored na rin ako, umoo na lang ako. Itetext ko na sana 'yong mga kaibigan ko pero magtatype pa lang ako eh ginulat na naman ako ng handphone ko. Nagtext na kaagad sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/1434585-288-k964804.jpg)
BINABASA MO ANG
TAKE TWO: It's About Asking For One but You Have To Take Two
Подростковая литератураYou asked God to give you a lover...but what if He gave you TWO? Two lovers at a time? Ayan kasi ang lakas mo kay Lord. Biruin mo 'yon dinggin ng langit 'yong hiling mo. Mantakin mo, doble pa sa inasahan mo 'yong ibinigay Niya sa'yo.Oh? Ano 'yan? Bu...