CHAPTER 3

12.5K 358 3
                                    

Nagdadalawang-isip siya kung papasok pa siya,late na siya nakarating sa St.Miracle University,graduating na siya at tatlong buwan na lang gagradweyt na siya sa kursong BS ACCOUNTING,pero dahiL malatelenovela ang buhay niya sa dinadanas niya sa bagong pamilya ng kanya ama na mapang-api naaapektuhan ang pag-aaral niya. Ginagawa niya ang lahat para hindi bumaba ang grades niya ng sa ganun ay hindi mawala ang iskolar niya na siya dahilan kung bakit nakakapag-aral pa siya.

Naikuyom niya ang nanlalamig niyang mga palad. Isang Linggo siya hindi nakapasok dahiL sa madrasta niya at sa kanyang step-sister na si Ella. Hindi siya nakapasok dahiL isang linggo siya ginawang alalay ng mga ito. Isinama siya sa pagbabakasyon ng mga ito sa isang beach at wala siya magawa kundi sumama sa mga ito sa takot na palayasin siya ng mga ito.

May kaya ang pamilya niya pero ng mamatay ang mama niya sa kanser naging malungkutin siya hanggang sa maghanap ng bagong asawa ang kanya ama na sa tingin nito ay sasaya siya muli pero hindi madali ang lahat sa kanya na matanggap ang bagong asawa ng kanya ama at ang anak nitong mapang-api. Lagi siya inaalila sa tuwing wala ang kanya ama pero kapag kaharap ang ama daig pa na mahal na mahal siya ng mga ito.

Pero bigla gumuho ang mundo niya ng mamatay sa car accident ang papa niya,kakagradweyt lamang niya noon sa highschool at apat na taon na mula ng pumanaw ang ama at apat na taon na din siya dumadanas ng hirap sa mag-ina na siyang nagpapasasa sa pinaghirapan ng kanya ama mula sa pagtatrabaho nito.

Ni cinco ay wala siya natatanggap sa mga ito,kung meron man ay iyun lamang ay sukli mula sa pamimili niya sa grocery.

Mabuti na lamang hinayaan siya ng mga ito makapag-aral kapalit na wala siya makukuha sa mga ito ng allowance.

She sighed. Mala-cinderella ang buhay niya. Sana isang araw mahanap na niya ang katahimikan sa buhay kahit isang araw lang.

Kinakabahan na lumapit siya sa nakabukas na pintuan ng silid-paaralan na papasukan niya. She's already late pero pinilit niya makapasok dahiL gusto niya makausap ang mga guro niya.

Napatitig siya sa lalaki na nakaupo sa desk na nasa harapan. Bagong teacher? Mula sa kinaroroonan niya,kita agad na gwapo ang bago guro nila. Agad na pinalis niya sa isip ang pagsulpot ng paghanga para rito.

Kumatok siya para pukawin ang ang atensyon ng lalaking guro. Sa ginawa niyang iyun agad na nagbaba siya ng tingin ng sabay-sabay niya nakuha ang atensyon ng mga ito.

Nang magtama ang kanila mga mata ng bagong guro nila para siya nahipnotismo sa mata nitong kulay asul. He is look foreigner. Matangkad at matikas ang pangangatawan. Sobrang gwapo.

Pero agad siya nakaramdam ng inis sa klase ng pagtrato sa kanya ng kapwa niya kamag-aral.

Sinabi niya rito na magpapaliwanag na lamang siya  nang wala siya maibigay na  excuse letter rito.

Napuna niya ang pagkagulat at hindi makapaniwala sa mga mata ng guro ng magtagpo ang kanilang mga mata.

Hindi niya mawari kung ano ang iniisip nito nang magtama ang kanila mga mata.

Nakasunod siya rito habang tinutungo nila ang office hanggang sa makaupo siya sa harap ng desk nito.

Ramdam niya ang matiim nito pagtitig sa kanya.

Nababagabag siya sa klase ng pagtitig nito sa kanya,dati naman sanay na sya tinitigan dahiL lahat ang tingin sa kanya ay weird at loner.

Iwas siya sa lahat dahiL sa dinadanas niya sa madrasta niya at sa bruha nitong anak. Tingin niya sa lahat ay mapang-api.

She hate being weak and vulnerable kaya naman niya lumaban pero sa paanong paraan lalo na kung sila na lamang ang meron ka na pwede mong takbuhan kaya nagtitiis siya sa mga ito.

Sana matapos na ang lahat at sana isang araw may makilala siyang tao na ituturing niya tagapagligtas.

Pero sa fairytale lang meron nun at isa pa hindi siya si Cinderella lalong hindi fairytale ang buhay niya.

Malalim na hininga ang kanya binitawan. Sabi nga nila,matuto kang harapin ang realidad.

PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon