Kanina pa niya hinihintay ang paglabas ng dalaga. Isang oras ng atrasado ang dalaga sa tagpuan nila sa likod-bahay bilang lobo naman.
Hindi maganda ang nararamdaman niya. Narinig niya ang pagbabanta ng stepsister nito sa dalaga kanina. Ayaw niya isipin na may ginawa hindi maganda ang babae iyun kay Ereka dahiL sa oras na saktan nito ang dalaga. Hindi niya pipigilan ang sarili na saktan din ang babae. Wala sinuman ang may karapatan na saktan ang kanya mate.
Mula sa kinatatayuan niya puno. Wala pa rin Ereka na nagpakita. Hindi na siya mapakali. Hindi niya hahayaan na hindi makita ang dalaga ngayon gabi. Hindi lang siya tatayo roon at maghihintay lang doon. Lumundag siya para puntahan ang dalaga. Siya ang gagawa ng paraan para makita niya ito.
Mula sa maliit na bintana maingat na sumilip siya roon doon niya naaamoy ang dalaga. Agad na napangunot ang noo niya ng makita ang itsura ng silid. Malamlam ang ilaw sapat lang matanglawan ang loob ng silid. Maraming tambak na mga gamit. Masikip at mainit.
Nanikip ang dibdib niya ng makita ang katawan ng dalaga na nakabaluktot sa sahig. Hindi siya sure kung may sapin ba ito o wala.
Napatiimbagang siya. Binalot ng galit ang dibdib niya para sa kalagayan ng dalaga.
Masakit at mahapdi ang natamo niya panghahampas ng stepsister niya kanina. Sinampal pa siya ng madrasta niya ng isumbong siya rito ng kanya stepsister.
Tinamaan ang sikmura niya sa bigla pagtulak sa kanya ni Ella at tumama siya sa gilid ng hagdanan.
Wala na siya maibuhos na luha dahiL alam niya naubos na yun apat na taon na sa lihim niya pagluha.
Awtomatiko na nanigas siya ng bumukas ang pintuan niya. Hindi siya nagtangka lumingon at mariin na pumikit. Baka may gawin na naman sa kanya ang madrasta niya at si Ella kaya pumasok ito ng silid niya.
Pero nagtataka siya na hindi man lang nangyari ang inaasahan niya. Kumabog ang dibdib niya ng malakas ng dahan-dahanin niya ang paglingon.
Ganun na lamang ang pagkabigla niya ng makita si Clyde.
"Clyde!" bulalas niya at mabilis na tinungo ang pintuan para ilock iyun.
Nanlalaki ang mga mata nilapitan niya ito.
"A-anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?"
Nanatili nakatiim na nakatitig sa kanya si Clyde.
She sighed. "I'm sorry kung hindi ako lumabas kaya siguro ikaw na ang pumasok.." aniya.
Hindi pa rin niya mapaniwalaan na nakapasok ito na walang nakakaalam. Matalinong aso!
Hinaplos niya ang balahibo nito.
Bigla nanubig ang mga mata niya. Bigla nagkaluha ang mga mata niya habang magkatitig sila ni Clyde.
"H-Hindi ako makapaniwala na nandito ka sa tabi ko habang nalulungkot ako..tama ang napanaginipan ko na hindi mo ako pababayaan.." garagal niya saad.
Niyakap niya ito ng buong higpit at patuloy siya sa pagluha.
"Sana kung tao ka lang..sasama ako sayo makaalis lang ako rito. Ayoko na taLaga rito..hindi ko na inaasahan na ituturing pa nila ko pamilya..Ayoko na rito.." lumuluha niya saad.
"Gusto ko na umalis rito pero saan ako pupunta..?"
Wala siyang ibang mapupuntahan maliban sa iskul na araw-araw niya pinapasukan.
"Isama mo na lang ako,Clyde.." nagmamakaawa niya saad hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulugan na niya ang pag-iyak.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)
Hombres Lobo#prince #mate #romance #whitewolf #dreame