Agad na naging alerto sila ng inner wolf niya ng tila narinig niya ang pagtawag sa pangalan niya.
Agad na nakaramdam siya ng masamang kutob. Mabilis na hinanap niya si Ereka sa classroom nito. Nagsisimula na ang sunod na klase. Sisilipin lang niya kung naroroon ang dalaga.
Pero hindi niya ito makita. Wala ang dalaga. Doon na niya hinayaan balutin siya ng pangamba at pag-aalala para sa dalaga.
Where is she?!
Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya nalalaman kung nasaan ang dalaga. Lumapit siya roon at kinuha ang atensyon ng co-teachers niya lalaki.
Lihim na nagsisitilihan ang mga babae istudyante niya.
"Yes,Sir Clyde?" anang nito.
"Pasensya na sa abala ,nais ko lang sana makausap si Ms.Ereka Rux.." aniya habang iniisa-isa ng tingin ang mga istudyante.
"She's not here,Sir Clyde.." kunot-noo sagot nito.
"Pero pumasok siya kanina..?" nagtataka niya saad.
"Sino nakakita sa inyo kay Ereka?" baling niya sa mga ito.
"Baka Sir,nagcutting.." si Marta na nakangisi pa .
Naningkit ang mga mata niya rito.
Agad na nag paalam siya sa co-teacher niya.
Imposible yun. Hindi gawain yun ng dalaga,malamang late pero ang magcutting,that's a big No.
Hindi siya mapakali. Nararamdaman niya na may masama nangyayari rito.
Ginamit niya ang kakayahan na patalasin ang pakiramdam. Alam niya nasa paligid lang ang dalaga. Naaamoy niya ito.
Naglakad-lakad siya hanggang sa lumakas ang pang-amoy niya sa dalaga. Sa isang saradong pintuan natuon ang atensyon niya. Agad na kinutuban siya.
Mabilis na tinungo niya ang pinto na nakalock. Malakas ang kutob niya na naroroon ang dalaga. Buong pwersa na inalis niya ang padlock na hindi kailangan susian pa.
Agad na sumalubong sa kanya ang kadiliman at maalikabok na silid iyun.
"Ereka!" bulalas niya ng makitang walang malay na nakahandusay ang dalaga sa sahig.
Pawisan ito.
Nagmamadali na inilabas niya roon ang dalaga at hindi alintana ang mabilis niya kilos para madala agad ito sa clinic room.
Humanda sa kanya ang gumawa nito sa mate niya!
Wala pa rin malay ang dalaga pero okay na ito. Nasuffocate lang ang dalaga kapag nagtagal pa ito roon malamang sa malamang mapugutan na ito ng hininga. Naikuyom niya ang mga palad.
Nadumihan ang luma na nito uniporme. May tastas na rin ang laylayan ng palda nito. Alam niya ang dinadanas ng dalaga sa kamay ng mag-ina iyun!
Binalot ng galit ang dibdib niya. Gusto niya parusahan ang nananakit sa kanyang mate!
"Sir Clyde..may CCTV dun,baka makita mo kung sino nagkulong sa kanya roon," pukaw ng guard na inutusan niya alamin kung may CCTV roon.
Seryoso tumango siya rito. Sa oras na malaman niya kung sino ang nagkulong sa dalaga. Sisiguruduhin niya mananagot ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)
Werewolf#prince #mate #romance #whitewolf #dreame