CHAPTER 25

10.4K 308 1
                                    

Literal na hindi niya inaasahan na sa isang kilalang Mall sila pupunta ni Clyde. Tahimik lang siya habang abala naman ang lalaki sa pagtingin-tingin nito sa isang gadget na pinasukan nila.

"Heto,Sir..bagong model po namin this year..mataas ang phone memory at malinaw ang camera.."halatadong kinikilig na saad ng sales lady na kausap ng lalaki.

Tila naman hindi ito pansin ni Clyde dahiL tutok ito sa hawak nitong gadget.

Bumaling sa kanya ang binata at ngumiti sa kanya. Kimi naman siya gumanti ng ngiti rito. Napansin niya ang pagtaas ng kilay ng saleslady sa kanya.

" Alright,bigyan mo ako ng dalawa nito,yung white,okay?"demand nito saad sa babae.

"Yes,Sir!"matamis na pagngiti ng babae na kanina lamang ay nakataas ang kilay sa kanya.

Lihim siya napabuntong-hininga.

" Bagay sayo ang suot mo.."namamangha nito saad.

Nahihiyang ngumiti siya rito. Ang una nila pinuntahan ay ang bilihan ng mga damit. Kahit anong tanggi niya naipilit nito sa kanya ang mga damit na babagay sa kanya.

Suot niya ngayon ang isang longsleeve camisole na nakatack in sa fitted rugged jeans na humakab sa mahubog niya mga hita na tinerno sa heels na hindi masyado mataas ang takong.

"Salamat,Si-- uhm,Clyde..."

Kailan nga ba siya ulit nagkaroon ng bagong damit? Ah noong nabubuhay pa ang mga magulang niya.

Napaangat siya ng mukha ng haplusin nito ang buhok niya na maayos na nakalugay.

Agad na nilukob na pamilyar na damdamin ang dibdib niya habang nakatitig sa kulay asul na mga mata nito.

"You are so beautiful,Ereka...in and out," matiim nito saad.

Isang ngiti ang pinukol niya rito.

"Uhm,Sir.." pukaw ng sales lady.

Agad naman na nilingon iyun ng binata.

Habang inaasikaso ang bayad. Inayos nito ang mamahalin cellphone. Sa pagkabigla niya napaawang ang bibig niya ng ilahad nito sa kanya ang isang cellphone.

"Uh,wag na..sobra-sobra na ang ibinigay mo sakin,Clyde.." pagtanggi niya.

Pero gaya kanina hindi ito pumayag na hindi niya tanggapin ang ibinibigay nito.

"Take it,tig-isa tayo. Gusto ko na may communication pa rin tayo kahit nagkikita tayo sa iskul.." seryoso nito saad.

Wala na siya nagawa kundi tanggapin iyun.

Napatingin siya sa isa nito cellphone na kaparehas ng kanya. Wala din ba itong cellphone?

Tila naman nahulaan nito ang nasa isip niya.

He chuckled. "Hindi ako gumagamit ng cellphone pero dahiL sayo finally mararanasan kong makagamit nito,"anito.

Gumalabog ang dibdib niya.

"Let's go.." anito.

Bigla sya nanigas ng abutin nito ang kamay niya at hinila siya nito palabas.

"Nuod tayo ng sine.."untag nito sa kanya habang magkaharap sila kumakain sa isang fast food chain.

"Uhm..baka kasi hinahanap na ko ni Tita.." nahihiya niya saad.

"Don't worry,ako na bahala magsabi sa kanila.." tila balewala nito saad.

Agad na napatitig siya rito ng abutin nito ang kamay niya.

"Wag mo na sila isipin ngayon..gusto ko mag-enjoy ka ngayon araw," seryoso nito saad.

Pinigilan niya ang namumuong luha sa mga mata niya.

"Alam ko kung paano ka nila tratuhin..don't ask kung bakit ko iyun alam..Ereka,I'm here...I'll take care of you..hindi sa kinakaawaan kita,Ereka..dahiL alam kong ayaw mo yun..ginagawa ko ito dahil gusto kita makitang masaya, I want to see you happy,"masuyo nitong saad.

Ngayon nasagot na ang tanong niya sa mga makahulugan nito sinasabi nitong nakaraan.

Mataman na nginitian siya nito.

"You are very special to me,Ereka.."

Gumuhit ang ngiti sa kanya mga labi. Napakasaya niya.

PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon