Maaga siyang pumasok,hindi niya alam pero sobra sya naeexcite. Maaga kasi siya tinawagan ni Sir Clyde..o Clyde kapag sila lang.
Napangiti siya. Nag-good morning sa kanya ang binata at labis iyun nagpaganda ng araw niya.
Nasa classroom na siya. May kalahating oras pa bago ang klase nila.
Nakatitig siya sa hawak na celpon at nakikipagpalitan ng mensahe sa binata.
Ilang minuto ng hindi tumugon ang binata. Pero baka busy na ito para pumasok. Agad siya napatingin sa pagbukas ng pintuan.
Agad na gumalabog ang dibdib niya ng pumasok si Clyde.
Nakangiti ito sa kanya.
Lumapit ito sa kanya. "I bought these for our breakfast," anito.
Nilapag nito ang bitbit na paperbag na may tatak ng pangalan ng kilalang fast food chain.
Kumuha ito ng upuan at umupo paharap sa kanya.
"Let's eat now,baby.." anito.
Nangingiti kinuha niya rito ang kutsara't-tinidor.
Hindi siya nababahala na may dumating na kaklase niya. Maaga pa naman at alam nila ang limitasyon nila sa loob ng classroom.
"Naniniwala ka ba sa sinabi ko sayo last night?" untag nito maya-maya.
Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam ang isasagot.
He chuckled. "It's true..pero alam ko kung saan lang ang limitasyon ko lalo na kapag nandito tayo sa iskul,Ereka..alam ko nangangamba ka..basta magtiwala ka lang sakin,iyun lang ang kailangan ko sayo.." masuyo nito saad.
Hindi na niya ikakaila ang tunay na damdamin para rito alam niya na alam nito ang saloobin niya sa isiniwalat nito.
Hindi niya inasahan ang sunod nito ginawa. Dumukwang ito at pinatakan siya ng halik sa kanya noo.
"I'll promise hanggat nasa tabi mo ako wala ka dapat ipangamba hindi kita pababayaan.."buong suyo nito saad.
Kimi siya ngumiti at tumango rito.
"May 15minutes pa tayo bago sila dumating.."
Mapanabay sila natawa sa isipin na may makakahuli sa kanila.
Nagsimula na ang lihim na ugnayan nila ng binata. Kahit hindi siya nito tanungin tungkol sa tugon niya sa pagpaparamdam nito sa kanya ay tila kampante naman ito na tahimik niya pinapayagan ito sa tunay nito atensyon sa kanya.
Puno ng kasiyahan at excitement ang buo niya araw. Tila normal lang ang oras na magkasama sila ni Clyde lalo na sa klase nito,naging propesyunal sila bilang guro at istudyante.
Nang mag break, agad na nagtungo siya ng rest room. Nasa cubicle siya ng may pumasok na mga magbabanyo.
"Nakita mo sa graduation ball natin? Sinayaw siya ni Aldrin Tapos si Sir Clyde di lang yun magkasabay pa sila dumating! Usap-usapan nga na baka may relasyon sila.." sunod-sunod na saad ng isang istudyante.
Napakapit siya sa hawakan ng pinto na tangka siya lumabas natigil iyun ng marinig niya ang mga salita iyun.
"Hmp! Baka naman nagkataon lang,malay naman natin na baka favorite student siya ni Sir Clyde!"kontra ng isang babae.
"Oo nga eh,saka iba talaga, ang lagkit kasi kung tumitig si Sir Clyde dun sa babae!" anang ng naunang babae.
Pinanlamigan siya ng katawan.
"Maganda naman kasi siya saka bawal yun noh istudyante siya ni Sir Clyde...nakakakilabot naman!" tugon ng pangalawa babae.
Nanatili siya nakatitig sa pintuan hanggang sa makaalis ang mga ito.
Iyun nga ang pinangangambahan niya ang masira niya ang reputasyon ni Clyde.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF WHITE WOLVES SERIES 1 : CLYDE ESFERIAL(INCOMPLETED)
Werewolf#prince #mate #romance #whitewolf #dreame